Present Day..
So yun nanga ang story namin ni Blue. Pero akalain mo yun? Sinimulan nya ang pagkakaroon ko ng crush kaya ayun, nagtuloy tuloy nakong nagkaroon ng maraming crush ngayong college. Dami kasing gwapo syetnes!
Nga pala, pagkauwi ko nun samin, isa isa kong binasa yung mga message nila sakin sa blouse ko. At ang pinaka napansin ko sa lahat ay yung kay blue! Alam nyo kung anong sinulat nya?
'Kahit ano lang,basta meron'
Oh diba? Ganda nga namang kausap. Sarap itapon sa bermuda triangle ng sambol! Kaya pala tatawa tawa sya nun.
"Oy sambol half day lang daw tayo ngayon, alam na ha!" Sabi ni Edgin Belleza. Classmate / Friend ko ngayong college.
"Sure" sagot ko. Madalas kase , maaga kami umuuwi ng mga kaibigan ko since madalas na maaga matapos ang klase. Ganito pala pag college. Amazing!
KayA ayun nadiskubre namin yung Quantum sa isang mall dito sa lugar namin. Alam o pamilyar naman siguro kayo dun noh?
Sa mga hindi, anu sya parang game zone. Basketball, Teken, Initial D at Dance Central ang madalas na gawin namin dun.
Nagsilbi na naming tambayan yun kase halos araw- araw ata pumupunta kami dun.
At heto, nagyayaya nanaman sila..
"Excited nako magteken, nangangati na yung kamay kong lumaban" Camille Bengco
"Namiss ko yung Quantum, grabe halos tatlong araw din tayong di nagpunta dun ha? Putakels na mga prof yan" Marc Jerome
Oonga pala, halos tatlong araw nakaming hindi nakakapag quantum. Nag midterm kasi kami, kelangan magreview kaya diretso uwi kami agad. Buti nalang at tapos na. And since friday ngayon, naka civilian lang kami. Wash day kasi kapag friday.
Pagdating na pagdating namin sa mall - -
"Omaygash!" Anung ginagawa nya dito?
Napatingin pa tuloy sina Marc, lester, edgin at camille sakin.
"Ah, wala. Hehe nakita ko lang si Crush. Tara na? Hehehe" parang tangang sagot ko. At ayun nag elevator nalang kami. Nasa third floor yung Quantum.
Pero totoo naman e, nakita ko si Crush. Nakakakilig kaya. Sya yung former crush ko ngayon. Told you marami nakong naging crush nakakalahati palang namin yung sem. So sa kasalukuyan nato, siya yung crush ko. Actually hindi ko know yung name nya. Nagsimula ko syang maging crush nung nagplay sila. Member sya ng Theather Club ng University. Ang gwapo nya talaga. And to my Surprise, sya din pala yung lalakeng paharang harang ng tatlong beses sa daan ko nun.
Sabi kupanga nun ' Anu ba tong si Kuya! Pangatlong beses kunang nakasabay sa paglalakad tapos laging paharang- harang! Ang gorgeous ko talaga!' Hahahaha syempre sa isip ko lang yun. Pero kasama ko mga kaibigan ko nun kaya alam nila yung scene nayun.Natawa nga ako nun nang mapagtanto naming sya yun. Kuyang Stalker ang tawag namin sakanya. Anu kayang pangalan nya?
"Kuryo tulala ka nanaman tara na!!" sabi sakin ni Lester at lumabas na kami ng Elevator. Kuryo ang tawag nya sakin dahil nagkoChoreo ako ng sayaw. Dun naman kami nagkakasundo ni Edgin. Sa pagsayaw!
Actually kambal ang tawag nila samin ni edgin. Marami kase kaming pagkakapareho. Like pareho kaming mahilig sa strawberries and chocolates, tapos writer din pala sya sa wattpad, tapos pareho kaming kalog, mahilig sumayaw, nbsb, friendly , pero ang pinagkaiba naman, madali akong magkacrush, pero sya hindi. Pero ngayon may crush sya. Si C! Wag na nating ibuo ang pangalan. Baka masabunot ako pag nabasa to ng wala sa oras. Tas magaling din akong kumanta, sya, ahm, sabihin na nating frustrated singer? Haha ssshhh lang kayo.
Anyway, andito na ulit kami sa Quantum, namiss kuna maglaro kaya nagdire diretso nako sa loob, well kasunod kunaman sila. Andaming tao. Anmeron?
Pumasok kami sa pinaka loob, ng may nakita akong pamilyar na tao. Pero di ako sure kase nakatalikod na ito ngayon.
