𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 9

1K 30 0
                                    

ANNE (POV)

"Anne, mag iingat ka susunod kami ng daddy mo."tumango ako at agad na sumakay sa taxi.

Ng makasakay ako ay agad naman niya itong pinaharurot paalis. Ilang minuto ang byahe malapit narin maghapon kaya naman ay sinabihan ko ang driver na mag madali.

6pm ang flight ko papuntang Pilipinas, at masasabi kong matatagalan pa akong makarating roon siguro ay mga bukas pa ako makakarating sa Pilipinas.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa airport."Kuya may babae!!"sigaw ko ng biglang tatawid yung babae buti nalang ay may humawak sa kamay nito isang lalaking naka sumbrero napahawak ako sa dibdib at napailing.

Muntik nayun ah ng huminto ang taxi sa terminal 2 aya gad akong lumbas binayaran ko ito at pumasok na sa airport dala dala ang gamit ko.


GEO (POV)

Ng makalabas kami sa airport ay may nakita akong isang babae na papatawid nakita ko rin ang paparating na taxi kaya naman ay hinila ko ang babae.

"Oh my god, thank you..."usal nito tumango lang ako at inayos ang sumbrero tinignan ko ang taxi na hindi man lang huminto napapailing ako at tumingin sa likuran ko.

"Ang tagal mo naman."usal ko sa kapatid ko.

"Ikaw kaya magbuhat ng mga bagahe mo!"usal nito sabay irap.

Napapailing akong kinuha ang gamit ko sakaniya at tinulungan nalang siya. Actually sakin naman talaga ang mga gamit na dala niya.

Sakaniya ko lang pinahawak kasi gusto kong maglibot-libot sa loob ng airport kaso parang ang hirap kasi subrnag laki.

"Tara na nga, andyan na sila mommy at daddy oh."turo niya sa paparating na kotse.

Nakita ko naman si mommy na patakbong lumapit sakin.

"Buti at nakapunta Kana, ang tagal naming naghintay sayo."si mommy, nga namna tagal kong hindi nakita si mommy.

"Sorry mom, na busy lang."

"Ang panganay ko subrajg gwapo talaga, oh siya sige na may pupuntahan pa tayo mamaya kaya naman ay magmadali tayo, malapit naring gagabi."napatango ako at sumakay na nag usap pa kami ni daddy about sa trabaho ko nagkausap rin kami sa dapat gawin mamaya.

"Kaylangan mo lang siyang pakisamahan yung babae, kasi na fe-feel ko ang sungit nong babae kahit tahimik lang."usal ni daddy natawa naman ako at tumango.

"Oo nga, na feel ko rin yun, pero ang ganda niya."si mommy naman."nga may lahing Pilipino rin ang mga iyon yung daddy kasi nong babae ay kaibigan ng daddy mo matagal na nilang napagkasunduan na ikakasal ang panganay na anak nilang dalawa at nagkataon na ikaw ang pangnay at nag iisang anak naman nila ang papakasalan mo."napatango ulit ako.

Handa naba talaga akong magpakasal? Sa babaeng ngayon ko lang makikilala?


ANNE (POV)

Mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa apartment ni geo kahit na subrang gabi na alam ko naman kasi yung password ng unit niya. At talaga yun parin ang password niya.

Pero, pag pasok ko sa apartment niya ay wala siya, meron namang kunting gamit pero subrang liit ng ng gamit na nandito wala narin yung mga pictures namin na nakalagay sa pader.

Kinalimutan na nga niya talaga ako.

"Geo? Geo!"sigaw ko at pumasok sa kwarto niya pero nagtaka ako king bakit wala na ng gamit. Tinignan ko ang kabinet niya pero wala naring gamit.

Nasaan siya? Lumipat naba siya? Nasaan si geo?

"Geo?"maiiyak na ako dahil sa kaba subrnag pagod ko galing sa flight pero wala akong napala wala si geo, nasaan siya?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang number niya pero hindi na ito sumasagot. Nag change ba siya ng number?

Napakagat ako ng kuko ko at hindi mapakali.

Akma na sana akong aalis ng biglang may babaeng pumasok."ay ma'am sino po kayo?"usal nito.

"Ate nasaan po yung lalaking nakatira dito?"kinakabahan kong sabi.

"Ay, ma'am umalis na po kahapon pa, hindi po nagpaalam si sir kong saan siya pupunta pero ang sabi ay linisin ko lang daw po buwan yung apartment niya."napalunok ako.

"Buwan buwan?"ibig sabihin umalis nga siya."salamat po ate, nga pala po kaibigan po ako ng nakatira dito ako na po maglilinis."napatango naman ang babae at umalis na.

Napaupo ako sa sofa at hindi mapakali.

Umalis na siya, hindi na niya talaga ako mahal, kinalimutan niya na ako, tinupad niya ang sinabi niyang kalimutan kuna siya.

Napakagat labi ako at napaiyak nalang, sunod sunod ang iyak ko at naninikip ang dibdib ko. wala rin palang silbi ang pagpunta ko rito.


GEO (POV)

I'M preparing my clothes, gusto kong matawa kay mommy dahil siya pa talaga ang pumili ng susuotin ko.

"Ma, kaya ko naman."usal ko kay mommy.

"No, dapat ay gwapo ka pag nakita mo ang babaeng mamahalin muna."napatawa ako.

Iniwan nga ako ng babaeng mahal ko.

Napailing ako at agad na isinuot ang damit.

"Handsome, ang gwapo talaga ng anak ko."agad na kinurot ni mommy ang pisngi ko.

"Mom, stop baka pumangit ako."tumawa lang ito at inayos narin ang sout niyang damit tapos na kasi silang mag ayos ako lang yung hindi.

"So, let's go."usal ni daddy.

Agad na kaming lumabas sa kwarto, si mommy at ang isa kong kapatid na lalaki ay sumabay na kaya naman ay sumakay ako sa isang kotse ni daddy ako na nag maniho kasama ang isa kong kapatid na babae.

Nakasunod lang kami hanggang sa makarating kami sa hotel. Nauna na sila mommy habang ako naman ay tumigil muna para mag order, sinabnayan narin ako ng dalawa kong kapatid.

"Ito kaya kuya masarap ?."napatangin ako sa itinuturo ng kapatid kong lalaki maliit lang na putahe pero siguro ay masarap nga yun.

"Order'mo lang sila mommy na ang bahala."napatawa naman ito at nag order matapos nilang mag order ay ako naman ang pumili napalingon ako sa gawi nila mommy nakatalikod sa akin ang dalawang mag asawa kaya hindi ko kita ang mukha ng mga ito.

Sa pananamit nila ay masasabi kong kapareho lang namin sila. May kaya.

Lalapit na ako ng bigla akong napatingin ng marinig ang boses ng babae."I'm sorry to say this but, my daughter...."napalingon muna ang babae sa lalaking katabi nito."Bumalik na siya sa Pilipinas, to find the man she loves-"natigil ang babae ng makita niya ako. "Oh, it's you ihjo nagkita ulit tayo,"nanlaki ang kata ko ng mapagtanto kong sino ang babae.

Mommy ni Anne.

"Tita?"usal ko at napatingin sakaniya.

Ngumiti ang ginang at tumayo."Alam mo ba kong sino ang boyfriend ni anne sa Pilipinas? Kasi bumalik siya doon para balikan yung lalaking mahal niya."napaatras ako at hindi makapaniwala.

Ibig sabihin ba nito? Si anne ang papakasalan ko? At hindi alam ni anne na ako rin ang papakasalan niya?

What the heck!!

Napaatras ako at mabilis na binitawan ang hawak kong pagkain at tumakbo.

"Geo, saan ka pupunta?"rinig kong sigaw ni mommy pero hindi kuna ito pinansin.

Anne wait for me!

THANK YOU FOR READING

You're My Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now