"ANO pang ginagawa mo dito?" Bungad ni Kris kay Robin ng maabutan niya itong nasa sala nakatayo sa istanteng puno ng picture frames nilang pamilya.
"Bakit nandito pa ito?"
"'Wag ka magalala, tatanggalin ko din 'yan. Nawalan lang ako ng oras na asikasuhin ang bahay dahil sa daming trabaho"
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Hindi ka ba pa aalis? Nakakaistorbo ka na"
"Bakit ako aalis? Nandito na ako sa bahay ko, bahay natin"
"Simula nang umalis ka sa bahay na'to, nawala ka sa amin. Dahil mas pinili mong sumama sa kabit mo kaysa sa amin na pamilya mo"
"Hindi ba't ipinagtulakan mo ako nuon na umalis? Anong magagawa ko, buntis ka 'non—"
"'Yun na nga! Buntis ako kaya dapat mas mahaba ang pasensya mo! Dapat inintindi mo 'ko!"
Lalong nainis si Kris ng makita niyang natatawa si Robin dahil sa mga inaakto niya.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" Naiiritang singhal ni Kris kay Robin
Ngumisi si Robin at hinila si Kris Kris para yakapin ito Pero minabuti niyang hindi maiipit ang medyo maumbok na tiyan na nito. Nagulat siya ng yumakap din ito sa kanya at sumiksik sa leeg niya at doon umiyak.
"Tahan na, misis ko. Alam kong kulang ang salitang 'sorry' para mabawasan lahat ng sakit na dinala ko sa buhay mo. Pero pinagsisisihan ko na 'yon, nuon pa lang. Nung nalaman ko na may anak kami, hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako kase anak ko 'yon o malulungkot at magagalit dahil hindi ikaw ang ina ni Annicka. Pero maniwala, nagsisisi na ako."
Hindi na lang nagsalita si Kris at hinayaan na niya si Robin dahil hindi na niya kayang makipag talo pa. Bukod sa pagod na ang utak at katawan niya sa kakapigil ng nararamdaman niya, pagod na rin ang puso niya kakalaban pa.
NAGISING si Kris na nasa kama na siya at katabi niya si Robin na nakayakap sa bewang niyaat ang palad nito ay nakapatong sa tiyan niya. (😜) Nakatulog pala siya. Dahan dahan niyang inalis ang pagkakalingkis ng kamay ng asawa sa kanya ngunit lalo itong humigpit at hinila pa siya nito papalapit sa kanya at sumiksik sa leeg niya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa baba, magluluto ako"
"Pagluluto mo 'ko?"
"Hindi. 'Wag kang umasa"
"Okay"
Hindi na talaga siya nito binitawan. At sa palagay niya, kung papayag siyang iluto ang paborito nitong ulam, ay papakawalan na siya nito.
"Oo na, sige na. Iluluto na kita ng paborito mo."
Ngunit sa halip na sumagot ito at nagkunwaring naghihilik pa si Robin
"Kapag ikaw hindi mo 'ko tinigilan sa kakulitan mo, ako nagsasabi sa'yo, Padilla. Hindi ka na makakatuntong sa bahay ko!"
Bago pakawalan ni Robin si Kris ay hinalikan niya muna ito sa sensitibong parte ng leeg kaya impit itong napaungol. Lihim namang napangiti si Robin at ipinagpatuloy lang ang kanyang ginagawa.
Nakapatong na si Robin ng kay Kris ng may marinig silang katok.
"Ma? Kakain na daw po sabi ni Ate Melissa"
Agad namang natulak ni Kris si Robin at dali-daling tumayo para makawala sa bisig ng asawa.
Nahawakan ni Robin ang bewang ng Kris ng ma-out of balance ito dahil sa biglaang pagtayo
"Dammit! Muntikan ka na"
"A-ahh, lalabas na ako"
Hinalikan muna ni Robin sa noo si Kris bago tinungo ng dalawa ang pintuan kung saan nagaabang ang panganay nilang si Sophia.
"Ma, wha to— Papa!"
Tumalon naman si Sophia kay Robin at mabuti na lang ay nasalo niya ito. Marahan niya itong hinalikan sa noo bago hinapit si Kris sa bewang at bumaba na para makakain na sila.
__________________________________________________________________
Please follow @officialkrisbin (Robin Padilla and his team noticed them) for more updates about our loves. INSTAGRAM AND TWITTER.
Hi guys, sorry 5 months akong 'di nakapag-update. Nagloko laptop ko, nawalan ng wifi at ayaw mag-connect kahit naka-connect naman sa laptop ang wifi. Hehehe. Pasensya na ulit. P.S. 'Wag pansinin ang typos at grammars, sa ending ko pa po kasi aayusin 'yan. Maraming salamat! =)
4-23-15 | @_GalaxyQueen
- PeynguinnKaela =)