For Yixing biased

118 5 3
                                    

Nagfefacebook ka ng mabasa mo yung isang post ng friend mo na #EXOinManila. Syempre masaya at excited ka dahil parehas yung hinihinga nyong hangin at syempre dahil niregaluhan ka ng parents mo ng VIP ticket(lang naman) para sa concert ng exo at lalo kang naexcite dahil Isang tulog nalang at nakikita mo na sila, siya. Nung una hindi ka makatulog sa sobrang excitement, pero tumumba ka rin.

Ilang Segundo and lumipas. Minuto, Oras ay lumipas.

UMAGA NA!
Bumangon ka sa higaan mo at kinuha hung wallet mula sa MCM na bag mo.

"Putang!" Sigaw mo.

"Ano ba yan sophie ang aga aga nagmumura ka" -Eonni

"Oo nga ate di ba sabi mo bad mag mura?" -Dongsaeng

Hindi mo na pinakinggan yung mga sinasabi nila. Dahil nawawala yung VIP ticket mo.

"Defruta naman oh. Sa lahat ng pwedeng mawala yung ticket ko pa!" -You

"Ate sophie kung saan saan ka naghahanap nandito lang sa may bintana" -Dongsaeng, sabi nya sabay labas sa kwarto.

Hindi ka pa nakakalapit ng biglang humangin ng malakas.

"Yung ticket koooooo! Puta puta yung ticket kooo!" Hahabulin mo sana kaso hinila ng ate mo yung buhok mo, umiiyak naman yung nakababata mong kapatid.

"Nababaliw ka na ba talaga ha sophie?" -Eonni

"Ate sophie, please wag' kang magpakamatay" -Donsaeng, habang humahagulgol.

"Eh, puta yung ticket ko lumipad"-You

"Ate sophie, ikaw na ang nagsabi na ang papel hindi lumilipad" Habang humahagulgol.

"Mukhang kelangan mo na talagang dalhin sa mental" -Eonni

"Puta ate! Sino ba namang hindi mababaliw kung yung VIP ticket mo eh nawala lang ng ganun ganun!" -You

"Anong problema mo, may pera dyan bumili kanalang. Bumili ka kahit anong seat" -Eonni

"Eh wala na nga eh. Sold out na okay! Hayyyyy! Nakakagag* naman tong araw na to oh!" -You

Biglang may sumigaw na lalake

"Miss, dyan ka lang. Kung may problema ka pagusapan natin yon. Wag' kalang tatalon,okay?" Pasigaw na sabi ng hindi kilalang lalaki.

Oo nakatungtong ka kasi sa bintana at 4th floor lang naman ang taas nun bago yung lupa. Dahil doon sa sinabi nung lalake, naglabasan ang mga tao. At nagsimula na ang mga,

"Miss, Wag' tatalon!" Sigaw ng mga tao.

"Nako, wag' ho kayong magalala mahal na mahal ko po yung buhay ko! Wala po akong planong tumalon!" -You

Biglang may lumapit na maputing lalaki dun sa lalaking kung makareact eh wagas.

Mula sa kinatatayuan mo eh medyo naririnig mo yung pinag uusapan nila.

Magtatanong ata ng direksyon.

Tumingin sya sayo.

Pamilyar sayo yung mukha nya.

Nagkatitigan kayo at nginitian nyo ang isat isa.

Nagwave ka sakanya at nakabitaw ka sa bintana.

Dahil sa takot eh napapikit ka nalang.

Pagdilat mo nakita no siya and pinakamamahal mong si Yixing.

"Okay ka lang ba? Bat ka kasi nakatungtong sa bintana nyo? Oh bat ka umiiyak?" -Yixing

"Oo okay lang ako. Lumipad kasi yung ticket ko para sa concert nyo mamaya. Kaya ako umiiyak kasi akala ko di na kita makikita nawala ko kasi yung ticket, may pangalan yun pero di ko alam kung may magbabalik. Pero kahit ganun okay lang kasi di lang kita nakita, buhat buhat mo pa ko" -You

"Hoy, hindi lumilipad ang papel" -Eonni, sigaw nya sayo mula sa bintana ng kwarto nyo.

"Heh. letche panira ka ng moment" Sigaw mo sakanya

"Ate ikaw na ba yan? nasa tamang pagiisip kana ba?" -Dongsaeng

"Isa ka pang bata ka!" -You

Unti unti nang nawala ang tao, pati na yung lalakeng OA maka react.

Biglang may tumawag kay Yixing. Napalingon kayong dalawa dun sa tumawag sa kanya, yung manager pala nila may hawak na papel.

"Yixing nahanap mo na ba yung may ari nung ticket?" -Manager

"Oo, eto na sya oh, buhat buhat ko na" Sagot ni Yixing, tumingin sya sayo tas,

"Oh, eto na yung ticket mo nakita ko yan dun sa bintana ng van namin. Actually, binigay namin yan dun sa lost and found kaso nung nakita ko yung nakasulat sa likod na #iloveyixing napag desisyonan kong ibigay nalang ng personal, tutal may nakalagay naman na address at pangalan" Sabay ibinaba ka na nya.

"Ganun ba? Nako, salamat ha? Nga pala kelan ka pa natuto magtagalog?" -You

"Nako pasensya ka na hindi ko rin alam kung paano ko masasagot yang tanong mo. Hindi ko alam kung hindi ko talga alam o inatake nanaman ako ng pagkaulyanin ko." -Yixing, sabay kamot sa ulo nya.

"Nga pala? bat nga ba ko nandito? diba dapat nasa China ako?" -Yixing, sabay kamot ulit sa ulo nya.

Biglang nanlabo ang paningin mo, nawala lahat at biglang *Blackout*

May narinig kang tunog.

Dinilat o ang mga mata mo at, "Alarm lang pala" Bulong mo.

May concert ang exo ngayon, kaso #teambahay ka. Ang saklap ano?" -Eonni, bulong nya sayo.

END

JUST GOT IMAGINE feat. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon