Knowing Them

262 22 19
                                    

"You hate me"

This three words brought us together.

Wanna know how?

It's a little crazy~

***

Lily's P.O.V.

"Megan, kamusta na yung panliligaw sayo ni Luis? Can't you just break his heart already? Para naman matapos na yung pangbubulabog niya sa harap ng classroom natin! Yung pagkanta niya, nakakarindi kasi!", sabi ni Carl, childhood bestfriend ko since 9 years old ako. Ewan ko nga rin kung paano ko naging kaibigan yung mokong na yan eh. =___=

"Hindi kaya! Ang sweet nga eh. Lagi siyang nage-effort na bisitahin ako bago magklase. At anong nakakarindi sa boses niya?! Maganda kaya! Di tulad nung isa diyan na boses palaka." At siya naman si Megan. Ang isa ko pang bestfriend. Buti na nga lang magkasundo silang dalawa eh, o parang ganun na nga.

"Ano?! Psh! Boses ko pa ang natulad sa palaka huh?! Bakit? Narinig mo na ba akong kumanta?!"

"Oo! Bakit? May angal ka?!"

"Hah! If I know, you have just already fallen inlove with my awesome voice." *smirk*

"Aba! Alam mo. Alam ko naman may gusto ka sa akin eh kaya wag mo ng itago sa pamamagitan ng pagpapalabas na ako ang may gusto sayo." *smirk*

Tsk tsk, If only you knew that what you said was real.

"Whatever you say woman. Alam ko naman na pinapangarap mo na mangyari yun eh."

Ugh! Ang torpe mo!

Syempre di ko yun sinabi. Edi nabuking siya niyan?

"Arggghh! Lily! Tulungan mo nga ako dito. Kanina pa ko binubwisit nitong palakang to pero di mo man lang pinagtatanggol ang bestfriend mo! Nakatulala ka lang diyan. Wait, what are you looking at anyway?" Hala! Pag nalaman nila na kanina ko pa tinititigan si Dwayn, I'm sure na uulanin ako ng asar niyan. Alam pa naman nila na gusto ko siya. Hanggang sa marinig sila ni Dwayn at malalaman niya na may gusto ako sa kanya!

Nooooo waaaaay!

Mabilis akong lumingon papunta sa bintana para isipin nila na tinitignan ko lang yung langit. Nasa classroom kasi kami ngayon at absent si ma'am.

"Oh, you're just simply wondering off. Bakit? Boring ba kami na mas pipiliin mo na lang tumingin sa bintana kesa pakinggan kami?!

Seriously? What's with the drama?

"OA mo Megs. Nakikinig pa rin po ako sa bangayan niyo habang nakatingin ako sa labas noh! Kahit ayaw ko pakinggan, naririnig ko pa rin." -_-"

Syempre di yun totoo. Pinapakinggan ko naman talaga sila eh. Ang sarap lang kasing pagtripan ni Megan. XD

"Wala ka ngang pake sa amin!" TT^TT

"Hahahaha" - me

"Hahahaha" - Carl

"Isip bata ka talaga."

"Halata namang inaasar ka lang ni Lily eh! Pero seryoso. Iiyak ka na niyan?! Ang babaw! Hahaha!" :p

"Che! Ewan ko sayo! Hmp!"

"Haha. Sige na nga. Baka magalit pa sa atin ng tuluyan si Megs, Carl."

"So... Anong gusto niyong gawin natin habang wala pa yung next subject teacher natin?" - Carl

"Ah! Alam ko na! Laro tayo!" -Megs

"Ano? Tago-taguan?! Bwahaha!" Sino pa ba yan? Edi si Carl. -__-

"Heh! Don't you dare talk to me."

"Oi tigilan niyo na yan. Naglalambingan na naman kayo eh."

"Di kaya!" - Carl

"Di kaya!"- Megs

"Oo na. Oo na. So? May naisip na ba kayo?"

"Wait mag-iisip ako." -Megs

Tapos lumayo siya ng konti. Yung hindi niya kami maririnig. Ganyan yan kapag seryoso. Ayaw magpaistorbo.

"Hoy Lily Jane. Alam ko na hindi ka naman talaga nagmamasid sa labas ng bintana. Kanina mo pa kaya tinutunaw sa tingin si Dwayn. Tsk. Buti hindi lumilingon sa direksyon mo. Kundi bistado ka! Haha!"

"Huh? D-di ah! Akala mo lang yun!" Kinakabahan kong sabi. Paano ba naman kasi mas malakas tong mangasar kesa kay Megan.

"Sus! Wag ka ngang magpalusot. Kilala na kita since bata pa tayo kaya wala kang takas. Don't worry. Di naman kita ibubuking eh. At tsaka alam na naman namin na may gusto ka dyan sa yelo na yan kaya bakit mo pa itatanggi?"

Yelo ang tawag niya kay Dwayn kasi cold yung treatment niya sa iba except sa bestfriend niya.

"Alam mo, you're right. Kilalang-kilala na natin ang isa't-isa para maglihim pa. Alam ko nga rin na gusto mo ang bestfriend ko eh."*smirk*

Ang galing ko mag-change ng topic noh? XD

"W-what are talking about?! That's n-not true!" Sabi niya habang tinitignan kung naririnig kami ni Megs. Well, swerte siya at seryoso pa rin sa pag-iisip ng laro si Megan. Sayang! XD

Siya naman tuloy ngayon ang nauutal. Haha!

"Tsk tsk. Ikaw na mismo ang nagsabi kilala na natin ang isa't-isa since bata pa tayo tapos ikaw pa ngayon ang magsi-sinungaling? Lokohan lang?"

"Haaay. Wala nga talaga akong matatago sayo. Oo na inaamin ko na. Pero wag mo sasabihin ah?"

"Oo naman. Ako pa!" ^__^

"Yey! The best ka talaga!" Sabi niya sabay yakap sa akin. Actually, wala namang malisya sa amin to. Kasi nga magbestfriend lang naman kami. Kaya no big deal.

"Oi oi. Ano yan?" Pagtingin namin si Megs pala. Well, bumitaw naman si Carl. At jusko po! Nakataas yung isang kilay ng lola mo. Haha! Nagselos yata. Ibig sabihin may chance si Carl! Oh yeah!

(/^o^)/

"Wala naman. Kanina ka pa ba nandyan?" -Carl

"Di naman."

Phew! Akala ko nalaman na niya na may gusto sa kanya si Carl eh.

"Ano na? May naisip ka na?" -me

"Oo! May naisip na ako. Ang title ng game ay-"

"Wag mong sabihing truth or dare o spin the bottle yan ah! Sa tagal mong nag-isip-" -Carl

"Di ah! At tsaka patapusin mo muna ako! Pwede?!"

"Sure. Kawawa ka naman eh."

"Che! So eto na nga. Ang title ng laro natin ay Reverse Game!"

Reverse Confession (Short Story) | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon