VHAN POV
"Good morning Vhan , kamusta naman ang tulog mo?" Malanding sabi sa akin ni Lolita , isa sa mga kasamahan ko dito sa aming office.
"O , andyan na pala si pareng Vhan e." Pagpupuna naman sa akin ng isa kong kasamahan.
Nginitian ko lamang sila at saka dumiretso sa aking upuan upang ayusin ang mga trabahong naka-assign sa akin.
"Nag-almusal ka na ba?" Pagtatanong namang muli sa akin ni Lolita sabay haplos sa aking likuran.
"Pwede ba? Layuan mo ako! Nakakadiri ka." Sabi ko naman sabay alis ng kanyang kamay.
"Ang taray!"
Muli ko namang ibinaling ang aking atensyon sa aking ginagawa.
"Vhan Edgar Valencia." Napa-angat naman ang aking ulo ng marinig ko ang aking buong pangalan.
"Y-yes sir?" Pagtatanong ko naman at saka tumayo.
"Sweldo mo." Sabi nya naman at saka abot sa aking ng isang sobre.
Nagliwanag naman ang aking mga mata ng makita ang laman ng sobreng iyon. Unang sweldo ko ito bilang isang pulis at napaka-laking pera na nito para sa akin.
"Salamat ho , sir!" Akin namang sagot at saka sya kinamayan bago ako umupo.
Napaisip tuloy ako kung ano ang pwede kong bilihin para sa aking mga kapatid at para rin kay Antie at Uncle. Unang sweldo ko ito at kailangan may mabili ako sa kanila. O hindi kaya , pakainin ko na lamang sila sa labas.
"Hey Vhan! Hahhaha! Tulala , musta trabaho? Okay lang ba?" Pagtatanong naman nitong si Raian , bestfriend ko simula highschool. Sabay din kaming nagtapos ng pag-aaral. Alam nya din ang nangyari sa aking mga magulang at alam nya rin ang dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong criminology. Sya lang ang bukod tanging may alam ng aking buong istorya dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.
"Nagiisip kasi ako kung anong pwedeng gawin sa perang ito. Napakalaki na ng tatlong libo para sa akin."
"Pangdo-dota ko lang ang akin." Sabi nya kaya naman sinuntok ko sya sa kanyang kanang braso.
"Buang ka ba? Pinaghirapan mo yan , tapos ipanglalaro mo lang? Nahihibang ka na ba? Mabuti pa ibigay mo yan sa mga magulang mo. Lokong 'to!"
"Ito naman , hindi ka talaga mabiro. Syempre , iiponin ko 'to , ano. Tapos bibili ako ng sports car at bahay at lupa." Proud nya namang sabi sa akin.
"Ang dalawang libo , itatabi ko at ang isang libo naman ay ibibigay ko kay Antie."
"E , sabi mo sa akin noon hahanap ka ng abogado."
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Manahimik ka nga."
"Kukunin ko ang kursong 'to hindi dahil gusto kong gumaya sa iyo , kundi para rin sa aking mga magulang na hanggang ngayon ang wala pang hustisya ang pagkamatay. Hindi mo alam na gabi gabi nila akong ginugulo sa aking panaginip at minsan pa nga ay nagpapakita sila sa akin. Ako na lang ang pag-asa ng aking mga magulang , gusto ko silang manahimik."
Iyan ang aking sabi kay Raian noon bago kami pumasok sa isang University na puro lalaki lamang ang nandoon. Boys school nga ang tawag sa University na iyon. Nagsikap ako kahit kulang ang aking mga gamit. Dahil may isang anak rin ang aking Antie. Mabuti na nga lang at hindi ganoon kasungit ang aming Antie Hava , hindi katulad doon sa una naming Antie na pinagpapalo ang aking mga kapatid kapag wala ako. Napaka-lupit ng aming buhay noong nawala ang aking mga magulang.
"E hindi ba , hahanapin mo yung pumatay sa magulang mo?" Pabulong nya namang sabi sa akin.
"Oo nga , iyon nga ang aking plano. Pero pare , mahirap humanap. Ang hirap hanapin ng mga taong pumatay sa aking mga magulang. Hindi ganoong kadali ang aking trabaho lalo na kung dalawa ang aking pinagtatanggol. Ang aking mga magulang at ang mga mamamayan. Isama mo pa ang aking pamilya. " Mahaba ko namang sabi sa kanya.