Jake______________________
"Bro! Mukhang basted ka kay Lillian ah hahaha" pagbibirong sambit ni Daniel
"Ikaw kasi! Bigla bigla ka nalang sumusulpot" pagsiko ko dito na siya namang na pa aray at napahawak sa kanyang tyan
"Awts yung abs ko! Ayaw mo nalang aminin na nawawala na yung alindog mo sa mga girls" Hindi ko na pinansin ang pag angal nito... Nang mapansin kong si Alex na nakatulala pa din sa mga taong nagsasayawan kung saan nawala si Lillian. Ngayon ko lang nakita tong ganito, usually kapag nagpupunta kami dito sa bar wala siyang pakialam sa mga babae kahit sila pa ang lumalapit sakanya, he seemed so smitten by Lillian I mean who wouldn't be? I'd only share a little bit intimacy with her but I could still feel my heart nearly exploding... Anyway wala namang bago... ganito din naman sa iba kong nakahooked up before
"Alex! Tama na yung pagsilay mo jan wala na si Lillian nakaalis na! sayang di natin nakuha yung number hehe" sambit ko kay Alex habang ito naman ay tila nagising sa pagkakatulala habang si Daniel naman ay napatingin din dito kay Alex
"Huh? Di naman ako nakatingin" sambit ni Alex
Tinapik ni Daniel ang balikat nito habang sinisiko at nakatingin ito sa akin
"Ano?" Pabulong kong sambit dito habang ito naman ay lumapit sa akin na tila ay may ibubulong
"Anong gagawin mo dito kay Alex mukang nagkagusto na talaga kay Lillian ano bang relasyon nyo nun? At naabutan pa namin kayong naghahalikan?" Pabulong na sambit ni Daniel
Ano nga bang relasyon ko kay Lillian? Di ko na din alam, nilapitan ko lang naman siya habang wala sila dahil narinig kong pinag-uusapan siya ng mga lalaki sa likuran ko. Narinig ko lang naman na balak nilang pagpustahan si Lillian at balak pagsamantalahan, kaya pinuntahan ko ito. Tapos bigla nalang niya kong hinalikan at syempre hindi na din ako pumalag kasi masarap naman din talaga pero hanggang don lang naman yung relasyon naming dalawa... casual lang medyo nabigla lang ako at siya ang unang nag first move
Napansin ko na ding may kahalikan siya na nauna sa akin kaso bigla nalang siyang sinampal nung babaeng kasama nung lalaking kahalikan niya kaya ramdam ko na talagang walalang ang lahat
"Haixt, wala naman nangyare basta nalang niya ko hinalikan at wala ng kasunod doon" sambit ko kay Daniel
"Talaga?" Ang singkit na mata ni Alex ay biglang nanlaki at tila ay kumikislap pa ng sumingit ito sa usapan namin Daniel
"Oo, talaga haha" pagtawang sambit ko dito
"P-pero bakit nakita namin?" Sambit pa ulit nito
"Things happens... narinig kong pinag uusapan siya ng grupo ng mga lalaki na nakapwesto sa likod ng pwesto naten kanina kaya pumagitna ako para di siya mapaano kaso bigla niya kong hinalikan"
"Ahh..."
"Kung ako sayo Alex sumuko ka na, mukang lalakero yung si Lillian bigla bigla na nga lang hinalikan itong si Jake" sambit naman ni Daniel
"Tingin ko din Alex baka masaktan kalang sa kanya" sambit ko naman dito. Parang mag kakapatid na kaming tatlo kaya ayokong masasaktan sila lalong lalo na si Alex, napakainosente pa naman nito at napaka pure ng hangarin para sa lahat... kahit sabay sabay kaming tatlong gumagawa ng kalokohan masyado pa rin talagang mabait itong si Alex kaya hindi ko talaga hahayaang masaktan ito
"Tara na nga umuwi" sambit ko kay Daniel at Alex
"Di kana makikipag hook up?" Pabirong sambit ni Daniel
YOU ARE READING
I Don't Wanna Be With You Again
Ficción GeneralLillian, a girl who remembers her past life and the gruesome end of it. When she met the person who caused her death at the present time -where does her fate lead to?