chapter 3

1.5K 29 0
                                    

LOVELY




"BUNSO marami akong kaibigan na darating,okay? mga models yun at syempre kasama na dun yung request mong mapasama sa 18th roses mo.." nakangiti at excited na pag iimporma sa akin ni ate alexa habang tumitingin ng iba pang dresses


Nandito kami sa boutique para sa final fittings ng mga gown na isususot namin. Two weeks na lang at debut ko na kaya maaga ko din inasikaso ang mga kailangan ko para sa darating na school year para makapagfucos kami dito

"yiieee!! talaga ate?.. anong sabi nung brent ? " kinikilig ko namang agad na tanong matapos marinig na nakumbinse niya ang crush kong pumunta

Brent Ramirez was his name nakasama siya ni ate sa isang gig niya pogi siya at mukhang mabait. Iyon ang tingin ko sa kanya base na din sa nakikita ko sa makailang ulit niyang pagpunta na sa bahay

"pumayag nga agad,ang ganda mo daw kasi.. pero si ate jess mo ang bet,ang bata mo pa daw kasi gurl eh.. sabi ko nga pwede kana niya idate last year mo naman na sa senior high eh pero mukhang tagilid.." medyo mahaba at naiiling pang ani ate alexa sabay tingin kay ate jess na katabi naman ni ate jem. May pinag uusapan ata sila pero natigil dahil sa sinabi ni ate alexa


Maging ako ay tila bumagsak ang nadaramang kasiyahan dahil sa narinig. Shoot! Sayang iyon sa isip ko lang na hindi ko napigilang isa boses

"ay sayang naman.." may kaonting lungkot sa boses ko sabay tingin din kay ate jess

"ano ba kayo?. may boyfriend na ko remember??" ani naman agad ni ate jess. Yeah? Right. Magdadalawang taon na sila ni kuya albert yung dati niyang bestfriend

"oo alam namin jess! akalain mo nga naman talaga no? magiging kayo pala ng albert na yan.." naiiling muling hirit pa ni ate alexa kaya napairap naman agad si ate jess sa kaniya. Medyo di kasi nito bet si kuya albert at tinatawag ni pa ngang boring ng lantaran

At dahil mukhang magkakapikonan na naman ang dalawa ay ibinaling ko na lang ang atensyon namin kay ate jem na tahimik lang kanina pa

"ate jem ikaw? may inimbitahan ka ba? " baling ko kay sa kanya na agad namang nag ahon ng tingin mula sa magazine na kanyang tinitingnan

"ah.. wala bunso si iska sana,kaso hindi na naman pinayagan ng tiyahin niya.." sagot lang naman niya

"ay..sayang naman miss ko na din si ate iska.." nanghihinayang namang ani ko

Si ate iska ang bff ni ate jem na taga pangasinan. Lagi kami dun pag summer dahil kay ate iska ngayon lang dumalang dahil naging busy na


Ganun nga ang mga nangyari abala kami sa pag aayos ng birthday ko. Ngayon kahit papano ay ramdam ko na kahit paunti unti ay natatanggap na namin ang pagkawala ni lola. Unti-unti man ay pilit na kaming umuusad


ISANG hapon tatlong araw bago ang aking kaarawan ay nakita kong muli ang misteryosong lalaki. Nakatayo na naman muli siyang nasa labas ng bahay. Kasalukuyan akong nasa kwarto nang masilip ko siya sa aking bintana. Dahil sa galak na muli siyang makita ay agad akong nagmadaling bumaba may maganda akong naisip na dahilan para malapitan siya ngayon

STEFFAN MBS #2[EDITING]Where stories live. Discover now