Chapter 10

33 2 0
                                    

10♥

★★★

[Someone's POV]

*Lorraine Calling.......
Accept. Decline

Napangiti ako ng makita Ko kung sino ang tumatawag

Kaagad kong sinagot ang tawag niya

"Hello...Napatawag ka"

Isang matamis na ngiti ang umukit sa mga labi Ko

[Ayaw mo?]

Haha. I really like this girl

"Gusto"

[Ipapaalala Ko lang sayo yung inuutos Ko. Pa ibigin mo si Trixie Eunice Romero. Gawin mo ang lahat para mahalin ka niya. At kapag Mahal na Mahal ka na niya , Saktan mo. Iparamdam mo sa kanya ang impyerno. Naiintindihan mo ba?]
Mm
Agad na napaltan ng lungkot ang Sayang Nararamdaman Ko

"Bakit mo ba pinapagawa to?"

Bakas sa tono ng boses Ko ang pagkadismaya. Nakakaasar. Bakit niya ba ginagawa to? Bakit Hindi niya Ko kayang mahalin? Di Ko naman siya sasaktan ah

[Pag nagawa mo yan. Magagawa na kitang mahalin]

"Okay. Gagawin Ko"

Binaba Ko na yung tawag

Ang laki ng galit niya dun sa Trixie ah. Alam Kong Mali. Pero gagawin Ko ang lahat ng paraan makuha Ko lang ang babaeng Mahal Ko

Sorry na lang kung madadamay ka Trixie. Hahanapin kita at gagawin Ko ang lahat para mapa ibig ka.

[Adrian POV]

Andito ako sa labas ng kwarto ni Jhad. Nasa loob si Jhay

Gising na si Trix. Si Harold at si Jhad OK na

Nasapo Ko na lang ng dalawa Kong palad ang mukha Ko ng naalala Ko nanaman ang nangyari

Kagaya ng dati. Wala na naman kaming nagawa. Bw*set at nakatakas pa yung Tracy na yun

Wala ding mangyayari kung magsusumbong kami sa Police dahil malakas ang kapit ng lecheng Tracy na yun

Arrrrrggghhhh! Bwiset!

Sa susunod na mangyari ulit ito. Sisiguraduhin Kong mamamatay ka na Tracy

Napatingin ako Kay Jazz ng pumasok siya sa kwarto ni Jhad

Hindi ako pinansin? Nagtatampo pa rin siguro kasi Hindi ko siya binili ng pag kain

Nakakatamad kasi. Andito kami sa 27th Floor tapos sa 2nd floor pa yung Cafeteria

Anlayo e *pout Antakaw niya kasi. Pero mahal na mahal ko yan

Pumasok ako sa loob para suyuin siya. Ayoko din naman siya magalit sakin no

Nakita Kong natutulog sila Jhad at Jay pagpasok ko magkahawak pa sila ng kamay. Srsly? May something talaga tong dalawang ito eh

Nakita Kong naka upo si Jazz sa sofa sa gilid. Malaki kasi yung mga private rooms sa hospital na ito eh

Umupo ako sa Tabi niya

"Uyy...Sorry na Bhabe"

Tiningnan niya lang ako at binalik na yung tingin sa phone niya

"Sorry na kaseeeeeeeeeee. Anlayo kasi eh"

Humikab siya at kunwari inaantok
Haha ang cute niya

Ang hirap naman suyuin nito

Niyugyog yugyog ko siya

"Bhabe naman....Sorry naaa"

Love TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon