Legal Guardian

366 21 41
                                    

may soft spot lang talaga ako sa kanila kaya noong naisip ko to, sulat na talaga ako agad t___t comfort fam ko talaga ang penaranda fam hahaha anw ganito ang mga usual na usapan ng titos of mnl

────────────────────

SPECIAL CHAPTER 02
Legal Guardian

"Meron akong hatol para sa inyo." He snapped his finger at him. "Sid, pogi, kung mamamatay ka na, kanino mo ipapaampon sina Sythnaia at Silana?"

Sidonio almost rolled his eyes, "Nangangarap ka yatang mamatay na ako?"

"Shh!" Kieran brought his finger close to his lips until Sidonio avoided it which elicited an offended laugh out of him. "Dito tayo magkakaalaman kung kanino mo mas ipinagkakatiwala ang mga anak mo."

"Oh, tabi ka na. Ako na 'to," Silas hollered.

"No, hindi pwede! Hindi ako pumapayag! Ba't ba ikaw ang nag-de-decide?" With a scowl, he faced Sidonio again. "Oy, pogi. Ano na nga? Ako o itong random person sa tabi ko?"

"Tangina mo. Itong random na tinutukoy mo lang naman 'yung kasama mo simula high school. May through thick and thin ka pang nalalaman ah?"

"Shh!" He also brought his finger to Silas' lips like what he did to Sidonio. "Hindi 'yan ang pinag-uusapan natin ngayon."

"Pinag-isipan ko na 'to dati. Alam ko na 'yung sagot."

"Sino nga?" Silas asked.

"'Wag niyo nang alamin. Matagal pang magkatotoo 'yang hinihiling niyo."

A sarcastic scoff left Silas' lips. "Ako? 'Di mo sa'kin narinig 'yang tanong na 'yan."

"Huy, hindi." Guiltily as ever, Kieran defended himself. "Iniisip ko lang naman dito is 'yung kapakanan ng mga pamangkin ko. Oo, alam ko samin sila mapupunta kasi kami na talaga ang nagpalaki sa kanila at wala ka talagang ibang option bukod samin."

"Mayroon na—"

"Shh! Di pa ako tapos! Pero kung mamimili ka sa'min ni Silas, sino nga?"

Sidonio answered quickly, "Silas."

Pinalo ni Silas 'yung lamesa at tinuro si Kieran na parang bang pinapamukha sa kanya na talunan siya.

Kieran pushed his finger away and laughed sarcastically, "Wala akong time makipagbiruan. Sino nga? Sinasayang mo oras ko. Busy akong taong may financial stability at may pupuntahan pa akong doctor appointment mamaya dahil may routine check-up ako. Alam niyo ba, sabi ng doctor ko wala akong problema sa health ko. Naririnig niyo ba 'yun? Perfectly healthy ako. Matagal pa ang oras ko. Matagal ko pang maaalagaan sila Naia."

Silas scoffed, "Wag kang tokis, gago. Sinasabi mo sa'min na walang ginawa sayo 'yung mga yosing hinithit mo dati? Kumusta na kaya 'yung atay mo sa mga alak na nilaklak mo?"

"The medical results don't lie!"

"You do," Sidonio butted in.

Pinanliitan niya ng mata si Sidonio. "Last chance mo na 'to. Si Silas o ako? Sino ang pipiliin mo?"

"Si Silas nga."

Nang-aasar 'yung tawa ni Silas at niyugyog niya ang magkabilang balikat ni Kieran. Kieran whined as he pushed his arms away.

"Pwede ba? 'Wag mo nang ingudngod sa'kin 'yung pagkatalo ko. E 'di ikaw na 'yung bahala sa dalawa. Good luck na lang sa'yo! Enjoy-in lang namin ni Darya 'tong buhay namin," he huffed.

"Lagi mong tinatawag na batugan ang mga anak ko. Anong aasahan ko sa'yo?"

His hand clutched to his chest. "Hindi naman nila d-in-edeny! Nag-send nga 'tong si Lana sa'kin ng morning routine. Putanginang morning 'yan, alas tres ng hapon."

Humalakhak si Silas at sinuntok pa ang braso ng kaibigan. "S-in-end niya rin sa'yo 'yun? Buong video nakahiga lang sa kama. Tumayo lang para kumuha ng pagkain tsaka tapusin 'yung video."

