Ang Krimen sa Bintana
Bandang alas onse ng gabi nang ito ay mangyari.
Antok na ako nang oras na 'yon, dulot na rin ng nakakapagod na maghapon.
Katatapos pa lang nang mga gawain, imbis na kunin ang cellphone bilang parte nang pahina bago matulog, isang gawaing bumabawas sa 100 taon kong buhay, ay hindi ko na iyon kinuha pa at dumiretso na sa higaang hindi man malambot, lasap ko naman ang kapayapaan.
Madilim na ang kwarto, tanging ilaw na lang nang mga butiking fluorescent ang malamlam na umiilaw sa paligid ko, at ang ilaw na namumula sa kabilang kwartong tagos sa kurtinang luntian matingkad sa liwanag.
Habang nakahimlay sa ulap, sumabong sa isip ko ang bilin ni nanay, Isa sa mga utos na naalala na lang sa mga bawat bukas nang bibig araw-araw; huwag kalimutan na isarado ang bintana sa gabi bago matulog.
Hindi ako sigurado kung naisara ko ito.
Yamot ako noong umupo at bumaba sa matigas kong kama. Sinuot ang tsinelas at pasuray-suray na pumunta sa may pintuan. Kinapa ko ang kamay ko sa pader. Nang mahanap ko na ang switch ay pinindot ko ito.
Lumiwanag ang aking kwarto. Nasilaw ang mata ko sa biglaang pagilaw kaya kinusot-kusot ko ang bahagyang namumula kong mata. Ilang segundo nito binukas ko ang aking mga mata.
Sumilay ang magulo kong kwarto. Mga lukot ng papel dito, hindi maayos na pagkakapatong-patong ng libro, papel, at folder sa maliit na mesa, at mga abubot sa kung saan-saan.
Malapit na kasi ang deadline ng mga aralin kaya magulo ang kwarto. (Palagi naman magulo, sa totoo lang.) Bukas na lang iyan aayusin. (Ilang buwan pa iyang bukas.)
Lumakad ako papunta sa bintana sa gilid ng kwarto.
Ginilid ko ang kurtina at lumantad ang transparent na sliding na bintana namin. Kita ko ang madilim na bakuran sa labas. Kahit saang angulo ko tignan ay tanging pawang walang wakas na kadiliman lamang ang nakikita ko. Dahil nasa loob ako ng kwarto at bawat sulok ay nakasarado, wala akong ni isang marinig sa labas. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang tahimik na tunog ng electric fan sa kwarto at sa kabilang kwarto.
Dahil alas dose na rin nang gabing iyon ay ay natakot rin ako na baka may lumabas na lang na multo. Kaya pinili kong ituon na lamang ang atensyon ko sa gagawin ko. Ginalaw ko ang bintana pagilid at nabuksan ko ang bintana. Nakalimutan ko palang hindi ito saraduhin.
Pinagtapat ko ang pinaglo-lock-an nito at sinubukang ilock ngunit lumihis ito na hindi ko inaasahan.
"Anong problema nito?" napakunot ang aking noo.
Ginalaw ko pa ito para magtapatan ang lock. Ngunit ng makita ko na nagtatapat naman ito ay mas lalo akong naguluhan.
Dahil na rin siguro sa antok ay hindi ko na ito inisip pa. At dahil gustung-gusto ko na ring matulog ay pwinersa ko itong i-lock ng mabilisan.
"Klak!" Tunog ng pagkasara kasabay ng... pagkamatay niya.
Sa hindi ko inaasahan. May nalihis ang aking antok na mga mata. Hindi ko ito nakita agad na akin talagang ikinabigla.
Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa lock. Sa itaas nito sa ipit ng dalwang salamin, mata ko ay may nakita.
Isang krimen sa bintana. Ngunit ako yung kriminal na gumawa ng karumaldumal na pagpatay.
May naipit pala na butiki sa gitna. Ang puting dugo nito ay tumalsik sa bintana sa harapan ko. Kitang-kita ng mata ko ang nakaipit na butiki at ang dugo nito na tumalsik na paunti-unting na ngayong tumulo-tulo sa salamin na iyon.
Napalunok ako nang laway, mata'y napatitig sa butiking dahan-dahan nang nawawalan ng buhay. Kulay puti ito.
Para akong nakakita ng multo-- hindi, ito ay patayan. Ngunit ako yung mamamatay-- butiki. Ilang segundo akong pawang nasa horror na genre. Natutop sa katatayuan at ang mga mata'y bilog sa nagawa.
Ilang segundong natutop ako sa kinatatayuan, ilang segundo rin ng makabalik ako sa kinalalagyan.
Ako ay makasalanan. Ako ay nakapatay!
Linihis ko ang aking mga tingin, hindi maatim na makita ang krimen sa bintana. Nagising ang aking diwa, konsesya ay nagsipasukan sa lutang na aking isipan.
Agad kong tinakpan ang krimen gamit ang kurtina. Hindi na nagsadyang tumingin pa.
Agad na pinatay ang ilaw at tumungo sa kama at agad na nahiga. Nagtalukbong ako gamit ang manipis na kumot sa aking hipon na pagkakahiga. Pinikit ang mata at mahinang bumulong na malimutan ang nakita at nagawa.
Kung sino pa yung pumatay siya pa ang takot sa bangkay.
Kinabukasan, kahit papaano ay nakatulog naman ako. Pinatanggal ko ang butiki sa tulong ng aking kapatid. Ang amoy nitong hindi lang ilong ang may bahid, pati na konsensya na rin. Ngunit yung dugo ay naroon pa rin, natatahuban ng kurtina na saksi ng salarin.
Genre: True Crime, Non-Fiction, Psychology, Thriller, Horror.
(༎ຶ ෴ ༎ຶ)
YOU ARE READING
Short Stories
RandomA compilation of short stories. ┐('ー`)┌ Language: Filipino-English Started: 15Sep022 Finished: indefinite