The Game

104 20 22
                                    

Lily's P.O.V.

"Reverse Game? Saang parte ng utak mo yan nakuha? Hahaha!"

"Hoy Carl! Tigil-tigilan mo nga si Megs. Buti nga may naisip siya eh. Pero ikaw? Wala! So Megs, paano yan laruin?"

"O sige. Ganito yon ah. Parang kapag magsasalita ka, yung sasabihin mo, kabaligtaran nun ang totoong meaning na gusto mo ipahiwatig. Galing na mismo sa title ng laro. Reverse. Tapos ganito. May three categories. Inside the circle, inside the square at outside the square."

"Huh? Para saan ang mga yun?" - Carl

"Sabing patapusin muna ako eh! Ang kulit! Pipili ka sa tatlong categories. Kung magsasalita ka ng reverse ang meaning sa taong nasa inside the circle o sa ating tatlo, inside the square o magsasalita ka ng pareverse ang meaning sa kahit na sinong gusto mo piliin pero outside ng circle o in other words maliban sa ating tatlo dito sa loob ng room, at yung outside the square na ang ibig sabihin magsasalita ka na reverse o opposite ang meaning sa kahit na sino na mapipili mo na wala sa room o hindi natin classmate. For example. Pinili ko ang inside the circle tapos pinili ko si Lily. At sinabi ko I'm you're worst enemy. Ang ibig sabihin nun ay You're my best friend. Gets? Mapapaisip ka talaga ng tamang sasabihin!"

Nakinig lang kami ng mabuti ni Carl sa buong page-explain ni Megs.

"Tapos dahil nga game to. Dapat mayroon ding winner and loser. Kapag mali ang mga pinagsasabi mo at kapag nireverse ay parang ewan yung meaning ibig sabihin talo ka at manlilibre sa mananalo ng lunch niya for two days. Ano? Game?" ^___^

Woah! Naisip niya lahat ng yun? Ayos ah! Hmmm. Mukha okay naman yung game eh.

"Eh paano kung dalawa ang manalo o kaya naman ang matalo?" - Carl

Aba! Mukha gusto din niya yun prize ah!

"Kapag dalawa ang talo, hati sila sa araw na ililibre yung panalo. Tig-isang araw sila. Kapag dalawa ang panalo, edi ililibre silang dalawa nung talo. Ganun."

"Paano naman kapag. Tatlo tayong panalo?" tanong ko.

"Edi walang manlilibre at magpapalibre. Simple as that. Ano? Game kayo?"

Hmmmm. Eh sino naman yung sasabihan ko ng reverse?! Mukha namam akong ewan nun. Pero laro lang naman to.

As if naman mababago nito ang ikot ng mundo ko o kaya naman gawan ng improvement ang lovelife--

Teka! Bat di ko naisip agad?! Bakit di ko itry magconfess kay Dwayn ng reverse. Gets niyo? Di niya pa maiintindihan kasi nga inreverse? Edi parang nagconfess na rin ako kaso reverse confession. Mayroon bang ganun? Grabe! Ang daming beses ko sinabi yung salitang reverse ah. At tsaka pa bonggahan na rin naman ang pag-amin ngayon noh! Tapos ang maganda pa sa naisip ko na method ng pagco-confess, makakaiwas ako sa rejection kasi nga di niya malalaman na nag-aamin na ako ng feelings. Hehe. ^__^. Ang kaso lang parang ewan lang din ang pagco-confess ko kasi di niya lang din malalaman. :(

Aist! Bahala na nga si batman!

"Sige! Game ako!" - ako

"Ako rin!" -Carl

"Osige. Una pipili kayo ng category. Next ay yung taong pagsasabihan niyo. Pagkatapos nun magiisip kayo ng sasabihin niyo tapos isulat niyo sa papel. Tsaka niyo lang gawing reverse. Isulat niyo na rin sa papel para di makalimutan. Pagkatapos nun, sabihan na!" ^___^

Di naman halatang excited siya noh?

"Ano? May napili na kayo? Ako , oo."

"Yup"

"Yeah"

"Then, game n-"

"Goodmorning class."

Reverse Confession (Short Story) | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon