Chapter 12
FREYA
"Alice, juice nga please!"
Alam kong may ginagawang assignment ang kapatid ko pero sinadya ko syang utusan. Kanina pa kasi sya ngisi ng ngisi hawak ang phone nya habang kumakain ng pizza.
"Ate..."
"Sige na, masakit ang paa ko." Hinihilot ko ang paa ko dahil ginawa akong alalay ni Lake kanina. Bago nya ako ihatid ng bahay ay dumaan kami sa mall. Namili sya ng kung ano anong damit na hindi rin naman pala para sa kanya, kundi para sa akin. Gagamitin ko daw iyon pag pumasok na ako sa trabahong binigay nya, at base sa mga damit na iyon, mukhang gagawin nya akong office girl.
Ang totoo ay tumanggi naman ako, pati sa mga damit ay ayoko na ring tanggapin pero ang gago ba naman, ilalagay nya talaga yun sa malaking basurahan sa mall kaya tinanggap ko nalang din.
Nakanguso man ay pinaghanda pa rin ako ni Alice ng juice at tumabi sakin sa maliit naming sala. Hawak nya pa rin ang phone nya at isang slice ng pizza.
"Ate, kamusta kayo ni ate Lake?" Pagkuway tanong nya.
"Ayos lang." Tipid kong sagot.
Ang totoo, gusto kong ikwento sa kanya na nitong huling kasama ko si Lake, mas naging sweet sya kesa dati. Parang may kung anong nagbago na hindi ko mapin point kung ano.
"Ayos lang? Wala bang progress manlang?"
"Alice, gusto mo bang maging bakla ako ng tuluyan? Bat ba push ka ng push kay Lake? Di mo ba alam na babaera yon, walang siniseryoso at isa lang syang malaking sakit ng ulo?"
Obviously, Alice likes Lake for me. Baka nga mas madalas pa silang magkatext kesa samin ni Lawa.
"Ate, asumera ka talaga. Kung ayaw mo kay ate Lake, pwede bang akin nalang--"
"Alice! Bat ang landi mo ha? Yan ang wag na wag mong gagawin dahil kakalbuhin talaga kita."
Ngumisi si Alice. Nasa phone pa rin nya ang atensyon nya. "Jealous much ate?"
"Anong jealous? 17 ka palang, malamang di ka pa pwedeng lumandi. Hindi dahil nagseselos ako no."
But she seem not convinced. "Defensive. Sige pag 18 na ako, pwede ko na bang i-date--"
"No! Wag si Lake please. Iba nalang, pero wag sya."
Ngumiti lang sya sakin. Medyo nakataas pa ang kanyang isang kilay. "Why ate? Dapat ba sayo lang sya?"
Ibinuka ko ang aking bibig para sagutin sya pero bigla akong natigilan. Bakit ba kasi gusto kong sagutin sya ng oo, pero alam ko naman na hinding hindi mapapasakin ang isang katulad nya.
Para syang kape, paborito ng lahat. Masarap, matamis, pero mapait. At kahit anong iwas mo para hindi ka maaadict sa masarap nyang lasa, hahanap hanapin mo pa rin. At tulad sa kape, kahit gustuhin ko man na ako lang ang tumikim sa kanya, tulad ng sabi ko, paborito sya ng lahat.
Tulad kanina sa mall, may tatlong babaeng lumapit sa kanya sa magkakaibang pagkakataon. Kilala si Lake. Kilalang womanizer. At hindi sya pinanganak para mag seryoso sa iisang tao, let alone, sa tulad kong mahirap, simple at hindi ka-level ng mga babaeng nakukuha nya.
"Mag aral ka na nga Alice." Pag dismissed ko sa topic. Wala naman kasing dapat isipin kung si Lake ang pag uusapan. Ayoko na pinupush kami nung kapatid ko. Siguro ay bata pa nga sya, naniniwala sa fairy tales. Hindi nya alam, walang ganon sa totoong buhay.
Kaya nga kami namumuhay na kaming dalawa lang. Iniwan ni papa si mama nung bata pa kami. Si mama naman, nag abroad lang, hindi na nagparamdam. May nakapag sabi samin na sumama na daw ito sa ibang lalake. Kaya mula noon, hindi ko na sya hinanap. Ako na ang nagtaguyod sa aming dalawang magkapatid. Hoping someday makaahon din kami sa hirap, with pride and honor. Dahil hinding hindi ko gagawin ang style ng iba na ibebenta ang sarili o maghahanap ng mayaman na mapapangasawa. Ipinangako ko sa sarili ko, na kung darating ang araw na makakaharap ko ang magulang naming nambalewala, may maipagmamalaki ako na naitaguyod ko si Alice sa marangal na paraan.
BINABASA MO ANG
Lake (Gxg) (Completed)
ChickLitThis is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload it for the sake ng mga nag aabang at nag rerequest. Might delete it again after a while. Before you read my story 'Artemis', please, ito mu...