Chapter 11
FREYA
Ang bigat ng katawan ko at halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Idagdag pa ang pakiramdam na parang pinipiga ang ulo ko.
Buti nalang, ang sarap pang mahiga sa napaka lambot na kama, makapal na kumot at malamig na aircon. Idagdag pa ang mabangong amoy na pamilyar at gustong gusto na yata ng sistema ko.
Oh wait lang. Wala naman kaming aircon? Hindi rin makapal na comforter ang gamit naming pang kumot.
Napamulat ako ng mata at napatingin sa buong paligid. Nasa gitna ako ng napaka lambot na kama, na nasa gitna ng napaka gandang kwarto.
Where am I?
Pag tingin ko sa sarili ko, nakasuot naman ako ng tshirt, wala akong suot na bra pero may suot naman akong panty at maiksing shorts.
Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Teka, ang alam ko, nandun kami sa kasal ni Zep. Ang kasama ko ay si Amber. Tapos, uminom kami ng wine. At doon na nagsimulang umikot ang mundo ko, pero infairness, ang sarap sa pakiramdam kagabi, tanda ko bukod sa tawa kami ng tawa ni Amber, nag swimming din kame. Yun lang ang huli kong natatandaan.
What happened after that? Wala na, blurry na ang mga pangyayari sa isip ko. Teka, anong oras na ba? I looked at the clock, it's 9 am.
Iginala ko ang paningin sa paligid, searching for Amber dahil ito ang huling kasama ko kahapon. Walang tao sa paligid pero napansin ko na merong balcony ang kwartong ito na nahaharangan ng kurtina.
And there I saw Lake, nakataas ang paa sa isang coffee table. Nakasuot sya ng robe, pero ang ikinakunot ng noo ko ang ang hawak nyang sigarilyo sa kamay. Ang alam ko, hindi sya gumagamit nito.
"Lawa?" Agaw ko sa atensyon nya. Napatingin sya sakin at bahagyang napangiti.
She put the cigarette sa ashtray kahit hindi pa naman ubos yoon.
"Good morning." Ang ganda ng ngiting isinalubong nya sakin. Parang ang ganda ng kanyang mood.
"Naninigarilyo ka?"
"No! Ngayon lang naman yan." Mariing tanggi nya at napatingin pa sa ashtray. Pasimple din nyang inamoy ang kanyang sarili. Worried na baka amoy usok sya. Knowing her, alam kong gusto nyang palagi syang mabango at malinis.
Pinaupo nya ako sa upuan na nandun na balcony. Now I realized na nandito pa kame ngayon sa hotel na pinag dausan ng kasal ni Zep.
"How are you feeling?" She asked habang may tinatawagan sa phone nya.
"Ayos naman."
Narinig ko syang nag order ng breakfast gamit ang fone nya, ipadeliver nalang daw dito sa room.
"Where is Amber? Di ba sya yung kasama ko kagabi?" I asked her.
Mariin lang nya akong tinignan with matching taas ng isang kilay at mabilis din nya itong binawi at tumingin ulit sa phone nya.
"Why are you so fond of her?" She asked. At bago pa ako makasagot, nagsalita na ulit sya. "Never mind." She said. "Anyway, starting this Monday, you'll be working with me na Freya."
Nagulat ako. Hindi yun tanong, kundi more on utos.
"Ha? Nag apply ba ako sayo?" I asked.
"Yep."
"Kelan?"
Her eyebrows frowned. "Kagabi? Wala kang natatandaan?"
Kagabi? Teka, ayaw nga nya ako halos kausapin eh. Paanong?
BINABASA MO ANG
Lake (Gxg) (Completed)
Chick-LitThis is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload it for the sake ng mga nag aabang at nag rerequest. Might delete it again after a while. Before you read my story 'Artemis', please, ito mu...