Lalo lang pumeke 'yung ngiti ni Kieran kay Silas na ikinatuwa lang ng isa. "Oh, tapos na, wala na. Hindi naman kasi tungkol sa'yo 'tong usapan."

"Tungkol ba sa'yo?"

He ignored his best friend, focusing his attention entirely on Sidonio. "E bakit nga kasi si Silas, pogi? Anong meron siya na wala ako? Bakit hindi ako? Anong kailangan kong gawin para maging si Silas? May mali ba sa'kin? Pangit ba ako? Hindi ba ako masyadong mabait? Ano ba ang mga naging pagkukulang ko?"

Sidonio let out an exasperated sigh. Pinaglipat niya ang tingin niya sa dalawang nasa harapan niya na simula kanina ay 'di na siya tinantanan.

"Silas is more ready. Wala rin siyang problema magkaroon ng anak kaya wala akong nakitang mali na sa kanya ipaalaga mga anak ko."

"Wala rin na—"

"Kieran, bago ka ba nagdedesisyon diyan, kinausap mo na si Darya tungkol dito? Pumayag ba muna siya? Sigurado ka na bang handa kayong dalawa kupkupin mga anak ko?"

"Oh, 'di ba? Tukmol e. Desisyon ka kasi agad."

"Hindi naman kasi 'yun ang punto nito. Gusto ko lang talaga malaman kung sino. Kung darating man 'yung araw na 'yun, nakapag-usap na kami ni Darya tungkol diyan."

Sid shrugged his shoulders coolly, unbothered by his unneeded explanation.

"Inisip ko na 'to dati pa. Si Silas talaga ang sagot ko. Walang balak magkaroon ng partner kaya hindi ko na iisipin kung magiging sagabal ang mga anak ko sa buhay niya. Mas handa, nasa pamilya namin—"

"Hindi pa ba ako parte ng pamilya niyo? Sa tagal kong involved sa inyo?"

"I don't want my children to hold you down," Sid stated seriously.

The atmosphere dwindled with his words. Kieran slumped on the chair and sighed. On the other hand, Silas put his lips into a thin line and nodded slowly in agreement.

"Hindi 'yan mangyayari."

"Sinasabi mo 'yan pero kilala kita."

Sid leaned forward a little to Kieran' direction and patted his back in encouragement.

"'Wag mo 'kong masamain. Para sa'yo rin 'to. Kung ano 'yung mayroon kayo ni Darya ngayon, panghawakan mo. Hindi ko 'yan kukunin sa inyo."

Silas cleared his throat. "Hindi naman kasi ibig sabihin nun hindi mo na makikita sila Naia e. Bukas pa rin naman pintuan namin para sa'yo."

"Ang drama nitong mga 'to oh. Hindi kaya ako nalulungkot. Nagdidiwang ako ngayon kasi hay, salamat! Hindi ko na iisipin kung paano 'yung future ng dalawang 'yun. Hindi na ako liable," he retaliated with fake pride and courage.

"On paper lang ako guardian nila pero ikaw pa rin kikilalaning tito ng mga 'yun," Silas consoled.

"Sila na kasama natin mag-Mary Grace, no?"

"Tinatanggal mo na ako agad," Sid laughed, shaking his head as he leaned his back again on the chair. "Sino sa inyo magbabayad ng kakainin ng dalawang 'yun doon?"

Both with widened eyes, Kieran and Silas stared at each other, challenging the other to speak up and take the responsibility.

Still leveling with Silas' stare, Kieran spoke up, "A-Ah! Malamang si Silas. Siya na 'tong bahala sa kanila, 'di ba?"

"Akala ko ba ikaw 'yung may financial stability? Hindi mo na shoulder 'yun?"

"Hindi ganoon 'yun... Hindi naman ako 'yung guardian nila e. Voluntary lang dapat 'yung tulong ko at hindi sapilitan."

"Hindi ba voluntary sa'yo na bayaran 'yung pinagkainan ng mga pamangkin mo? Nasaan na ang pagmamahal mo?"

"Hindi 'yan ang basehan ng pagmamahal ah! Alam mo kung ano? 'Yung pagpapakita ko sa kanila, 'yung pagpaparamdam ko sa kanila na nandito lang ako para sa kanila kahit anong kagaguhan gawin nila sa buhay nila."

Dismayed yet humored, Sid just shook his head. "Tanginang mga kuripot. Maling desisyon na ipaalaga sa inyo mga anak ko e." 

Untamed RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon