13♥
★★★
[Trix POV]
"Trixie hija , gumising ka na at tanghali na. May pasok ka pa"
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Nanay Lusing
"Hmmm.."
Kinuha ko yung unan at niyapos ko
Hayyyyyy. Ansarap ng ganitong buhay. Ako lang mag isa dito. Sana wag ng bumalik yung demonyo Kong Tita para masaya
"Anak gumising ka na"
Tinapik tapik niya ako
Sino ba tong lecheng to? At ginagaya niya pa ang boses ni nanay lucing
Minulat ko ang mata ko para sana paulanan ng mura ang punyetang gumigising sa akin
Pero imbis na mura nagulat ako kung sino ang nakatayo sa harapan ko kayat niyakap ko siya ng mahigpit
"Nanay Lusing!!!!!! Bumalik ka na! Grabe namiss kita!"
Bumalik na siya. Tatlong taon din siyang nawala. Akala ko nga kinalimutan na niya ako eh
"Hahaha. Ikaw talagang bata ka. Saglit lang naman ako nawala eh. Namiss din kita Syempre. Oh kamusta ka na? Sinunod mo na ba ako? Itinigil mo na ba ang pakikipag away mo?"
"Nanay Lusing naman! Kailangan yun syempre. Para maipagtanggol ko kayo"
"Sinabi ko na nga ba eh. O sya sya mag ayos ka na at papasok ka pa sa school mo. Bababa lang ako at kukunin ko ang mga pasalubong ko sayo"
Nginitian ko siya at naligo na ako
Ang saya ko ngayon. Pero Hindi pwede eh. Alam Kong may kapalit na kalungkutan tong kasiyahan na ito. Baka mimiya magpakita na si Tracy tsk tsk
Bumalik na talaga si nanay Lusing. Hindi pa rin ako makapaniwala. Siya ang nag alaga sa akin Simula nung iniwan ako ng mga magulang ko. Siya ang kakampi ko dito sa bahay na ito. Siya ang nagtatanggol sa akin sa Tita ko.
Umalis siya dahil aalagaan niya ang anak niyang may sakit. Ang tagal niyang nawala ngayon at bumalik na siya
‡‡‡‡‡‡
Bwiset! Ngayon pa natraffic! Kaninang kanina ko pa gustong bumaba dito sa kotse ko at bugbugin ang taong may kagagawan ng traffic na ito
Ngayon na ang Simula ng laro at naeexcite na ako kapag naiisip ko ang mga gagawin ko
Lumiko na ako ng may makita akong likuan
Hindi ko na kayang makipag sabayan sa mga hinayupak na yon
Yown! Buti pa dito walang traffic
*beep *beep
Napatingin ako sa kotse sa gilid ko
*beep*
Sige. Matagal na din akong di nakakalaban eh. Mapagpraktisan nga muna ito
*beep ....
*beep ...
*beep ...
Go.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko. Syempre sino pa ba ang nangunguna. Ako.
Nasa likuran ko lang siya
Everytime na mag oovertake siya ay hinaharangan ko ang dadaanan niya
I'm so good! Syempre ako ang nanalo