hindi talaga halata na may feyvorits na nagaganap dito hahaha xD matuwa na lang tayo sa okwerdnez nitong dalawa kaya today, i offer you pre-relationship morraia 🦋
────────────────────
SPECIAL CHAPTER 03
Grocery✧
I had been dreading for the lazy afternoon to finally come. Ang dami ko pang bibilhin groceries mamaya at kailangan ko 'yun gawin ngayon. Wala na akong makain sa bahay, hindi ko sasabihin kay Papa na naubos ko na 'yung mga ulam na dinala niya.
Living alone... used to be fun but then the utilities and necessities came into play. Hindi naman ako 'yung nagbabayad nun—sina Papa at Tito Silas 'yung bahala roon—pero ako 'yung bahalang mag-maintain ng tinitirhan ko. Nakikiepal pa si Savannah sa'kin minsan, inuubos 'yung mga pagkaing kinakain ko 'pag wala na akong oras makapaghanda.
Sometimes, I wondered, I barely had the time to be responsible for myself, why did I even think I was more than capable of taking care of a unit? I should've stayed at home then. Pwede ko pang utus-utusan 'yung kapatid ko kung ganoon at wala rin siyang choice kundi hindi umalis ng bahay.
I wasn't even able to finish exhaling my sigh when I caught Morri standing outside the building. Tatlong oras nang nakalipas mula noong oras ng uwian niya kaya nakakapagtaka talaga na nandito siya ngayon. Bago pa ako makalapit sa kanya, naunahan na niya ako.
"Anong... Anong ginagawa mo dito?"
"Kinikita ka!" nakangiti niyang sambit, naglalakad na papalapit sa'kin.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Na-miss na kita e."
"Sus..." Napairap ako. "'Yung totoo nga?"
"Na-miss nga talaga kita... at may hinatid din akong kaibigan malapit dito."
May hinatid naman kasi pala.
"That seems plausible."
"Oh? Ba't parang labag sa kalooban mo 'yan?"
"It's nothing. Sinabi ko lang 'yun kasi mas may sense na 'yun ang dahilan ba't ka nandito kaysa 'yung... na-miss mo ako."
He narrowed his eyes at me and flashed his phone right before my eyes. I tutted and tilted my head away from it. Ang lakas talaga ng trip nitong mang-asar.
"Ano ba?" I complained, pushing his hand down.
"Ikaw, hindi ka nag-re-reply. Kung ayaw mong puntahan kita dito, magsasabi ka naman agad, 'di ba?"
I fished my phone out of my dress' pocket and groaned at the multiple messages left by him at my notifications. I felt a rosy glow about to arise on my cheeks so I put it back, seemingly unguilty.
"I didn't know because I had classes."
"Alam ko. Hindi naman kita sinisisi," he smiled. "Kung ayaw mong nandito ako ngayon, wala namang problema sa'kin kung papalayasin mo ako."
I frowned, walking away from him. "May pupuntahan pa ako."
"Naia, Naia, saan punta mo ngayon?"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at siya sa pagsunod sa'kin. He's like a golden retriever, wagging its sophisticated tail—steady yet very eager to please and follow. I could almost imagine a pair of dog ears above his head; I immediately shook that thought away.
"Aalis."
"Oh? Saan nga?"
"Grocery."
I almost stopped in my tracks and jumped when he popped on my side out of nowhere. Bigla naman kasing sumilip! Akala ko nasa likod pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Untamed Regrets
Short StoryWe buried our fairytale alongside other memories we convinced ourselves were meant for us to forget. I held on to it like sandㅡstill tangible yet I felt it trickling down the miniscule gaps of my hands, slipping away from my grip. Its derisive pinpr...