Hi vebs, oo kilala niyo ang topic ko dito well pareparehas lang tayong nakapila. Chariz, kidding aside. Well this is my story na may halong konting true to life. Basta hindi naman lahat, mga 40 percent lang ganon. Basta mahilig kase akong mag illution, well kaya nga kita naman sa title diba. So ayon enjoy reading vebs, wavyu!
Sandzbuhangin
***
Nakatira kami malayo sa siyudad or City. Kaya't madalang din kaming maabutan ng tulong or yung ayuda kumbaga. Pero gayun pa man nakakaraos pa din dahil nagsisikap naman kaming mapunan ang mga pangangailangan namin sa araw araw.
Minsan nga naisip ko ano kayang pakiramdam ng mayaman ka? Yung pagising mo sa umaga maganda yung makikita mong tanawin fresh na hangin at malambot na kama, pagkatapos ay tatawagin ka ng yaya niyo para kumain ng umagahan. Tapos tamang papatayin mo lang yung Airconditioned niyo at baba ng hagdanan na paikot.
Nakapikit ako habang naiimagine ko ang lahat ng iyon.
At ito ang talent ko . . .
Ang mag-ilusyon.
"ANDENG! P*tang in* naman kanina pa ako sigaw ng sigaw dito! Ano bang ginagawa mo dyan! Buhatin mo na to!" Sunod sunod na sabi ni Manang Biday.
Nawalis lahat ng ilusyon ko. At napalunok, nagdadasal din na sana wag niyang bawasan ulit ang sweldo ko dahil kapirangot na nga lang ito.
"Opo manang, pasensya." Magalang kong sambit.
"Kaya ayokong babae ang tutulong dito, mga mabagna, parang may nana ang mga katawan!" Usal niya pa.
Di ko magawang magalit sa kanya o sumagot dahil sa kanya lamang ako kumikita ng pera. Sa hirap ng buhay ngayon mahirap din humanap ng trabaho na tatagal ka.
Dalawang taon na ako dito sa suplayan ng bigas. Maganda naman ang pasahod dito kinsenas katapusan at may libreng pakain sa tanghali kaya kahit mahirap inabatan ko na agad.
Malayong kamag-anak namin si Manang, magpinsan ang mga lolo't lola nila ni Papang. Nung nalaman ko 'yon dali dali ay kinausap ko siya. Nung una alangan pa siya dahil daw babae ako at baka hindi ko kayanin mag-buhat. Pero kiber kaya ko yon. Mga kakampi ko nga sa laro binubuhat ko ito pa kaya. Biro lang.
Mahina ang benta ngayon buhat ng nagkapandemya. Pero may araw naman na kayod kalabaw talaga lahat dito dahil madaming demand.
Pag ganoon, malaki din ang kita, pero walang dagdag sa sahod. Kahit bonus.
Tanghalian na kaya't kumakain na kami. Dinengdeng ang ulam, uyy ang sarap!
"Oh mga chong, ito na ang sahod niyo!" Sigaw ni Manang kaya naman dali dali kahit hindi pa naisusubo ang kanin ay nagsipulasan kami.
"Itoy sahod mo." Binigay niya kay kuya Itoy at bakas sa muka ni kuya Itoy ang saya.
Dinidilaan ko pa ang kamay ko at tinawag ako.
"Andeng!" Lalapit na sana ako.
"Ay teka mamaya na pala." Paktay ka diha. Aguy malala.
Napaurong na lang ako.
"Mark sahod mo."
Halos natawag na lahat at ako na lang ang naghihintay sa harap.
"Andeng." Tawag niya.
"Po." Sagot ko, may iba akong nararamdaman, wag naman sana.
"Bukas ko na lang iaabot ang sahod mo. May kailangan akong bayaran." Sabi ni manang.
Bumagsak ang balikat ko at dahan dahang tumalikod at pumunta sa kainan.
"Delay nanaman ang sahod mo Andeng?" Tanong ni Kuya Itoy.
"Opo kuya, sanay naman na po ako." Malungkot kong sabi.
"Oh eto idagdag mo sa ipon mo, para sa pag-aaral mo." Nagulat ako ng abutan ako ni Kuya ng singkwenta pesos. Gusto kong tanggapin pero naaawa din ako sa kanya dahil may pamilya na siya na binubuhay.
Ngumiti ako "Wag na Kuya, kay Ben mo na lang yan ibigay." Sagot ko, napangiti naman siya at kinurot ako sa pisngi.
Pinsang buo ko si Kuya siya din yung kasama ko nung pumasok kami dito.
Pagsapit ng dilim ay nakauwi na ako.
Tinignan ko ang nakatakip sa lamesa.
Dyaraannnn! Walang laman.
"Sarap naman ng plato." Biro ko at napakamot sa ulo.
"Ate sorry naubos yung peyless ha." Sabi ni Ren Ren na nasa gilid pala.
"Yaan mo na Ren kumain naman ako kanina." Kahit hindi naman.
"Sige ba bumalik kana sa pagsasagot mo para makatulog ka ng maaga."
Pumasok ako sa maliit naming kwarto at tinignan ko ang nakasabit kong sling bag na bigay ng Mamang sa akin nung 18th birthday ko.
Sana may laman pa. Dito ko kase itinatabi ang mga sobra kong pera. Pang gastos na din kung sakaling wala akong abutan na ulam.
"Saglit lang lalabas lang ako." Sabi ko sa kapatid ko. Tumango siya at nagpatuloy sa pag sasagot ng module.
"Buti na lang may bente pa akong naitabi." Bulong ko at pumunta na sa isawan sa kanto.
Ito ang pangtawid program tyan ko pag walang pagkain sa bahay. Limang piso ang isaw at dugo, yun lang swak na. 10 at 20 na kase yung iba.
Dalawang isaw at dalawang dugo ang kinuha ko.
Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay may nakita akong magarang kotse. Kulay puti at may plakang. SXM 1432.
Ewan bat nakita ko yon. Tapos ay natandaan ko.
Bumaba yung nasa loob ng kotse at lumapit sa akin. Kinabahan ako bigla nang magsalita siya.
"Miss ikaw ba si Andeng? Pinapasundo ka ni Sir sa palasyo." Laking gulat ko sa sinabi niya.
Ako? Si sir? Sa palasyo.
"Ay palakang bukid!"
Ayan kase panay ka ilusyon Andeng. Pagtingin ko sa kotse ay malayo na ito, malayo din sa realidad na may baba at susunduin ako papuntang palasyo.
BINABASA MO ANG
Ilusyon
Non-FictionSa isang daang pursyento, 0.0001 ang tyansang makilala mo ako, pero kahit na ganon lang kaliit ang chance na yon, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang makilala kita. Matagal na kitang kilala pero alam kong hindi mo ako kilala. At alam kong maraming...