For Minseok biased

25 1 0
                                    

Wala ka pang kain simula nung pumasok ka, uwian nyo na. Stress na stress ka sa pag aaral, andaming gawain.

Pero syempre titiisin mo yung hirap para sa maganda mong kinabukasan, at syempre para pag nag meet na kayo, maipagmamalaki mo na nakapag tapos ka dahil sa kanya, na siya ang naging inspirasyon at hindi distraction sa pag aaral mo.

Nakuha mo paring maglakad ng napaka bagal,as in, sa kabila ng matinding gutom na nararamdaman mo. Baka nagtataka ka kung saan ka patungo.

Patungo ka sa paborito mong Cafe ng may nakabangga sayo ng bonggang bongga, dahilan ng pagkatumba mo, parang walang nangyari, parang di ka nabangga nung lalake, dedma lang.

"Hoy, yung bag ko!" Nagulat ka ng marinig mo yung isang lola na sumisigaw.

Magnanakaw pala yun? aba, di na naawa dun sa lola!

"Lola, tumawag ho kayo ng pulis, hahabulin ko po yung lalaking yun." tsaka ka tuluyan tumakbo.

Tumawid habang tumatakbo yung lalake, ang dami nya ng nakababangga mapa matanda o bata, wala syang pakialam. Sinundan mo parin sya, nagulat ka sa nakita mo *blag*

"Sht. Okay ka lang?"

***

Puti? Nasan ako? Ki-ki-kisame? Ah-ano itong suot suot ko, ang baduy ah?

"Oo puti, oo kisame yan ng ospital na ito. Naka damit pang ospital ka" Sabi nung...nurse?!

Whut the? Nababasa nya isip ko?

"Nababasa mo po yung isip ko?" Nagtatakang tanong mo.

"Hindi?" Matipid na sagot n'ya.

Okay?

"Eh, paano nyo po nasasagot yung tanong na nasa isip ko palang?" Nagtatakang sagot mo.

"Naku, eh di ba sa mga palabas yun ang unang pumapasok sa isip ng mga katulad mo" Sagot nito.

"Oo nga ho" Pag sang-ayon mo.

"Nandito ka nga pala, dahil nabangga ka ng isang bigatin" Sabi nito habang nag-susulat sa kung ano mang tawag sa hawak n'ya.

"Oo nga ho eh, ang gwapo nga ho nya eh!" Sabi mo ng may napakalawak na ngiti sa'iyong mga labi.

"Nakuha mo pang kiligin dyan ah" Sabi nito habang natatawa.

Tumawa ka "Eh, akala ko nga ho isa syang anghel, kasi may liwanag sa likod nya"

"Nako iha, mukhang wala ka namang amnesia, pero parang nabaliw ka naman" Sabi nito habang may ngiti sa kanyang mukha.

"Naku, hindi po" Sagot mo.

"Wala kana palang babayaran dito sa ospital. Baka tatanungin mo pa kung sino ang nagbayad" Seryosong sabi nito.

"eh si--" Pinutol n'ya ang sasabihin mo.

"Edi malamang sa alamang yung nakabangga sayo!" Sagot nito.

"Eh sino nga ho? Anong pangalan?" Nai-inis na sabi mo.

"O, iha, kumalma ka ha?" Sabi nito, habang tinatapik yung balikat mo.

Naghihintay ka ng kanyang sagot.

Seryoso sya, tumingin ito sa sahig, tinignan ka nya ulit ng magsasalita na sya "Nakalimutan ko na eh, ay mali hindi sya nagpakilala"

"Mama naman eh!"

JUST GOT IMAGINE feat. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon