Hindi siya ganun kagwapohan, katangkadan, at katalino pero gusto ko siya. Si Renz Chavez. Ang pare ko! At oo inlove ako sa pare ko.
Ako nga pala si Jeanie Cortez. Pumasok ako sa **** school. Andito ako ngayon sa biochem ng school namin. Bakit? kasi may jamming si Renz dito kasama ng mga kabarkada niya.. tutugtog kasi sila sa Prom namin
Nakikinig kami ng mga kaibigan ko dito. Sumasabay pa nga ako. Hehe.. titig lang ako kay pare! Hindi siya gwapo pero nagagawa niyang pakabahin ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan yung feeling pero parang tatalon yung puso ko sa dibdib ko.
At alam niyo ba. Hindi ko talaga crush si Renz. Sa totoo niyan ayoko talaga sa kanya simula pa lang. Pero ewan ko ba. Masyadong mahaba ang kwento, pero nagmula ang lahat sa isang wrong TYPE! Tama, nagkamali ako ng type. Napasend ako sa kanya ng i love you, hindi ko nga alam!! kakahiya nga yun. Pero simula nun parang nagkaspark ako kay Renz!
Haixst, two days na lang Prom na namin, syempre sina Renz, todo praktice na.. Siya kasi ang bass guitar. Hehe! Ang gwapo niya nga pag naggigitara kaya lagi lang ako nakatulala pero alam ko naman na di niya ako mahuhuli kasi di naman niya ako tiningnan. Pare nga lang kasi kami walang talo talo!
Kaya busog na busog ang mata ko haha!
1 day na lang Prom na! Lalo na sila naghapit sa pagprapraktice!
Papunta na kaming canteen ngayon. Kanina ko pa di nakikita si Renz. Hayy.. Pagpasok ko sa canteen! Sh*t si Renz, at alam niyo kung ano kanta? Pare ko ng Spongecola. Tsk. Ang puso nangangarera na naman.
Tulala lang ako sa pare ko.
Nagulat na lang ako ng biglang tumingin siya sa akin at ngumiti! Sh*it! Walang iibo! Nalaglag ang puso ko!
Ngayon Prom na namin! Andito ako sa salon. Parang kinakayod ang dibdib ko, sa sobra kaba!! Ng matapos na ako magpa ayos nagbihis na ako. Ang damit ko ay hanggang sa gitna ng hita ko, tapos may lace na itim sa ibabaw yung pang itaas tapos blue yung loob, tapos may palda sa ibabaw tapos pafit yung loob, kung di niyo maimagine yaan niyo na NVM?
Pagkabihis ko lumabas na ko, wala akong makitang kabarkada ko. Pumunta akong school, pumunta akong biochem ngunit sina Renz ang andun, hindi ko ata kaya pumasok dun mag isa!
Hinanap ko muna yung iba at sa awa ng Diyos nakita ko si Elaine!
Sumunod ako sa kanya
At sa Biochem siya pumunta, pumasok si Elaine samantalang ako napatanga sa pinto, nakatingin silang lahat sa akin at dahil di gumana ang utak ko ay nagtakip ako ng mukha at lumabas uli sa di kalayuan sa Biochem
Nakatalikod ako sa Biochem, nagulat na alng ako ng may tumawag sa akin,
"Pare?"
Nagulat ako, si Renz asa harap ko tapos ganito pa ang itsura ko kahiya!
"Bakit ka ga nasa labas? Pasok ka sa loob!"
"Hindi na nakakahiya"
"Tara!"
Tapos hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinulak ako sa Biochem!
Ambulansya naman oh, nalaglag na naman kasi ang puso ko, at this time sumabog pa ito!
Nakaupo lang ako sa upuan dito sa Biochem. At heto na naman ako pinagnanasahan ang pare ko! Wew! Manyak na kung manyak!
Naggigitara na naman siya!
Dumaan ang oras nagsipuntahan na kami sa gym. Syempre katable namin sina Pare!
Nagsimula na ang Last Will and Testament at Class Prophecy tapos kainan tapos sayawan na!