Happiness

351 8 0
                                    

Happiness

“Are we gonna buy dress already?” tanong ni Jairus sa akin. 

Nasa loob kami ng sasakyan niya habang nag-da-drive siya patungong mall. We planned go out this day, since this is our only free day. 

Ngumuso ako. 

“Hindi pa nga natin alam kung maka-ga-graduate ako ng Grade 12. Mag-e-exam pa lang… tapos bibili na agad ng dress para sa graduation?” halos suminghap ako. 

He glance at me. Lumamlam ang kaniyang matang tinitingnan ako. A soft smile plastered in his lips, like I was that adorable in his eyes not that so frustrated about how will my final exam results.

“S'yempre papasa ka kaya nga tayo bibili,” he said softly, like exam was that easy! 

I gasped, felt in disbelief. Ilang araw na akong kinakabahan para sa exam pero siya ay ganito lagi ang sinasabi.

“It's not sure, Jairus… Mahirap ang exam, kahit ang laki ng tiwala ko sa sarili ko, what if… what if, hindi pala ako pumasa! Hindi ako maka-graduate? Paano ako niyan?” I exclaimed, frustratedly. 

Pumikit ako nang mariin. Mas lalo yatang dumagdag iyon sa isipin ko. 

Bumaling siya sa akin, kunot noo. 

“Sinong ang nagsabing hindi ka papasa? Don't overthink a lot about that… Papasa ka, hmm…” ani niya. 

“Pero hindi pa nga sigurado. Mahirap kaya mag-STEM, Jairus… Kung alam ko lang na ganito, ibang strand na lang kinuha ko!”

He sighed, looked so done with my reasons. Hindi ko alam kung bakit mukhang mas problemado pa siyang ipaintindi sa akin na papasa ako, malayo sa problema kong paano ako papasa! Masyadong malaki ang tiwala niya sa akin. Samantalang ako'y tila nawawala na ang kumpyansa sa sarili. 

“Papasa ka, Zaly. I believe that you can. Don't be so bother of that, hmm… Tutulungan kita mag-review bukas…” He reach for my hand and he kissed it. 

His assurance, somehow… help me to calm down. Masyado akong kinakabahan pero siniguro niyang makapapasa ako at tutulungan ako mag-review. He keep reviewing and helping me study everytime I was like this. 

Hindi naman ako ganito pero dahil huling taon ko na sa Senior High ay masyado akong kinakabahan. My expectations for myself was too hard to maintain. Ganoon din ang expectations nina Mama kahit hindi naman nila ako hinihigpitan. 

“Don't worry about it, hmm… If you're also worrying about your Dad going home, s'yempre uuwi si Tito kasi malapit na ang graduation mo…” pagpapalakas niya pa ng loob ko. 

“Paano kasi kung hindi ako pasado, 'di ba? Tinapos pa naman ni Papa ang contract niya sa ibang bansa kasi tutulungan niya na lang si Mama sa restaurant… Mag-ko-kolehiyo rin naman daw ako at si Kuya ang magpapaaral... Paano kung hindi mangyari 'yung plano kasi hindi ako pumasa?” I said, frustrated.

He lick his lips. Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng Mall. Marahang bumaling siya sa akin. His eyes screams, trust… trust on the way how I am and what I can. 

“Listen, Zaly… You'll pass, okay… Ako nga, pumasa…” saad niya. 

“S'yempre matalino ka!”

“At ikaw hindi?”

“Average lang ako!”

He gasped in disbelief. 

“Where do you learn that? You're more than good, hmm…”

Huminga ako nang malalim. Lagi gano'n ang sinasabi niya sa akin pagganito ang mangyayari. Hindi ko kasi maintindihann kung bakit habang tumatagal, nagiging grade-conscious ako. Hindi ko alam kung sinasabi lamang niya iyon para pakalmahin ako o dahil ang laki nang tiwala niya sa akin. 

Sudden Little Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon