LILLIAN
______________________Nabigla ako nang suntukin ni Arvin itong si Jake na bigla bigla nalang sumusulpot out of nowhere...
Nang makita ko ang pumutok nitong labi ay may halong pagkakonsensya at pag aalala ang naramdaman ko... Pano ba namang hindi! eh bigla lang naman siya nadamay sa alitan namin nito ni Arvin tapos nasuntok pa!
Nabigla nalang ako ng bigla itong ngumiti at nangamusta, di mo alam kung may saltik ba to or ano!
Nasuntok na nga at lahat tapos nagawa pa mangamusta, nung susuntukin muli ito ni Arvin ay sinalag na nito ang kamao nito bago pa ulit dumampi sa muka niya habang ang atensyon nito ay nasa akin
"Pre, sinasabi ko sayo... tigilan mo na yan" sambit nito habang unti unting nagbabago ang expression ng muka nito mula sa pag ngiti hanggang sa murder intent na expression... May halong takot at kaba ang naramdaman ko sa mga titig nito kay Arvin kaya ako napaatras ng bahagya papalayo kay Jake pero bigla nalang itong ngumiti ng maliwanag at humarap sa akin
"Tara?" Sambit nito habang nakangiti pa ding nakaharap sa akin
"ANONG TARA?! KAANO ANO MO BA ANG JOWA KO! AT NAKIKIALAM KA" pasigaw na sambit ni Arvin
"Kapatid niya bakit?!" Nabigla ako sa sagot ni Jake kaya ako napatingin dito. Anong kapatid? Sinasabi nito?
"Hindi mo alam na may kapatid siya? Kasi hindi ka naman importante tapos sinuntok mo pako?! HA! Hinding hindi kita tatanggapin sa pamilya namin" dugtong pa nito, anong kapatid? Jusko anong pumasok sa utak nito kailangan ko din ba magpanggap na kapatid nito? Ah basta bahala na!
"Kuya ayako na dito!" Pag papanggap ko rin habang dali dali akong humawak sa braso ni Jake, at unti unti ko nang napapansing nagbabago ang expression sa mga muka ni Arvin na mukhang naputulan ng buntot
"Ay ganon po ba? Pasensya na po" sambit nito na may halong pagsisisi
"Jowa mo ba talaga ito?" Sambit ni Jake habang umaacting pa din, seryoso ba siya?
"Hindi kuya" sagot ko naman dito... umalis kana Arvin! Parang awa mo na diko na kaya pigilan ang tawa ko sa mga nangyayare
"Hindi ka naman pala jowa eh__ atsaka mga gwapo lang pinipili ng kapatid ko! Kung gusto mo yung kapatid ko dapat ganitong mukha muna ang ipapakita mo sa akin" pagturo nito sa sarili niya habang patuloy na hinahamon si Arvin... Hinila ko na ito papalapit sa akin para tumigil na siya tsaka binulungan ito
"T-tama na please... n-natatawa na ko hayaan mo nang umalis" bulong ko dito habang nagpipigil ng tawa
"Tara na nga Lillian!" Huling sambit ni Jake bago pa ko hilahin nito paalis habang naiwang confused ang mukha nitong si Arvin
◇
"BWUAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" nung makalayo kami sa lugar ng pinangyarihan ay di ko na napigilang hindi mailabas ang tawa ko habang sumasabay din nang tawa si Jake sa akin
"H-hindi ko talaga maintindihan kung anong ngyare hahahaa" sambit ko dito habang lumuluha na sa kakatawa
"Hahahaha, teka ano namang naisip mo at sinabi mong kapatid kita? Hahahaha LT yung part na yung kahalikan ko lang 5 days ago bigla kong naging kapatid jusko" dagdag ko pa dito
"Hahahaha, di ko din alam yung sasabihin bigla nalang lumabas sa bibig kong kapatid kita! Hahaha! Effective naman naiwan siyang tameme hahaha!" Sambit din nito habang patuloy pa din sa pag tawa
YOU ARE READING
I Don't Wanna Be With You Again
General FictionLillian, a girl who remembers her past life and the gruesome end of it. When she met the person who caused her death at the present time -where does her fate lead to?