07/29
5:46 pm
MessageKuya Shad
Azalea :
Kuya
Kuya Shad :
O bakit? Kumusta?
Okay lang ba kayo jan ni Mama?
Azalea :
Umuwi na sina Tita Shira
Kasama si Kye tsaka si Sasha, pati rin si Tito
Kuya Shad :
What?
Azalea :
Inaaway nila si Mama.
Sabi yung lupa raw na natayuan ng bahay natin sa kanila yun
Sa kanila raw yun binigay ni Lola, at ang lupa natin ay yung pinabili natin matagal na
Wala raw talaga tayong pagmamay-ari, kaya ipagiba raw natin tong bahay kasi patatayuan nila ng tindahan
Ano gagawin natin? Tawagan ko na ba si Papa?
Umiiyak na si Mama.
Kuya Shad :
Tangina, wala bang magawa ang mga taong yan kun'di sirain yung buhay natin?!
Dahil pa rin ba sa trabaho na napunta ki Papa noon imbis kay Tito Noah ang ikinagagalit nila?!
Kasi mang-aagaw tayo ng magandang opurtinidad para sa kanila?! E, gumawa pa rin naman sila ng paraan para tanggalin si Papa?!
Asan tayo ngayon?! Nanahimik tayo, nanggagambala na naman sila!
Yaan mo, uuwi ako jan
Azalea :
Kuya kapapasok mo lang
Kuya Shad :
Hindi ko kayo pwedeng hayaan
Hindi pwede maulit pang-alila nila satin. Lalo na sayo.
Azalea :
Okay na ako
Kuya Shad :
Muntik kang malunod nung tinulak ka ni Sasha sa pool noon! Tapos ikaw pa nasisisi!
Hindi pwede yun!
Uuwi ako jan, wag lang kayong aalis jan sa bahay
Atin yung lupa, anak din naman si Mama
Azalea :
Hihintayin kita, Kuya
Natatakot na ako sa kanila
Kuya Shad :
Wag ka matakot, andito kami
Tatawagan ko si Papa
BINABASA MO ANG
Sudden Little Happiness
Teen FictionAn Epistolary After being playfully paired by a friend with a girl he somehow knew, Jairus Arellano begins to slowly forget his past as he develops feelings for Azalea Naval. However, unforeseen events arise, threatening to tear them apart. Started...