03: ephemeral

4.7K 159 270
                                    

MAEVE

"Good morning, starshine. The earth says hello!"


I held my chest in shock when Gwyn's face suddenly appeared right in front of me as soon as I opened the door to our shared apartment. My heart dropped. I was expecting her not to be home or was hoping that I'd be home before her. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong lagay dahil paniguradong sandamakmak na pang-aasar ang matatanggap ko at hinding-hindi niya ako tatantanan hanggang sa huling hininga ko.


My cheeks reddened when she gave me a slow clap after assessing my unkempt state. She had a proud look on her face and was even nodding her head. "Grabe! Totoo nga ang Diyos!"


Napalunok ako. "Pinagsasabi mo?"


"Ano pa ba? Eh 'di 'yang pagsuko mo ng perlas ng silanganan." Ngumisi siya. 


"W-what even gave you that impression?" Tumaas ang isang kilay ko, nanghahamon. Kunwari matapang ako.


"Alangan namang mag-kunwari akong hindi ko nakikita 'yang leeg mong tadtad ng chikinini? Umamin ka nga sa 'kin, lamok ba 'yong naka-jugjugan mo kagabi at nilantakan ka nang ganiyan?" Nakapamewang na saad niya.


Nagsalubong ang mga kilay ni Gwyn at lumapit sa 'kin para hawiin ang buhok ko sa gilid. Napasinghap naman siya nang malala at napatakip ng bibig sa gulat nang masuri ako nang maayos. 


"Homayghad! At may marka pa nga ng mga daliri! Ano? Chinoke mo sarili mo ganoon? Kung may problema ka nadadaan naman 'yan sa usapan! Look at me, Maeve, this isn't you!" 


"Ano ba, Gwyn!" I swatted her hand away and quickly covered my neck using my hair again.


"Tanggap kita kahit may choking kink ka, mare. All kinks are valid kaya! Hashtag kink lives matter! Hula ko..." Tinuro niya ako. "May praise kink ka rin siguro, 'no? Tama ako? Tama ako! Sabi na, eh. Ganiyan talaga pag atat sa academic validation noon. Nagiging praise kink. Nakapag-survey na 'ko diyan, eh." Sabi niya, proud pa.


Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo bago umiling at napagpasyahang hindi na lang siya pansinin pero ayaw pa rin talaga niyang magpaawat!


"So, kumusta naman? Masarap ba? Magaling ba 'yong nakauna sa 'yo? Ano? Sagot! I-celebrate natin 'to mamaya. Maeve's slutty era!" Sunod-sunod na talak niya.


"Gwyn, please. Masyado pang maaga para diyan sa kadaldalan mo." I massaged my temples. Pakiramdam ko nahihilo ako sa sobrang ingay niya. Ilang baso ng kape kaya ang nilaklak nito?


"Ay? May curfew na ba ang pagsasalita ngayon? Dapat ba mamayang tanghali na ako mag-ingay? O baka naman mamayang hapon. O baka mamayang gabi. O kaya naman bukas at sa susunod na bukas at matapos ang susunod na bukas..."


Mula sa living room ay sinundan pa ako ni Gwyn papuntang kwarto hanggang sa makakuha na ako ng towel para maligo ngunit hindi pa rin siya tapos! Nakapasok na ako sa banyo't lahat lahat pero naririnig ko pa rin siyang dumadaldal mag-isa sa labas na kesyo proud na proud daw siya sa akin at kailangan talaga naming mag-celebrate dahil ang buong akala niya raw talaga ay mamamatay akong virgin. At heto pa, pinagdasal niya pa raw talagang madiligan ako. Nakakainis!

INTOXICATED (GxG)Where stories live. Discover now