"Ang ganda mo sa umaga Tzandri!" Sigaw ni Manong Pitong, na siyang tindero ng pandesal. Sinasadya ko talagang gumising ng maaga, dahil sa masarap na pandesal nito. Ito lang kasi ang nagustuhan kong tinapay, lalo na't napakasarap non para sa akin.
Ngumiti ako sa pagdayaw ng matanda sa akin, "aba'y syempre ho, wala pa po akong hilamos ganyan na kayo Manong Pitong." Tumawa naman ito sa naging rebat ko, at napailing pa animo'y hindi naniniwala e totoo naman.
"Oh siya, maghilamos kana." Natatawang paalam nito sa akin, tanging pagkaway ang ipinaalam ko rito bago ako pumasok sa bahay, sinalubong naman ako ng Mama na naroon na sa sala mukhang hinahanda ang kapr ng Papa na mayamaya lalabas para umalis na para sa trabaho.
"Kumain kana Tzandri," anito sa akin, tumango lang ako at pumuntang hapag kumain sa almusal na inihanda nito. Kakagraduate ko pa lamang nag hihintay pa ako sa exam para sa dentistry license na kinuha ko. Kaya puro pahinga ang pag aatupag ko sa bahay, sa edad kong ito hindi ko gustong maboryo sa bahay ngunit gusto ng magulang ko.
Gusto yata ako ibahay nalang, ewan ko. Sabi nila baka daw mapa'no ako lalo na't napakaganda ko daw, baliw natural naman iyon Kasi maganda pero parang exaggerated naman sila masyado. Natanong ko nga rin minsan si Kuning kaibigan ko na nag tra-trabaho na ngayon sa manila, sangayon rin ito. Para daw sa kaligtasan ko, delikado daw, sa ganda ko daw masyado ay mapapahamak ako.
Hindi ko alam kong ganda ko ba talaga ang problema o ako? Pumapayag lang ako e, mukhang reasonable naman. Pero parang ang hangin para maging dahilan?
Sino maniniwala sa akin kung sabihin kong;
Ah hindi ako pinapalabas dahil maganda daw ako e.
Like what the fuck?
Ang corny pakinggan, tch.
AGAD ko naman natapos ang kinakain at hinugasan ang sariling kinainan bago pumunta sa sariling silid, naroon ang aking mga halaman sa may bintana, nakikita ko na rin ang sikat ng araw dahilan mapangiti ako. Naligo muna ako at nag bihis lamang ng simple, kinuha ko ang laptop ko at nag paalam kay Mama na doon muna tatambay sa may burol, ang ibaba kasi ng burol ay dagat kaya paborito kong tanawin ang iksena doon.
Nang makarating doon inilapag ko na ang picnic blanket na dala ko na nasa loob kanina ng bag ko. Naroon rin ang ilang snack sa loob ng bag at laptop ko. Balak ko magsulat sa dahil boryo na boryo na ako at wala akong magawa. Plus, kaadikan ko yata ito!
BL. Straight ako pero wala e, adik ako dito. Tsaka support gender equality for love and marriage all in, with respect.
Title: All Boy's Fall In Love Too by Tyrant
My story about in all boy's school, a transferred student falls in love with a guy which making her feeling unrequited at the school. Boy's love was banded at the school, let's just say the school was homophobic as fuck. And he thought he's the only one who was fallen in love with a guy, but turns out everybody else was keeping their relationship in secret. Like that a kind of story.
I'm pretty wild at imagination too, kaya mahaba talaga ang naisulat ko sa isang taon, lalo na't huling parte na lamang ang ginagawa ko ang finale na. Everyone is waiting of my update, I didn't bother reading comments lalo may ilang hate comments doon medyo nalulungkot at madali ako madepress sa ganon so I don't bother reading.
Nang matapos ko ang buong finale ay napansin ko ang lamig ng hangin at paglubog ng araw, hindi ko man lang napansin, hindi man lang ako nakapag-lunch. Oh well, marami-rami rin naman ang nakain kong snack kaya ayos lang.
Agad naman akong umuwi samin para ipost na Ang huling parte ng AB'sFILT.
"Kumain ka muna!" Habol na sigaw ni Mama ng makita akong nag mamadali lalo na't excited ako ipost agad, napangiwi ako.
YOU ARE READING
ms. who has flowers on her pocket
Ficción GeneralTzandri Joee Saldejas as girl known for her out of world beauty and weird taste of flowers on her pocket. Her, being her small town's owned natural treasure, even tourist come to their town just to ask her hand of marriage which she refuses politely...