chapter 1

3.5K 46 0
                                    

LOVELY


"GRABE BES! sabi panalo daw si ate jess sa pageant kanina ..ang galing talaga niya! " masayang pagkukwento sa akin ni Emily

She always sound so amazed by me or my sisters winning another pageant but me? I already expected that news. Wala naman kasing bago palagi namang ganun

"syempre naman! ate ko yata yun.. " proud at tila balewalang sagot ko lamang sa kanya

Tumango naman ito agad at tila sang ayon na sang ayon sa sinabi ko

"hay naku ! halos salitan lang kayong magkakapatid bilang pambato ng school ah.. Kaya sobrang sikat din nitong school natin eh. " patuloy na ani pa nito habang kumakain ng junk food

Isa pa yan halos kaming tatlo lagi nila ate jess at ate jem ang pinagpipilian sa ganiyan. Pero sa huli ay kami lang naman ni ate jess ang natitirang pagpipilian dahil umaayaw si ate jem. Hindi niya kasi hilig. Ayos na siyang pang muse pero kapag pageant na ang usapan ay umaayaw din siya. Mas gusto niya kasi kung kompentesyong pangpatalinuhan ang lalabanan kaysa pagandahan

"oo nga eh..nakakasawa na din,gusto mo ikaw naman? " pabirong hirit ko naman sa aking matalik na kaibigan bago kumuha din ng kinakain niya

"grabe ka naman bes! alam mo namang pang may beauty and brains lang yung mga ganyan .." mabilis naman nitong sagot at tiningnan pa ako na parang hindi makapaniwala sa hirit ko sa kanya. Ngunit ng makitang nagloloko lamang ako ay umirap din siya kalaunan sa akin

"alam ko! para maiba naman.. " natatawa pang dagdag ko kaya doon na kami natawa pareho sa kalokohan naming dalawa

"ikaw ha! pinagtitripan mo na naman ako " aniya at pabirong tinulak pa ako saka muli kami nagtawanan


We are always like this.. Happy and not minding all those little difficult things that's comes through our way.. And It was always just the two us in our friendship. Grade 10 students na kami ngayon at nasa kalagitnaan na ng school year. Ang ate Jessica ko ay graduating na ngayong taon sa senior high at ang ate jem naman ay 2nd year na sa college. Habang si ate alexa naman ay graduating din ngayong taon sa college

Intramurals ngayon at wala kaming sinalihang anumang sports kaya palakad lakad lang kami sa aming school grounds. At ang balita nga kanina ni Emily tungkol sa pagkapanalo ni ate jess bilang Miss Intrams ay hindi na nakakapanibago. Alam ko at marahil alam na ng lahat na mananalo talaga siya. Gaya nga ng nasabi ko palagi namang kami ang pambato ng school sa mga ganitong event at lagi din nananalo

"bes.. nga pala naalala ko nalaman ko kay ate jem nagkasakit ka pala last week, kaya pala hindi ka nakapasok.. Nakita ko kasi siya dito sa school kausap si sir james. bat nga ba di mo naman sinabi sa akin ? " kalaunan ay pagtatanong sa akin ni Emily habang naglalakad pa din kami at tila naalala lamang niyang itanong ito upang maiba lamang naman ang aming mapag usapan


"eh.. ano naman bes ? tsaka lagnat lang naman yun.. Di na ako nagpasabi sayo dahil baka sumugod ka na naman agad sa bahay " balewalang sagot ko naman sa kanya dahil wala lang naman talaga yun. Naambunan lang ako kaya nilagnat kinagabihan at hindi na nga nakapasok

"hmm ganun ba.. syempre mag alala talaga ako.. Ikaw yan eh.. Pero bes maiba ulit tayo,grabe! bagay na bagay talaga si sir james at ate jem no ? " aniya na parang kilig na kilig talaga siya kay ate jem at kuya james

STEFFAN MBS #2[EDITING]Where stories live. Discover now