"Hello?" I greeted.
"Hello, good day po." bati pabalik sa akin ng tao sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko, iniisip kung may kakilala ko ba ang kausap ko ngayon sa cellphone.
Base sa boses niya ay babae ito at hindi nalalayo ang edad sa akin. Siguro nga mas bata pa sa akin. Her voice has this youthfulness that really screamed, "I am still young!"
"Nandiyan po ba si Miss Celeste Argon?"
Nagtataka akong tumango. "Yes po, you're talking to her."
Sandaling tumahimik ang kabilang linya bago nagbitaw ng mga salitang nagpatigil sa akin.
"Good day po. Ako po si Geraldine, ako po ang president ng Zhu Compound. Kanina pong umaga, natagpuan pong walang malay si Serena Argon. Agad naman po naman namin siyang dinala sa hospital ngunit, pagdating daw doon ay huli na ang lahat."
Nanlaki ang mata ko sa balitang natanggap ko.
"Patay na po siya."
Si ate? Namatay?
"Kapatid ka po niya diba?"
"Y-yes po." utal kong sagot, hindi pa rin makapaniwala na wala na ang ate ko.
Hindi naman talaga kami close ni ate. Hindi nga talaga kami totoong magkapatid eh. Stepsisters, yeah, yun ang relasyon namin sa isat isa.
Hindi namin mahal ang isa isa pero sakto lang na magbatian tuwing nagkikita kami. Siguro mas lumala ang samahan namin nang magustuhan ako ng boyfriend niya.
Yes, that dickhead. It's all that fucking dickhead's fault.
Walang amor ba namang sinabi na ako ang gusto niya sa harap ng pamilya niya at pamilya namin.
Gago ampucha eh.
Dahil doon, na depress sa ate at nagsimula na magbago ang ugali niya.
Una salita lang naman. Kesyo hindi daw ako mahal ng mga magulang ko kaya sila naghiwalay at kung kaya pinakasalan ni papa ang mama niya. Wala daw akong kwentaang anak, mga ganon.
Wala naman akong choice kundi tanggapin ang lahat ng mga sinasabi niya, kasi, bata pa lang ako nun at wala akong laban sa kaniya.
Isa pa, yung boyfriend niya lang naman ang may gusto sa akin. Ayaw ko naman sa boyfriend niya. Pwe, ang pangit niya kaya. Tapos ilang taon ang tanda sa akin? What the hell, pedo.
"Po? Si ate?"
"I'm sorry for your loss miss Celeste."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita at tumingala.
Kahit kasi ay hindi kami close ni ate, ay parte pa rin siya ng buhay ko kaya hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko man siya mapatawad sa mga nagawa niya sa akin, pero kahit papaano, bago sana siya mamaalam ay nagka usap muna kami at nagkaroon ng closure para masabi ko ang lahat ng gusto ko. Malay nya, baka mapatawad ko siya pag humingi siya ng tawad.
Sayang talaga....
Pasimple kong pinalis ang luha na namumuo sa mata ko sa pamamagitan ng pagpipikit pikit.
"Thats okay..." I said bitterly. "Lahat naman daraan sa ganyan, hindi lang natin alam kung kailan." I said meaningfully before glancing at Kate.
Naka tayo siya sa harap ko habang hawak hawak ang baso ng kape na ipinatimpla ko s akaniya.
She looks confuse and worried.
She mouthed, 'Are you okay?'
I nodded and gave her a thumbs up.
YOU ARE READING
The Hapless Lady's Instant Family
RomanceYung tipong isang araw, habang namamahinga si Celeste sa trabaho, umiiinom ng kape, at chill chill lang ay may biglang tumawag sa kanya, nagsasabi na patay na raw ang kapatid mo. So... wala siyang choice kundi ang umuwi pabalik ng Pilipinas para asi...