VHAN POV
"Ah oo nga , ikaw yung mataray doon." Sabi ko naman sabay tawa.
Nakita ko naman ang pagbabago ng kanyang aura. Hahhaha!
Kinuha nya sa aking pagkakahawak ang kanyang bag at akmang ihahampas sa akin ngunit agad naman syang napigilan ng kanyang kasamahang babae.
"Baka naman magkatuluyan kayo ng wala sa oras nyan?" Sabi naman ulit ng babaeng maganda na kasama nitong babaeng mataray.
"Ano 'to midnight love? Pwe! Kadiri. Ayoko nga!" Pagtataray nya at humarap sa akin upang tumaray.
"O , paano Chief? Una na po ako , maaga pa pasok bukas." Pagpapaalam ko dahil hinihintay na ako ng aking mga kapatid kahit ganitong oras na.
Tumingin naman akong muli doon sa babaeng mataray at inirapan nya lang ako. Aba!
"Wala man lang thankyou?" Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.
Hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa pagkalkal ng bag nya.
"Pagpasensyahan mo na yang bestfriend ko , ganyan lang talaga yan." Pagpapaliwanag naman sa akin noong babaeng maganda.
"Ako na lang ang magt-thank you para sa kanya. Thank you!" Sabi nya at saka ngumiti sa akin.
"A-ano nga palang pangalan ninyong dalawa?" Hirit ko pang tanong kaya napatingin syang muli sa akin.
"I'm Hazza Mafie and she is Macy Justine and we are bestfriends." Masaya nyang sabi sa akin.
"Salamat." Huli kong sabi at saka umalis na sa harapan nya.
Hindi naman siguro pahirapan ang pag-uwi dahil quarter to one na. Ang kaso , panigurado maraming criminal sa lugar na ito lalo na kapag ganito ng oras ng gabi.
Nagtuloy tuloy lamang ako ng paglakad hanggang sa maka-hanap ako ng isang jeep na puro ang lalaki ang nasa loob ngunit may isang babae at medyo nerd ang itsura.
Nilabas ko ang wallet ko mula sa aking bulsa at saka kumuha ng sampung piso.
"Bayad." Akin namang sigaw at iniabot doon sa babae nakaupo sa akin tabi.
Naka-yuko lamang sya at parang kinakabahan. Tumabi sa kanya ang isang lalaking mukhang adik at matanda na since meron pa namang space sa kanyang tabi. Huwag nyong sabihing bagong gulo na naman ito?
Nilalayo naman nga babae ang kanyang kamay dahil sa pagkakaalam ko ay pilit hinahawakan ito ng lalaki.
"Ano nangyayari?" Inosente kong tanong sa babae.
Umiling lamang sya sa akin at kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Lumipat ako sa kabila upang tingnan kung ano ba talaga ang ginagawa ng lalaking ito.
"Bumaba ka na!" Sigaw nya at pilit tinutulak ang babae , pababa ng jeep na ito.
"Respeto naman po 'tay. Babae yan!" Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay nagtinginan ang mga tao na nakasakay sa jeep.
"Ano bang pakialam mo bata?" Pananakot nyang tanong sa akin at amoy rugby ang kanyang bunganga.
Nilabas nya ang kanyang kutsilyo at tila bang sasaksakin ako. Agad ko namang nilabas ang aking baril at pinaikot muna ito sa aking daliri at saka tinutok sa kanya.
"Pulis ako. Sumama ka sa akin!" Sabi ko at saka kinuha ang aking lisensya mula sa aking wallet.
"Anong sasama? Buang lang ang sasama sa iyo." Sabi nya sa akin at saka tumawa ng nakakaloko.
Tinapat nya ang kutsilyo sa kanang tagiliran ng babae kaya naman nag-tilian ang lahat. Mga bakla pala ang nasa loob nito.
"Sasama ka sa akin o tutuluyan kita sa harap nila?" Sabi nya sabay ipit sa kamay ng babae.
Tumabi naman ako sa lalaking adik na ito at tinutok ko ang baril ko sa ulo nya pero hindi pa ito nakakasa.
"Sasama ka sa akin at bibitawan mo ang babaeng iyan o tutuluyan kita?" Maangas ko namang sabi.
"Manong para ho!" Sabi ko at hinila ang lalaking ito.
