For Jongin biased

31 1 0
                                    

Trainee ka daw ng SMent, di ka marunong sa pag sayaw, pero angat ka naman sa pagkanta, acting, modeling at hosting. Dahil di ka marunong sumayaw at di ka matuto tutong sumayaw, sumuko na ang dance instructor nyo sayo at nagdesisyon ito na ibigay ka sa ibang teacher, kung saan ikaw lang ang magiging estudyante.

"Pasensya na pero, ibibigay na kita sa ibang dance instructor, hindi mo kasi kaya talaga na matuto ng maraming kasabay, dapat talaga sayo yung ikaw lang ang tinuturuan" Pagpapaliwanag ng dance instructor sayo

"Okay lang po, pasensya na po alam ko naman pong ginawa mo ang lahat ng paraan para matuto ako pero...pasensya na po talaga" Sagot mo naman

"Sige na pumunta ka na dun sa kabilang practice room baka naghihintay na sya dun" Utos sayo nung dati mong Dance Instructor

"Okay po, pasensya na po talaga" Medyo malungkot na sagot mo

Tumalikod na yung dati mong dance instructor. Naglakad kana papunta sa elevator. Oo elevator dahil yung sinasabing susunod na practice room nung dati mong dance instructor eh dalawang floor ang layo mula sa nilalakan mong hallway ngayon. Nasa tapat ka na ng elevator, pinindot yung button number 5. *ting* nandun ka na sa fifth floor. At aba ayos nandito na agad ako sa tapat ng practice room.

"Ang ganda ng view dito. Oh? Hala? Late na ata ko! Nakabukas na yung mga ilaw sa loob. May tunog narin ng sapatos, ibig sabihin may sumasayaw na sa loob at nasa loob na sya. Sht naman oh. First meeting palang mapapagalitan na ko. Ay aacting nalang ako, kunware hingal na hingal ako kunware madaling madali ako sa pagpunta dito" Sabi mo ng mahina.

May narinig kang kanta. Ang sexy ng tugtog.

"Pamilyar yung tugtog"

I lost my mind

Lumapit ka sa pintuan ng dahan dahan at idinikit ang tenga mo ito dito

Neorul choeummannasseultte

Pinakinggan mo ito ng mabuti

No hanappego modeungoseun

"Alam ko talaga tong kantang to eh!" Sabi mo ng walang lumalabas na tinig sa bibig mo.

Get in slow motion

"Ah! Potek, What is love pala. sht baka member ng exo yung nago kong dance instuctor, ay imposible, masyado silang busy" Sabi mo ng walang lumabas na tinig sa bibig mo.

Biglang bumukas yung pinto. Natumba ka, grabe ka naman kasi maka sandal sa pinto, haha. Pero nasalo ka nung bago mong dance instructor.

"Uy, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? May masakit ba?"

"W-wala naman p-po" Nauutal na sabi mo

Inalalayan ka nyang tumayo.

"Ikaw ba yung trainee na papaturuan sakin?" Tanong niya sayo

"Yah, i think so" Sagot mo naman sa kanya

"Yung hindi marunong sumayaw ng kahit ano? Yung tinuturuan n--"

Pinutol mo yung sasabihin nya at "Oho! Ako ho yun! Ako ho! Ako na yung di marunong sumayaw na trainee!" Naaasar na sabi mo.

"Naiinis ka ba?" Nakangiting sabi nya

"Ay hindi, hindi, tuwang tuwa nga ako eh! Ikaw kaya ang sabihan ng ganun!" Naiinis na sabi mo, magsasalita sana sya pero hindi mo sya hinayaan. "Sabagay, magaling ka kasing sumayaw tsaka ka mukha mo si Jongi-ngi-ngin?" Nawala yung galit na tono ng boses mo ng makita mo ang maitim este ang mukha nya.

Tumawa sya. "Ang cute mo namang magalit, mukhang magkakasundo tayo"

"Pa-panong? huh?"

"Oo ako ang bago mong dance instructor" Sabi nya pagkatapos kinindatan ka nya

"SI KIM JONGIN ANG BAGO KONG DANCE INSTRUCTOR! OHMAYGASOLINA!"

END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUST GOT IMAGINE feat. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon