Chapter 1 :Baguhan ang Putek

76 3 4
                                    

Tae!

Ang bilis nga naman ng panahon, bwiset college na ako, tapos isip bata pa rin ako.
Huhu.

Kelan kaya ako mag mamature, hmmmmm? Siguro sa tamang panahon, kung kelan man yun. Bwiset -_-

Tae di naman kase ako marunong gumawa ng story dito sa wattpad, sinubukan ko lang kase pinasubukan sa akin ni Mark, tapos napansin ko rin na laging kinikilig si hycee sa tuwing nagbabasa neto. Parang ewan lang!

So ayun nga haha ito na talaga start.

First year!

UE

So nag First year ako sa UE Recto, ang lugar kung saan maraming tao at maraming magnanakaw. Madumi din ang hangin dito dahil sa sobrang dami ng sasakyan na dumadaan. Madalas ding traffic dito, dahil madalas mag rally sa may Mendiola kaya bwiset talaga.

So ayun haha naalala ko dati 41 lang ang score ko sa entrance exam dito kaya nakapasa ako, up to 80 kase yun, pero atleast pasado.

Susyal dito sa Ue, lahat ata ng facilities nila ay naka aircon, pwera na lang yung Cr nila. Meron din silang garden na kung tawagin ay Tan Yan Kee Garden na kung saan may isang gardener ang galit sa akin, akala niya kase ako yung tumapak dun sa mga flowers kaya nasira, yung kaklase ko kasi yun, tinalon talon niya yung mga bulaklak tapos pagbaba niya, nakita ko
basta na lang nakatingin sa akin yung gardener, tumatawa kase ako nung time na yun kaya ayun akala niya ako sumira, kaya everytime na pupunta ako sa garden masama ang tingin niya sa akin. Bwiset yun -_-

Back to the story..

Dahil sa lahat ng room nila ay naka aircon, pati hallway nila ay malamig na rin, ang sarap humiga sa sahig... Pati Canteen nila ay naka aircon, actually dalawa yung canteen, tapos yung isang canteen ay may Tv, kaya hayahay ang buhay.

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko,

Pasukan na!

" Jed gising na!" yan ang mga salita na naririnig ko habang nakahiga ako sa kama. Akala ko nananaginip ako pero hindi pala.

"Uy Jed bangon na!"

kahit naririnig ko na yan, hindi pa rin ako bumabangon.

Nagulat ako tanghali na ako nagising, sabi ng mama ko wag na daw ako pumasok, late na kase ako.

Sabi ko....

"Mama sa Friday na lang ako papasok, nahihiya kase ako eh!"

"Bahala ka"

tugon niya....

So ayun, tinotoo ko nga na sa Friday ako papasok.

Friday Morning!

Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong pumasok, kaso ang problema talaga is nahihiya ako.

So ayun dahil sa Recto school ko at syempre first day ko sa school, hinatid ako ng mama ko --_--

NAKAKAHIYA!

First year na ako tas hinahatid pa ako!

Sabagay dapat Grade 6 pa lang ako, wala E, Accelearated ako e, ganun talaga kapag matalino!.... Haha peace yowss...

Dahil sa malamig sa Classroom, pinag dala ako ni mama ng jacket, baka daw lamigin ako.

Ang pinaka di ko makakalimutan ay yung mag kikiss ako sa kanya bago pumasok ng University!

Tae! Nakakahiya !

Pero wala ganun talaga, mahal naman si Mama kaya nag kiss ako...

kahit nakakahiya -_-

"Ingat Jed! Aabangan kita dito mamaya sa gate ah!"

Yan ang sigaw niya sa akin habang naglalakad na ako papasok sa building...

Habang ako naman ay kinakabahan sa paglalakad kase syempre UE, susyal mga tao, mga feeling mayaman ang putek.

Sa bawat paglakad ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng aking puso,

Nararamdaman ko rin ang pawis na tumutulo sa aking magkabilang buhok

Tas ayun na! Heto na!

Nasa tapat na ako ng aking classroom,

Binuksan ko na ang pinto,

Kinakabahan ako, di ko alam ang gagawin ko.

Hanggang sa pagkakita ko, konti pa lang ang tao

Nakahinga ako ng maluwag !

Pasalamat ako wala pang gaanong tao, kaya dalidali akong umupo sa likod at tumabi sa isa ko pang kaklase na mataba na bagong pasok lang rin.

So dahil sa feeling famous ako, gusto ko sila ang babati sa akin. Gusto ko sila ang unang makikipagkilala sa akin. Pero hindi ganoon ang nangyari.

"Good Morning Class!"

"Good Morning Ma'am!"

The heck! hindi ko namalayan ang oras, maaga pa lang pumapasok ang mga teacher sa mga klase nila, tae naman to.

Hay! Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang magkaroon ng mataray na guro, mabilis kase ako matakot kapag ganun. Ang mahirap dito, mukhang na sesense ko na mataray nga tong guro ko, kaya takot na takot ako sa kanya.

"Ma'am may bago pong pasok na estudyante!"

Tae! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
Nakakainis ang mga taong ganun, kailangan pa talaga na isigaw na nandun ako, nakaka bwiset lang, gusto ko kase, yung teacher ang papansin sa akin, famous nga diba.

"Oh!, halika dito"

syempre naman ako lumapit ako.

Habang papalapit ako sa kanya parang ewan ko, para ata akong zombie kase di ko alam kung anong lakad ginawa ko, lakad siya na may halong takot at kaba.

Tas ayun haha tinatamad na ako mag kwento sa past ko

Past is past, kaya wag na haha.

Basta ang mahalaga nag aral ako ng mabuti nung First year, hindi ko inaksaya ang panahon na makapag-aral sa ganitong klase ng eskwelahan, yung iba kase porket may pera sila, sinasayang nila, ibahin niyo ko, matalino ata to!

Basta thankful ako kay God, dahil binigyan niya ako ng isang magandang eskwelahan na mapag aaralan, binigyan niya ako ng mga kaibigan

Btw, namimiss ko na pala ang tropa ko sa Ue na sina Timothy at Reginald, haha naaalala ko dati, lagi kaming sabay kumain sa canteen tuwing recess, lagi kaming naglalaro sa play ground, hahaha tas naaalala ko na kaming tatlo may crush sa isang babae hahaha.

Salamat pala kay Timothy sa paglibre sa akin sa tuwing dadaan ako sa karinderya nila, haha salamat bespren (yan tawag niya sa akin e, kaya yan nalang tawag ko sa kanya)

Basta ayun!

I had a Blast!

So ayun abangan niyo na lang ang next chapter ng story na to, hahaha

Under maintenance pa siya!

Gege :-) (y)

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon