Alexander
_____________________"Wag!" Nagising ako nang may luha sa aking mukha nang mapansin kong mag isa pa din ako sa dorm at wala pa din sila Daniel at Jake
"Haixt" na pa buntong hininga nalang ako habang iniisip ang mga huling senaryo sa panaginip ko
Si Lillian na hawak hawak ko sa aking mga kamay na may luha sa kanyang mga mata bago ito lagutan ng hininga...
Actually bago pa ang lahat ay napapanaginipan ko na ang isang babae na tila ay may maigting na koneksyon sa akin, ramdam ko lang na sobrang importante niya sa akin at kailangan ko siya protektahan. Nang isang araw nakita ko siya... eto na ata yung sinasabi nilang, woman of my dreams na literal.
Sa panaginip ko, si Lillian yung nag iisang tao na nakakapagpatigil ng mundo ko. Bawat ngiti niya, bawat pagtingin at bawat pag hinga niya ay alam ko, hindi ko maintindihan kung ano tong nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya sa panaginip, nang isang araw ay bigla nalang siya lumitaw sa harap ko.
Ilang araw kong inisip at hinanap sa social media si Lillian pero bigo ako, pero atleast diba? Nalaman ko yung pangalan niya. Pero mas lalo umigting sa akin ang curiosity, bakit nga ba siya lumilitaw sa panaginip ko? Na tila ay hindi lang isang panaginip ang lahat bagkus ay isang pangyayari mula sa nakaraan.
Lumabas muna ako para magpahangin nang bigla kong mapansin ang papauwi nang si Daniel
"Hoy" tawag ko dito habang ito ay patuloy pa rin sa pag lalakad
"Daniel" tawag ko ulit dito sa pangalawang beses at ito ay lumingon din naman
"Oh! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito
"Nagpapahangin?" Sagot ko naman dito
"Ano pa nga ba? Haha" sambit naman nito at sumunod na din sa akin papasok sa 7 11
"Oh teka bibili ka nan?" Tanong sa akin ni Daniel
"Oo bakit? Gusto mo din?" Tanong ko dito habang itinaas ko ang soju
"Ayoko! Teka ikaw nag ubos ng stock ni Jake na soju sa ref?" Tanong nito sa akin ngumiti lang ako dito at tumungo na sa counter para magbayad
"Hoy! Patay ka kay Jake hahaha tinutubig pa naman non yung soju hahaha kaya pala nag hahanap siya sakin kanina"
"Eto na oh dalawa na binili ko pampalit hahaha" itinaas ko ang dalawang bote na nakuha ko ng may tumawag sa amin ni Daniel
Paglingon ko ay nakita ko si Jake na abot langit ang ngiti na kumakaway papalapit sa amin at sa tabi nito ay si Lillian (Please play the music for more feels uwu)
Napatitig na naman ako dito na parang nagayuma na naman, yung feeling na para akong paulit ulit pinapana"Oh! Jake! At si..." sambit ni Daniel
"Nice meeting you_ again?" sambit ni Lillian habang ineextend nito ang kamay para makipagkamay kay Daniel pagkatapos ay napatingin ito sa akin at ngumiti habang ako naman ay unconciously na napalunok
"Hoy, Alex isara mo bibig mo baka pasukan na ng langaw kanina ka pa nakanganga... masyado kang halata" pabulong na sambit ni Daniel habang sinisiko ako
Bumalik ako sa katinuan matapos ko marinig ang bulong ni Daniel at ngumiti ding pabalik kay Lillian
"Magkasama kayo ni Jake?" Tanong ko naman dito habang tumungo ang tingin sa akin ni Daniel at Jake
"Ah! May biglaan lang kasing nangyari kailangan ko magpasama kay Jake... pero mukhang okay na din naman hehe" sambit nito habang palipat lipat ang tingin ng mga mata nito
"Anong ngyare?" Tanong ni Daniel habang nakatingin kay Jake na tila ay nagbabakasakaling makakuha ng sagot dito
