9♥★★★
[Jazz POV]
Andito kami ngayon sa Room ni Trix. Ako , si Mizzy , si Jessica , si Adrian tsaka si... Mike. Si Jay binabantayan si Jhad
Walang nagbabantay Kay Harold. Iniwan ng mga loko. Okay na naman daw siya eh
Stable na din si Trix ngayon. Hindi lang namin alam kung kailan siya magigising
Gising na si Jhad at si Harold
Si Trix lang talaga ang may pinaka malala na tama
3 weeks na rin kaming nandito sa hospital. Excuse kaming lahat sa mga klase namin.
Wala ring problema sa grades namin dahil kahit gangsters kami. Matatalino kami.
At si Trix ang may ari ng School kaya walang Problema
Tsaka kailangan naming bantayan ng mabuti ang leader namin dahil ito ang panahon na sinasamantala ng mga kaaway namin na gantihan kami dahil mahina ang leader namin
Pero nagkakamali sila. Ewan Ko ba kung bakit Hindi nauubusan ng lakas yang leader namin
Kahit ganyan ang itsura ng leader namin ngayon. Kaya nyang makipaglaban at pumatay. Kaso lang Hindi kasing lakas ng normal na pakikipaglaban niya
Imagine? 36 na bala na ang nasa katawan niya pero Nagawa niya pa ring mapatay lahat ng tauhan ng Tracy na yon
Yep. Patay lahat ng tauhan ni Tracy. Kaya lang totoong ang masamang damo matagal mamatay , Nakatakas si Tracy. Kapag sinuswerte nga naman
Nagugutom nako
"Guys bili muna kayo Pagkain. Nakakagutom oh. Lunch na kaya. May Cafeteria ata sa 2nd Floor"
Sabi Ko dahil Tomguts na talaga Ko huhu"Ikaw na lang. Ikaw nakaisip eh. Di pako gutom *peace sign" -Mizzy
Tss. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Tumingin ako Kay Jessica
"Nakakatamad" -Jessica
Eh kasi naman kumain sila kanina at iniwan ako dahil pinagbantay ako Kay Trix. Jusmiyo katatamad ng mga kasama Ko
Aha! Kay Bhabe na lang
Tumingin ako Kay Adrian.
"Bhabe?"
Nagtulog tulugan ang gago. Di kita papansinin. Bahala ka sa buhay mo
Umupo ako sa tabi ni Trix Ay Sumimangot. Gutom na talaga Ko
*kruuuuu *kruuuu
"Hahaha Ako na nga bibili. Ano ba gusto mo?" -Mike
Nagliwanag ang mga Mata Ko at nakakita ng pag asa na makakain
Wahahahaha
"Steak and Pasta na lang"
Ambait talaga Neto ni Mikael. Kaya Botong Boto Ko dito dati eh
[Trix POV]
Puti
Puro puti ang nakikita ko. Nasaan ba ako?
Naglakad lakad ako para kung sakaling malaman ko kung nasaan ako
Pero Hindi ko alam tong lugar na to
Parang nasa kawalan ako na puro puti ang nakikita
"Trix"
Lumingon ako Sa taong tumawag Sa akin