Chapter 2
Second year Highschool!
So ayun, dahil sa tinatamad na ako ikwento ang naging buhay ko sa UE, mag skip na tayo sa next chapter.
Hindi buhay ko ang i kwekwento ko dito, kung sa chapter 1 buhay ko yun, dito maiba naman tayo.
ABANGAN!
Ito na ang simula ng aking istorya
Babala: Kung na sesense niyo na kayo tinutukoy ko, please lang wag kayo mag piling :-) Salamat!
"Hi Pablo!"
"Uy teka lang, bakit nandito ka sa bahay namin, sino ka?"
"Hi Pablo! Miss na kita!"
"Huh? Hoy sino ka ba talaga ano ginagawa mo dito, magnamakaw ka noh?"
"Paalam Pablo!"
Hoy bumalik ka dito,
Hoy!
Hoy!"Hoy Pablo! Gumising ka na! Anong oras na tulog ka pa rin!"
Yan ang malakas na sigaw na bumungad sa napaka ganda kong umaga!
"Mama naman eh, opo ito na po babangon na! Anong oras na ba?"
"Ano ka ba 6:15 na!"
"What!? The Heck!"
Nung narinig ko yun, bigla na lang lumaki ang aking mata na pa pikit pikit pa.
"Mama naman eh, bat di mo ko ginising!
Monday pa naman ngayon, meron kaming flag ceremony!""Ay bahala ka sa buhay mo, ginigising kita tapos ayaw mo bumangon, bahala ka na ma late"
Dahil dun binilisan kong maligo at kumain.
"Tae yan! wala pa ako sa school huggard na ako, buti na lang pogi pa rin ako!"
Dali dali akong naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Tuwing Monday pa naman nag kakaubusan ng tricycle, tapos traffic pa!
" Hay nako late na talaga ako! Tanggap ko na, sabagay minsan lang naman ako ma late."
Pagdating sa sakayan, ubos na ang tricycle, di ko na tuloy alam gagawin ko.
Buti na lang may dumaan na isang tricycle na may sakay at dalidali akong umangkas sa likod, nakita ko naman na taga Immaculate ang sakay nito kaya sumakay na ako para sumabay.Mag 6:30 na nung nakarating ako sa school.
Matapos kong akyatin ang napakadaming steps ng hagdan papunta sa gate ng school namin, nakita ko na napaka daming mga tao. Kasama ng ibang mga transferee ang kanilang mga magulang. Buti na lang hindi na sumama mama ko, well malaki na ata ako, I can handle myself.
Grabe ang ingay, dada doon, dada dito, dada everywhere. Nakakairita lang naman.
"Ikaw saan ka?"
Bigla na lang may nagsalita sa likod ko na matanda, isa siya sa mga guro, tinutulungan niya ang mga bagong estudyante na hanapin ang kanilang mga pila.
"Ah, Sir II - Jasmine po"
sabi ko.
"Oh dito ka, halika"
Tinuro niya sa akin kung saan ang pila ko, pagtapos nun ay pumunta na ako at nagpasalamat ako sa kanya.
"Are you ready to pray schoolmates?"
Nagsimula na ang Flag Ceremony, As usual.
Tumagal ng ilang minuto ang Flag ceremony, dahil sa mga ilang instructions na ibinibigay ng principal sa harap.