"Ahh... basta" sagot naman ni Jake
"Ahh..." sagot ko din naman habang si Daniel ay malungkot na nakatingin sa akin
"Ahh sige uuwi na ko hehe, mukang nakaabala nako sa inyo" sambit ni Lillian... kailangan ko magsalita baka pagsisihan ko na naman, madami akong gustong itanong pero parang napaparalyzed itong bibig ko kada magsasalita ako
"H-hatid ka namin" mahina kong sambit ngunit narinig ito ni Daniel
"Hatid ka na namin" malakas na sambit ni Daniel habang nakangiti
"Oo nga, baka sundan ka pa ulit nung stalker mo" pagsang-ayon din naman ni Jake
"Stalker?" Gulat kong tanong at napatingin din naman si Daniel kay Lillian
"Ahhhh! Kaya kayo magkasama ni Jake! He he" Malakas na sambit ni Daniel
"Oo... kanina pa sinusundan si Lillian nagpanggap na nga akong kapatid niya kaso ayaw pa din tumigil" dagdag pa ni Jake parang tanga naman akong napangiti sa mga nalaman ko
"Bayaran lang namin tong bibilhin namin tapos tara na" sambit ko naman
"Woahh! Lasinggero ka na ngayon Alex!" Pabirong sambit ni Jake
"Wag na ok na ko hehe, mukhang hindi na naman ako sinusundan... siya nga pala salamat Jake uuna na ak_" napatigil sa pagsasalita si Lillian nang mapatingin ito sa kakapasok lang na customer at umaktong nagtago ito kay Jake lahat kami ay napatingin dito
"Anjan ulit?" Pabulong na tanong ni Jake dito... tumungo naman ito habang nakayuko pa din upang hindi siya makita nang bigla akong hablutin ni Jake sa jacket at hinila akong papalapit sa kanilang dalawa
"Alex magpanggap ka na boyfriend ni Lillian..." pabulong na sambit ni Jake sa akin napatingala naman si Lillian sa aming dalawa
"T-teka! Hindi niyo ba ko isasali sa bulungan ninyo?" Sambit ni Daniel habang ito naman ay lumapit sa aming tatlo habang si Lillian ay napalibutan na naming tatlo
"O baka gusto mo si Daniel ang magpanggap?" Pabulong ulit na sambit ni Jake habang si Lillian ay nakatingala pa din sa aming tatlo na nakapalibot sakanya habang nakataas ang kilay nito
"Ako? Anong gagawin ko?" Nakangiting pabulong ni Daniel nang biglang mapa aray si Jake at napahawak ito sa tyan niya
"Hoy ano Jake! Desisyon ka? Trip niyo talagang tatlo mag role play?" Pabulong na sambit ni Lillian habang nakatingala pa din ito sa aming tatlo nang mapansin kong nakatingin sa amin ng masama yung stalker ni Lillian
"Ano? Wala ka namang no choice! Ang alam ng stalker mo kuya mo ko" pabulong na sambit ni Jake kay Lillian
"Eh ako anong role ko?" Tanong ni Daniel habang nakangiti pa din... feeling siguro nito naglalaro kami
"Wala ba kong say dito?" Tanong ni Lillian habang naiipit pa din sa aming tatlo
"Sige pili ka, hindi ka tatantanan ng stalker mo or magkakaroon ka ng kunyareng boyfriend para tigilan ka na niya?" Maigting na sagot ni Jake hindi sumagot si Lillian pero masama ang tingin nito kay Jake habang nakatingala pa din, abnormal bako kung sa mga panahong ito nacucutean pa din ako kay Lillian? Ano ba Alexander!
"Sige... kung okay lang kay Lillian" sambit ko habang naka yuko para kunin ang pag sang-ayon nito
"Eh ako anong role ko?" Walang tigil na sambit pa din ni Daniel...
YOU ARE READING
I Don't Wanna Be With You Again
قصص عامةLillian, a girl who remembers her past life and the gruesome end of it. When she met the person who caused her death at the present time -where does her fate lead to?