Sumama naman sya sa akin at ang babae. Nakakapit lang sa akin damit ang babaeng ito at nakatutok pa rin ang baril ko sa kanyang ulo. Hindi pa naman masyadong nakakalayo ang jeep na aming sinakyan kaya pwede pa syang lakarin.
Patuloy pa rin ang pagtutok ko sa kanya dahil alam kong kahit anong oras ay kakawala ito. Hawak naman ng babae ang kutsilyo na pinangtutok sa kanya.
Tinatanggal nya ang aking kamay at para bang gustong kumala mula sa aking pagkakahawak.
"Huwag mo na pong subukang tumakbo dahil baka hindi ko po mapigilan ang mabaril ko kayo." Magalang kong sabi at mabuti na lamang at tumigil sya.
Nakarating kami ng station at agad ko namang ini-report ang nangyari sa babaeng patuloy pa rin ang pagka-hawak sa akin. Hinayaan ko na lamang sya dahil alam kong mas magiging komportable nya sa lagay na iyan.
"Ipasok na iyan." Sigaw naman ni Chief at agad naman nila itong ipinasok sa loob ng kulungan.
Nandun pa rin yung dalawang babaeng kausap ko kanina. Dito na ba sila matutulog?
Humagulgul naman ng iyak ang babaeng aking kasama at napasandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Okay lang yan. Hindi na mauulit ang pangyayaring ito."
"Tatay ko po kasi sya." Mahinhin nyang sabi na agad ko naman ikinagulat.
"Seryoso ka?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
Nakita ko naman ang pagbagsak ng kanyang mga luha kaya hindi na muli pa ako nagtanong pa.
"Iniwan po kami ni Nanay kaya nagka-ganyan ang aking ama. Sumama ito sa ibang lalaki dahil kapos rin kami sa buhay. Mayaman ito at wala pang anak." Muling pagsasalita ng babae.
Napa-nganga naman ako sa kwento nya. Ngunit mas masaklap pa rin ang akin , dahil sya nandito pa ang kanyang mga magulang at pwede nya pang makita pero yung akin , malayong malayo.
"Shhh! Huwag ka ng umiyak. Maayos rin ang lahat." Pagsasalita naman ng Macy at sabay hawak sa balikat.
"Ihahatid ka na lang namin sa inyong bahay." Sabi naman ng kasama nito.
Bigla namang napa-angat ang ulo nito at ngumiti sa dalawang babaeng kanyang kaharap.
Nakakaawa ang mga ganitong kabataan ngayon. Hindi dapat sila trinatrato ng ganyan. Dapat ay mayroon silang sapat na pangangailangan sa pang araw-araw.
Umalis na sila sa aking harapan at pumunta na sa sasakyang kulay blue.
"Hindi ka sasabay?" Pagtatanong sa akin nung babaeng mataray.
"H-ha? H-hindi na. Magj-jeep na lang ako." Sagot ko at saka naglakad palayo sa kanila.
Naghanap akong muli ng masasakyan. Pahirapan nanaman ito dahil alas-tres na ng madaling araw. Kung pwede lang sanang lakarin ang opisina at ang bahay namin , ginawa ko na.
Nakatanaw naman ako ng ilaw. Nagliwanag naman ang buong paligid at nakakita na ako ng isang jeep na puno. Sumakay ako sa harap ng driver at nagbayad.
~*~
Nakadaan ako sa iskenita na sobrang daming nagiinoman kahit ganitong oras na. Sabagay Linggo na nga pala ngayon dahil kahapon ay Sabado.
Pumasok ako ng aming bahay at sinilip ang aming kwarto. Nakita ko naman ang aking mga kapatid na mahimbing na natutulog. Sinilip ko din ang kwarto nila Antie at Uncle , tulog na rin ang dalawa.
Tumungo naman ako sa aming kusina at saka tiningnan kung may ulam at kanin pa ba. Salamat naman sa Diyos at meron pa dahil nabitin rin ako sa pagkain ko kanina dahil hinabol ko nga ang holdaper na iyon. Masaya na ako ng dahil nabigyan ko ng kaunting kasiyahan ang aking mga kapatid pati na rin sila Uncle.
Pagkatapos kong kumain at dumiretso na ako sa aming kwarto at natulog. Nagpalit muna at ng damit at tumabi na rin sa aking mga kapatid. Maaga pa ang pasok ko bukas.
—