Confession

122 22 26
                                    

Lily's P.O.V.

Kasalukuyan ako ngayon nasa harapan ni Dwayn habang nakaupo sa upuan sa may bandang likod sila Carl at Megs na ngi-ngiti ngiti. Pinlano talaga nila to ni Megan! Kaasar!!! Bakit ngayon ko lang na-isip? Kaya pala okay na okay lang kay Carl na sabihin kanina yung sinulat niya eh! At kaya pala medyo maingat yung mga salitang ginamit niya kasi kasabwat siya si Megs! Bakit nakalimutan ko na laging may dahilan si Megs sa mga pinaggagawa niya?!?!

Sinubukan ko pa ngang mag-backout eh. Kinukumbinsi ko nga sila na ililibre ko na lang silang dalawa ng lunch habang pabalik kami ng classroom eh.

*Flashback*

"Guys. Sige nah~ Puwayag na lang kayo na ako na lang ang manlilibre ng lunch niyo sa loob ng dalawang araw. Please~ " TT^TT - me

"Nope, na-uh, never. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi pwede? Kami nga ginawa namin eh. Kahit na kabaliwan lang natin to dapat mag-participate ka pa rin! Tsaka where's the fun in that? At! Walang duwag sa atin noh!" - Megs

"Ah basta! Kahit na! Ayos lang kahit asarin niyo ako ng duwag kesa naman mapahiya ako dahil sa rejection! Carl, tulungan mo nga ako. Sige na naman oh. Pumayag na kayo." TT3TT

"Lily, sigurado ka bang mapapahiya ka??" - Carl

"Hindi naman 100 percent sure pero malay nati-"

"Ayun naman pala eh! Alam mo Lily, wag mong pangunahan ang mangyayari at wag ka ngang nega dyan! At least may ginawa ka para mag-improve ang lovelife mo. Mas mabuti ng mapahiya ng saglit pero may ginawa kesa tumunga-nga at manghinayang sa huli."

Natameme lang ako sa sinabi ni Carl. May point naman kasi siya. At tsaka, oo. May chance ngang mapahiya ako pero lilipas din naman eh. Tapos pwede rin naman na di ako mapahiya at tanggapin ni Dwayn ang pag-amin ko ( sana nga! >\\\\< ).

Tama! Ita-try ko! At tsaka mukha namang para sa akin yung game na to eh! Mukhang pinagplanuhan nung dalawa. Tsk! =___=

*End of flashback*

Haaay. Here it goes. >.

"Ummm. Dwayn?" - me

"What?"

Tsk. Badtrip! Dahil diyan sa pagsusungit mo kaya ako na-inlove sayo! Kaya tigil-tigilan mo nga yan! >\\\\<

At syempre di ko yan sinabi!

Di tuloy ako makatingin sa mata niya ng diretso!

Sige na nga sasabihin ko na lang agad yung reverse confession ko tapos ibibigay yung papel at babalik na sa puwesto nila Carl.

*Inhale**Exhale*

" 'You hate me ngayon-ngayon lang. Wag sana matuwa sa iyo.
At wag sana pansinin ikaw'. Ito nga pala yung meaning ng mga pinagsasabi ko. Pasensya na ah kung naabala kita." Sabi ko sabay abot sa kanya ng papel. Nakaupo kasi siya habang katabi niya yung bestfriend niya.

Waaah! Sana bigla na lang akong maging invisible!! >\\\\<

Bigla pa kasi tinawag nung bestfriend ni Dwayn na si Gab yung iba naming mga kaklase at sinabing may pinagsasabi daw ako na kung ano-ano.

Tsk! Isa pa to eh! Ang sarap sapakin eh.

Pero yung sumunod na ginawa ni Dwayn ang di ko inaasahan pagkatanggap niya ng papel.

Sinubukan niya akong pigilan sa pag-alis sa pamamagitan ng paghawak sa wrist ko.

"Ano ba kasing pinagsasabi ni miss president??"

"Nababaliw na ba siya o pinagtri-tripan lang si Dwayn?"

"Nako! Lagot siya sa mga fans ni Dwayn. Tsk tsk! "

Reverse Confession (Short Story) | Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon