Umpisa

0 0 0
                                    

Uy mga vebs, ang dami kong nakikitang issue na may GF na daw si Sands, ano ba hayaan niyo na siya kahit masaket, chariz. Kidding aside. Realtalk tayo dito no, bat ba kase yung iba ang obsessed (tama ba spell?) Anyways, maging masaya na lang tayo kay Sands no. Tska gising gising mataas standards niya sa gurl as if naman no. Kaya ako okay nako na kinikilig sa kanya hahahaha.

Sandzbuhangin

***

Maaga akong nakarating sa suplayan ng bigas. Magpapa good shot lang ako, baka sakaling ibigay na ang sahod ko.

"Oh Andeng aga mo." Nakita ako ni Manang. Mabuti kung ganon.

"Oho." Sagot ko na lang.

Winawalisan ko lang muna yung mga kalat dine sa gilid gilid.

"Andeng, ito na sahod mo." Nang makarinig ako ng magandang balita.

Lumapad agad ang ngiti ko at nabitawan ko sa saya yung walis na hawak ko.

Dali dali akong lumapit kay manang.

"Salamat po." Sabi ko at ngumiti.

Tumalikod na ako at pumunta sa gilid para bilangin.

Sakto, walang labis walang kulang.

Salamat sa Diyos.

Ginanahan tuloy ako sa buong araw na ito.

At hindi ko namalayang tanghalian na pala. Tinawag na ako nila Kuya para kumain.

Pagkayari naming kumain ay nagbalik na din kami sa aming ginagawa.

"Ate!" Nagulat ako dahil malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ng kapatid kong si Ren-Ren.

"Oh Zoren bakit? Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"Ate si papang." Naluluha niyang sabi.

Napatayo ako at natapon ang mga butil ng bigas na nasa sako. Wala akong paki ngayon kung mapagalitan ako mamaya. Bahala na.

"Asan si papang?"

"Dinala siya sa ospital, tara na ate mamaya ko na lang sasabihin lahat."

Nag paalam lang ako saglit sa mga Kuya dun at agad na sumakay ng tricycle para puntahan si Papang.

Habang nakasakay kami ni Zoren ay hindi ako mapakali.

"Ano bang nangyari?" Mahinahon kong sabi pero kinakabahan ako. Hindi ko na lang pinakita sa kapatid ko para hindi di siya kabahan.

"Sabi ng mga nakakitang tao, bigla na lang daw natumba si tatay at sabi niya nahilo daw bigla, mabuti at nasalo ang ulo niya at hindi tumama sa lapag."

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Pauwi na kase ako ate, at naisip kong puntahan si papang para ibigay yung natira kong baon na kanin at ulam. Wala na po kase kaming pasok." Paliwanag niya.

Ilang saglit lang ay nasa ospital na kami.

Pagpasok namin, nakita namin yung ilan naming kapit bahay na nagdala kay papang dito.

"Salamat ho sa pag dala sa papang dine." Sabi ko.

Pagkakita namin kay papang ay natutulog siya kaya't hindi na namin siya ginising.

Ilang minuto din ang hinintay namin at lumabas na ang doktor para eksaminin si papang.

"Dok, bakit po nahilo bigla ang papang?" Tanong ko sa doktor habang kaharap ko siya.

Nakatalikod kami sa papang at kay zoren.

"Hija, ang papang mo ay may cataract, medyo hinog na kaya't need na niya ma-operahan." Napalunok ako sa sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IlusyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon