30

438 6 0
                                    

07/25
5:53 pm
Messenger

Alexis Meneses

Alexis :

Gagang to! Anyare? Ba't ka nadapa? Bobo mo naman Hahaha

Azalea :

Nakita mo?! Asan ka naba?

Alexis :

Sa bookstore may bibilhin pa ako

Saktong pagliko ko, nakita ko pagkadapa mo roon malapit sa railings!

Nagchat talaga ako para ibahagi sayo tawa ko hahaha7

Azalea :

Ano ba! Nakakahiya na ngq!

Isa pa tong si Jairus! Tinungulan nga ako, tumawa rin! Hindi matapos tapos tawa niya

Hanggang ngayon bwisit

Alexis :

at least napasaya mo siya diba?! Hahaha

Azalea :

Hindi nakakakilig yung sayang yun manahimik ka

Alexis :

Ang tanga kasi, ba't ka nadapa ha?! HHAHA

Azalea :

Natapilok lang, hindi ko alam na diretso akong madadapa

Nakakahiya pisti!

Alexis :

Okay lang yan, wala ka namang hiya

Hintayin niyoko jan, may bibilhin lang ako rito

Azalea :

Oo bilisan mo, hiyang hiya na ako rito

6:01 pm

Alexis :

Bej nasan na kayo? Wala na kayo rito sa may railings!

Kqnina ko pa kayo hinahanap

Azalea :

Andito na kami sa labas. Ewan ko anyare rito kay Jairus 😭😭

May nabanggang babae kanina, tapos nilapitan siya nun

Hindi ko narinig yung sinabi kasi nandun ako sa may bench, hinahanap ko kasi yung tubig dun sa bag

Tapos ewan parang nabadtrip yata, inaya ako palabas

Ayaw ko pa sana kasi hintayin ka namin, hinila niya na lang ako nung tinawag ulit siya nung babae tapos lalapit na sana

Yun hanggang ngayon, mukhang badtrip pa siya

Nakaupo siya sa hagdan tas hindi nagsasalita, katakot kausapin. Feeling ko lalabas to ng lava

Alexis :

Gaga kausapin mo! Baka kaaway yun or something

Tulungan mo namang baguhin yung mood

Azalea :

Hindi ko nga alam! Ang ganda nung babae!

Mukhang half, hindi ko alam if familiar na ba yun

Alexis :

Kausapin mo na muna, baba na ako jan

Bili na rin ako ng snacks

Hintayin niyo na lang ako

Azalea :

Milktea! Ako na magbababayad

Chocolate sakin, sakanjya rocky road favorite niya yun

Alexis :

Alam na alam ha?

Azalea :

Syempre naman shuta ako pa ba?!

Alexis :

Gaga oo na

Sudden Little Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon