Flashback (First Part)

111 9 0
                                    

Nagsimula ang lahat nung Third Year highschool ako . Tahi-tahimik lang kasi ako noon.

Nagkataon na may kaklase din kami na tahi-tahimik din. Lagi lang sya nakayuko at parang walang pakialam sa paligid nya.

Sa classroom namin, maraming lovers. Maloko din ang mga ito. Mahilig silang mantrip o mang-asar.

Hanggang isang araw kami ng kaklase kung yun ang napagtripan..

"Wuyyiiieee ikaw ha lumalablyp kanang babae ka!" Sabi ng kaibigan ko sa highschool na itago natin sa pangalang Faye.

"Huh? Anu bang pinagsasasabi mo jan?" Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pabalik sa classroom. Galing kasi kami sa Canteen dahil Breaktime namin kanina.

"Magdedeny pa e! It hurts you know? Di ka man lang nagsasabi sakin" at nagpout pa ang loka. Suntukin ko kaya to?

"Anung sasabihin ko sayo kung wala naman akong dapat sabihin? Baliw kana talaga!"

"Eeehhh! Kalat na kaya sa buong room Duh! Sige deny pa sis" napa roll eyes nalang ako sakanya.

Nakarating narin kami sa room at pagkapasok na pagkapasok ko palang..

"Whoooooo ~" sigawan nila pagkapasok ko? Eh? May mga sayad ata talaga ang mga tao ngayon dito!

"Congrats Ayu" yan ang paulit ulit na bati nila sakin habang papunta ako sa pwesto ko. Anu bang meron?

"See? I told ya" bulong ni Faye sakin bago umupo sa pwesto nya. Psh! Mukhang ako ang trip ngayon ng mga kaklase ko ah? Naku! Hindi maganda to.

Maya-maya tumahimik sa room. Okey? Wala pa naman yung prof namin? Hindi talaga maganda ang kutob ku ngayon. Aish!

Tapos nagpunta sa gitna yung isang kaklase ko at nagmala emcee sya dun gamit yung walis.

Kesho may game daw kaming gagawin since wala kaming next subject.

Dumada lang sya dun at syempre wala akong pakialam. Matutulog lang ako dito. Never pakong sumali sa game ng mga kaklase ko e. Kung anu ano nangang bansag nila sakin e.

Payuko na sana ako para matulog ng bigla kong narinig na binanggit nila yung gorgeous name ko.

Nagulat ako kasi nandun din sa harap yung kaklase kong este naming tahimik din. Actually mas tahimik panaman to kesa sakin -.-

"I repeat, Ms. Reziah Ayumi Caceres, will you please come here in front with us?" bigla naman akong pinagtutulak netong si Faye kaya napatayu ako. Nagpalakpakan naman yung mga hangal kong kaklase.

Bago ako pumunta sa harap, binigyan ko muna ng isang deadly look si Faye.

"Anu bang klaseng game to? Pass ako!" Sabi ko kay James. Yung emcee kuno namin.

Nagwink lang ito sakin. Okey nice talking! *roll eyes*

"LADIES AND GENTLEMEN! OUR NEW CLASS COUPLE, THE SILENT COUPLE - BLUEYU COUPLE!" Sigaw nya

"Whooooooo ~"

"Kyyaaaahhhhh!!"

"OmyG!"

"Bagay!"

Sigawan lang naman nila. Napatingin tuloy ako kay blue. Halata sa mukha nya na naiirita sya at ayaw nya sa nangyayari.

Napatingin sya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin. Aba! Baka isipin nya gusto ko ang nangyayare. Baka isipin nya may crush ako sakanya. Well no way!

"KIIIIIIISSSSSS"

O___O!

Anudaw? Sipain ko kaya isa-isa tong mga to? Sobra na tong trip nila ha! Dina nakakatuwa!

"Tsk!" Tanging sabi ni Blue. Napansin kong kaming dalawa nalang pala dito sa harap. Buti naman at wala na si James dahil kung hindi nasapak kuna yun malamang.

"Class anong ingay to? At kayo anong ginagawa nyo jan sa harap?" Si mam guevarra. Buti naman at nandito na sya. Mataray paman din to.

"None mam" sabi ko at bumalik na sa pwesto ko ganun din naman si Blue. Pagkaupo ko kinurot ko agad si Faye. Kala nya makakalimutan ko sya ha.

Lumipas ang isang bwan, hindi parin nila kami tinitigilan sa pang-aasar. Kaya ang resulta, awkward kami ni Blue. Psh! First time kong may ka awkward na kaklase and I hate that feeling. Sanay akong kaclose ko lahat at walang ilangan.

Lumipas pa ang ilang bwan, unti-unting namatay ang isyu - ang pang aasar nila samin. Dahil narin siguro sa napansin nila na parang stranger na yung turing namin sa isat-isa.

Kase naman noh. Para di ako maapektuhan iniisip ko na ayaw nya sakin kaya ayaw ko din sakanya.

Hanggang matapos kami sa pagiging third year ganun padin kame.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko sa nararamdaman ko ngayon. Nakakainis! Iniisip ko tuloy kung ako lang ba yung ganto? Feeling ko affected nako. Eh medyo sanay nadin naman ako na kung kani-kanino minamatch. Actually pangatlo na sya pero ah ewan!

Siguro dahil sa salahat ng nililink sakin sakanya lang naging awkward ng ganto katagal?

- - - - - - - - -

Fourth year highschool nakame. Senior life. Kailangan ine enjoy every moment.

Kung tatanungin nyo kung kamusta kame ni Blue?

Hahahappy naman. Diba dapat nga ineenjoy lang yung life?

So ayun. Naging madaldal nadin sya, syempre ako rin. Bunganga naman yung bansag nila sakin ngayon. Kundi Bunganga Microphone Girl daw. Haynaku ~

Madalas narin nya akong pagtripan, actually lahat kami nagsisipagtripan na. Enjoy kung enjoy wala ni isang KJ.

"Ayu!" tawag sakin ni Blue kapasok na pasok ko ng room.

"Ang aga mo naman mantrip Blue! Kakadating ko lang e"

"Ganyan talaga! Nga pala may sasabihin ako"

"Oh ano nanaman yun?"

"Ang Ganda mo ngayon Reziah Ayumi Caceres "

O__o

Loko to ah. First time nyang tawagin ako in my whole name. Relax Ayu pinagtitripan ka lang ulit nyan.

"Ikaw din Blue Nakihiro Fuentes. Ang gwapo mo ngayon" ganting banat ko sakanya. Well, totoo naman talaga yun. Gwapo sya ngayon. Ngayon lang -___-

"Ayyyyyyiiiiiieeee" aish! Ayan nanaman yung mga kaklase kong masinta. Wait! Tama ba yung nakita ko o naduling lang ako o nag iimagine lang? Did he just blush?

Classroom Couples (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon