ANNE (POV)
"Anne? Tapos kana bang magbihis? Aalis na tayo hinihintay na tayo ng family ng fiance mo." Napalunok ako at tumingin sa salamin hindi ko alam kong bakit ako nagpapaganda. Dapat nga ay mas pinapangit ko ang aking mukha para hindi ako katanggap tanggap at hindi matuloy ang kasal namin ng lalaking hindi ko namna kilala.
Napabuntunghininga muna ako at inayos ang buhok ko.
"Anne."
"Tapos na ma."at lumabas na ako ng kwarto ko nakita ko naman si mama na nakatingin sa akin.
"Sigurado akong magugustuhan ka ng fiance mo dahil sa sout mo."tumahimik lang ako hindi na nag salita."Halikana kaylangan na nating bumaba hinihintay na tayo ng daddy mo."tumango nalang ako.
Ng makababa kami ni mommy ay ayos na ayos narin si daddy sabay kaming lumabas at sabay rin kaming pumasok sa sasakyan. Si daddy ang nag maniho habang si mommy naman ay katabi ni daddy at ako naman ay nasa backseat.
Naguusap sila mommy kaya kinuha ko ulit ang aking headset at nagpatugtog.
Pinikit ko ang aking mga mata at nag isip ng dahilan kong paano hindi maging successful ang wedding namin ng hindi ko kilalang lalaki.
Naisip ko naman si geo. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Naglalasing ba siya? Nalulungkot ba siya?
Subrang dami kong tanong na hindi masagot. aso lang ba talaga siya?
Ramdam kong tutulo ang luha ko kaya pinigilan ko ito.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating narin kami sa restaurant kong saan gaganapin ang pag-uusapan nila tungkol sa kasal.
Tahimik lang akong nakasunod kila mommy at daddy hanggang sa hinatid kami ng isang waiter sa isang private room.
At ng makarating ay agad kaming pumasok si mommy at daddy muna ang nauna bago ako pumasok. Pagpasok ko ay bumungad sa amin ang apat na tao dalawang babae at dalawang lalaki.
Ang isang babae ay may edad na ito siguro ay kasing edad lang ito ni mommy habang ang katabi naman nitong babae pa ay parang may tatlong taon lang ang tanda sa akin. Habang ang isa namang lalaki ay may katandaan mas matanda pa ito keysa kay daddy habang ang katabi naman nitong lalaki ay sigurado akong nasa 16 years old pa ito.
Ito ba ang mapapangasawa ko? Parang kapatid ko lang eh.
"You're here, come and set."napalingon kami sa matandang babae.
"Thank you, Gania." Usal ni mommy at nakipag beso beso pa rito habang si daddy naman ay nakipag kamay.
Nakatayo parin ako sa pintuan at walang planong makipag kamayan sakanila. Napatingin ako sa matandang babae ng tumikhim ito.
"Iyan naba ang anak mo? Napaka ganda namang bata sigurado akong babagay sila sa anak kong lalaki."napalunok ako at umiwas ng tingin."Halika rito ihja at maupo ka."nasabi narin sa akin ni mommy kanina may lahing Filipino ang magiging biyanan ko.
Napatingin muna ako kay mommy ng makitang tumango ito ay lumapit na ako sakanila.
"Napaka gandang dalaga naman nitong anak ninyo."sabi nong Gania, na tinawag ni mommy kanina.
"Nag-aaral kapa diba?" Napatingin ako sa matandang lalaki.
"Opo."yun lang ang nasabi ko.
"Anong kinuha mong kurso?"
"Nursing po."napatango sila.
"Ayos at nag-aaral ka sa medisina, alam mo ang isa kupang anak na lalaki ay isang doctor. Makikita mo siya mamaya at yun ang mapapangasawa mo."masaya niyong sabi.
Napalunok ako at kinabahan posible kayang magkakilala sila ni Geo?
Tumikhim ako at inayos ang upo."Kumain muna tayo habang hinihintay natin ang anak kong lalaki, pasensya na at natagalan dahil may inaasikaso pa ito."tumango lang sila mommy at sumang-ayon.
Nag uusap muna sila sa business nila at tungkol sa kasal habang ako naman ay tahimik at hindi maka kain ng maayos.
"You're pretty."napalingon ako sa batang lalaki ng magsalita ito."I'm sure kuya like you more."hindi ko siya sinagot bagkos ay ngumiti lang ako at umiwas ng tingin.
Grabe nababagot na ako dito.
Natigil ang pag-uusap ng biglang tumunog ang isang cellphone. Napalingon kaming lahat sa babaeng may tanda lang sa akin ng tatlong taon.
"Excuse me."pag-papaumanhin nito sabay alis.
Kumuha ako ng pagkain at kumain. Uminom agad ako ng tubig at tumingin sa kawalan.
Na babadtrip na ako dito kakaupo.
"Mom, Law can't go because he has an emergency at the hospital, maybe he will go tomorrow or another day."agad na sabi ng babae sa mommy nito.
Napatingin ang matandang babae sa akin at ngumiti."Siguro ay pag-uusapan na muna natin ito sa susunod na araw, hindi pa muna makakapunta ang anak ko dahil may inaasikaso pa ito Pasensya na."paghingi ng tawad ng ginang.
"Wala iyon, okay nga yun para ay makapag aral muna ang anak ko rito makakapaghintay naman kami."usal ni mommy.
"Maraming salamat sayo, pero ipagpatuloy parin natin ang pagkwe-kwentohan kahit na hindi pupunta ang aking panganay na anak."
"Aba oo naman, kaylangan din pagplanohan kong kaylan ang kasal ng dalawa." Si mommy.
"Ma, can i go to outside?"usal ko kay mommy tumingin muna ito bago tumango."Excuse me po,"pagsabi ko at agad na umalis.
Gusto kong magpahangin sa labas.
Napatingin ako sa aking cellphone at nakalagay roon ang number ni geo, gusto ko siyang tawagan kaso bawal isa pa kaylangan kong magtiis dahil ginusto ko naman ito. Desisyon ko ito ang malayo sakaniya.
I miss him so much!
THANK YOU FOR READING
YOU ARE READING
You're My Bride (COMPLETED)
عشوائي𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄 𝐁𝐔𝐓 𝐔𝐍𝐄𝐃𝐈𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 "You're my bride!" Anne Gertrude and George Lawrence Bearneza STARTED: DECEMBER 15, 2022 END: DECEMBER 17, 2022