JUSTIN POV:
It's been a month nung na aksidente si Stell pero ok na sya ngayon. At kaming dalwa ni Ken palagi na lang syang busy..nagtataka na rin ako kasi napapadalas na yung pagka busy nya ni wala na kaming oras sa isa't-isa.
Uwian na kaya agad kong niligpit ang mga gamit ko. Pagdating ko ng parking lot ay nakita ko si Ken na papalapit sakin. "Love di muna kita mahahatid ngayon may aasikasuhin pa kasi ako"saad nya nanaman!!
"Nanaman?"takang saad ko taka nya rin akong tiningnan. "Love mag aaway nanaman ba tayo?"saad nya.
"Ken..hindi ba pwedeng kahit ngayon lang bigyan mo naman ng oras yung para sating dalawa"saad ko. "Jah naririnig mo ba yang sinasabi mo?"saad nya. "Oo!! naririning ko siaasabi ko...Ken parati na lang tayong ganto kung wala kang emergency may tatapusin ka kung wala kang tatapusin may meeting ka...ganyan na lang araw araw eh isang beses lang tayo nagkaroon ng oras para sa isa't-isa"galit na saad ko.
"Ganyan kana ba talaga ka selfish?"galit na tanong nya. "Selfish na kung selfish pero araw araw na lang akong umaasa na sana magkaroon ka ng oras para sakin hindi puro na lang trabaho iniisip mo...Ken naiinggit na nga ako kay Bia kasi lagi mo syang kasama..sana ako na lang yung nasa sitwasyon nya..Ken halos mamalimos nako ng atensyon mo..gusto ko lang naman maramdaman yang pagmamahal mo..hindi ko alam kung boyfriend mo pa ba ako o hindi ko alam kung meron pa bang tayo o wala na"galit na saad ko at tuluyan ng lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Justin nagseselos kaba kay Bia?"tanong nya. "Oo nagseselos ako nagseselos ako sa bestfriend ko"saad ko.
"Jah wag mong bigyan ng malisya yun...secretary ko lang si Bia"galit na sigaw nya. "Yun na nga ih paano ko gagawin yun sa tuwing iniisip kong magkasama kayo nasasaktan ako...sana lang wag mong sayangin yung ibinigay kong second chance sayo noon...Ken nangako ka na dimo nako sasaktan na babawi ka....pero mali eh mas lalo mo kong sinaktan mas lalo kang nagkulang sakin"saad ko at umalis. Ang sakit sakit..sana tama akong binigyan kita ng pagkakataon..Ken.