Di ko nalang pinansin at nagdire-diretso na sa - - sana sa Initial D. pero dinako tumuloy.
Bigla akong kinabahan. So di pala ako nagkakamali. Sya nga yun,. Si Blue.
Nung maramdaman kong titingin sya sa direksyon ko eh umiwas agad ako ng tingin at nagpatay malisya. Kunwari busy akong nanunuod sa ibang naglalaro at di ko sya nakita.
Syet! Anung ginagawa nya dito? Of all people dito sa Quantum bakit sya pa?
After graduation ngayon ko nalang ulit sya nakita. Kaya siguro kinabahan ako.
From my peripheral view, alam kong nakita nya ko pero nagpatay malisya lang din sya. Galing namin noh?
Hinanap ko agad ang mga kaibigan ko at nakita ko silang nakaupo dun sa may videoke-han habang nanunuod sa mga naglalaro ng teken. Andami kasing tao kaya hindi sila makasingit kaya siguro umupo muna sila.
Dali-dali ko silang nilapitan. "Guys!" Sigaw ko since maingay ang mga tao at may kumakanta pa.
Tanging si Camille lang ang nakarinig sakin,
"Napano ka?" tanung nya
"Ah eh, tara alis na tayo dito" mukhang nagtaka naman siya
"K-kase ano, may nakita akong ano. Ahm, ano"
"Anong ano? Anong nakita mo?" Tanung nya
"abasta long story, basta may nakita akong tao na ka awkward ko dati so please tara na. Lipat nalang tayo sa Toms World. Alam ko namang gusto nyo dun e" thank god at dina nagtanong si Cams at pumayag na. Kaya niyaya kuna din yung iba at umalis nakami.
Habang palabas, kinakabahan ako kasi madadaanan namin sya. Pano kung tumingin sya? Anung sasabihin ko? Hi? Hello? Kamusta?
Wag nalang kaya? Tama! Tingin sa ibang direksyon nalang ako. Eh? Halata naman atang umiiwas ako nun? Makipag usap kaya ako? Oo yun nalang. Makipag usap kahit kanino sa mga kasama ko tas kunwari diko sya napansin kasi may kausap ako!
Gagawin kona sana yung naisip ko, pero sa kakaisip ko pala, hindi ko namalayan na nandun na pala kami at wala na sya dun. San napunta yun?
The next thing I knew naka akbay na sakin si Marc at papasok na kami sa elevator para bumaba. Haaaaayyyy..
"Hoy! Ambigat ng kamay mo ! Tsansing kananaman!" biro ko kay Marc. Ahaha mahilig lang talaga mang akbay tong lalaking to. Sanay nakami sakanya.
"Asa ka uy!" sagot nya sabay batok pa sakin. Hahahaha pikon talaga.
"Tatanggalin mo yan o ipapatikim ko sayo to?" Rinig kong sabi ni Camille. Hahahahaha langyang Marc Jerome to. Nakalipat agad. Umakbay ba naman kay Camille pagkatapos kong pagalitan. Ayun tinanggal din naman nya kasi baka masuntok sya ni Cams.
"Ang ha hot nyo naman! Parang akbay lang e! Kay edgin nanga lan - - sabi ko nga kay lester nalang!" Hahahahaha kawawang Marc. Talo talaga saming Girls.
Napaisip ako, ex crush kunanga pala si Blue. So dapat pala dina ko matakot na ma awkward sakanya.
Masaya na sya sa lovelife nya. Balita ko sila na nung nililigawan nya nun e.
Kaya masaya narin ako. Masaya naman talaga ako e. Iba- iba ng crush lagi. Hahahaha
May mga baliw pang kaibigan.
Haaaayyy blue. Salamat dahil sayo nag umpisa akong magkacrush. Akala ko talaga lesbian ako kasi hindi ako nagkakacrush. Haha lols.
Nga pala, di ako selos ha. Happy talaga ako maniwala kayo. Anjan naman si Kuyang Stalker eh. Hahaha
Aalamin ko talaga pangalan nya at iistalk ko sya! Whahahaha
"Hoy miss tulala halika na nga dito. Samahan mokong mag shoot! Dali" sigaw ni Edgin
"Game ako jan!" Sigaw ko at naglaro na nga kami.
*E N D.
~Classroom Couple ♥

BINABASA MO ANG
Classroom Couples (ONE SHOT)
Historia CortaThis is a one shot story about the crush of Reziah Ayumi Caceres. Date completed / published : APRIL 27, 2015