Sa Laylayan Tumama

8 0 0
                                    

Noong unang panahon. Gubat pa ang mga probinsya. Ang mga lugar ay mapuno, maputik, at ang mga bahay ay gawa lamang sa kahoy. Bihira lamang ang may kuryente kaya sa gabi ang tanging nagpapailaw lamang ay ang buwan at mga bituin.

Merong isang lalaki. Pauwi na ito. Galing ito sa pagdiriwang sa bayan kaya ngayon ay lango sa alak at pasuray-suray ang lakad.

Madilim ang paligid, tinatahuban kasi ng mga nagtataasang kahoy ang sinag ng buwan sa itaas. Kasabay pa nito ay tanging maririnig mo lang sa paligid ay ang mga ingay ng insekto at ang pagsayaw ng mga dahon sa pagtama ng preskong hanging amihan. Naririnig rin ang kaluskos ng bawat tapak ng lalaki sa mga tuyo-tuyong dahon na natambak na sa magubat na daan na iyon. Ngunit, kahit na nagtataasan na ang mga balahibo ng lalaki, hindi nito natibag ang malakas na epekto ng alak sa sistema ng binata. Patuloy lang ito sa pasuray-suray sa mabatong daan ng walang takot.

Habang naglalakad, sa malayo, siya ay may nakita. Itim na higante ang papalapit sakaniya. Hindi niya mawari kung anong itsura nito at kung gaano ito kataas dahil sa umaalon-alon na kanyang mga mata niya.

"Ihatid na kita sainyo?" Tanong ng higante.

Tumango siya ng ilang ulit. Walang pakialam sa kung anong uring nilalang ang nasa harap niya.

Namalayan na lang nito na dala-dala na siya nito gamit  ang malaki nitong kaliwang kamay nito sa katawan niya. Ang mga parang baging na nakapulupot nitong daliri ay kinikiliti siya.

Gumalaw siya ng kaunti para mabawasan ang kiliti galing sa mabarbon nitong mga daliri.

Tatlong hakbang. Tatlong hakbang lamang ang ginawa nito pero nakaabot na sila malapit sa kaniyang bahay.

"Dito nalang ako."  Lasing na sambit ng lalaki.

Pinakawalan siya nito. Namalayan niya na lang na nasa ere na siya at mabilis na nahuhulog papunta sa lupa. Ngunit bago pa man siya makaabot siya ay tumama. Tumama sa laylayan. Opo, sa laylayan.

Sa malaking titi ng maitim na kapre sa kanyang harapan.  Damang-dama niya ang tekstura nito sa pagtama ng kanyang mukha sa maselang parte ng higante.

Nang madapa siya sa lupa ay agad siyang natauhan.  Nabura agad ang epekto ng alak sa kaniyang sistema. Nagising sa katinuan, agad na malutong na napamura.

Mabilis na tumakbo siya papunta sa bahay. Tumakbo at nagsisigaw na mas malala pa sa baboy na kinakatay.

Ang mga nagising sa kanyang tili ay agad namang napalabas ng kanilang bahay. Ngunit ang kanila namang nakita ang itsura ng lalaki.

Magulo ang buhok, madumi ang damit, mabaho sa alak at higit sa lahat ang mukha na walang sinuman ang makakapagpaliwanag.

Simula rin noon, ang lalaki sa storyang ito ay hindi na umuwing lasing na mag-isa.

Credit: Auntie ko na hilig magkuwento ng katatakutan kapag gabi. :)

Short StoriesWhere stories live. Discover now