Chapter 4

18 3 1
                                    

Zhariya's Point of View

Natahimik kaming dalawa at hinayaan ko na lang siya na hawak ang kamay ko. Pero mabilisan ko siyang naitulak noong may kumatok. Nilingon ko siya at nakita kong nahulog siya kasama ang mga pagkain.

Nakita kong sumama ang tingin niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili na tumawa.

Napatingin ako sa taong pumasok at nakita kong si Miss Katya ito na may kasamang isang babae na pula ang buhok at may reddish-orange na mga mata.

"Oh? Did you threw a little tantrums or did Pierce annoyed you and you threw the foods at him?" Nakangising tanong sa akin ni Miss Katya

Napatingin sa akin ang babaeng katabi niya kaya mabilisan akong tumayo at yumuko. Iniinda ang pagkahilo.

"I heard you're still recovering. It's okay, you don't have to do this"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang may mala-anghel na mga ngiti na ikinakurap ko. She's pretty. Too pretty.

Napasin kong lumipat ang tingin niya sa lalakeng nakatayo na at may masamang expression ang mukha. Agad akong umiwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin kung paano ngumiti nang malapad ang babae sa kanya.

Nakita ko na parang may pinindot ang babae at may dalawang tao na pumasok sa kwarto at mabilisang nilinis ang mga nahulog na pagkain.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Miss Katya kaya nalipat ang paningin ko sa kanya.

"You should sit. I'll ask them for another food"

Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa dalawa.

"As much as I want to hug you or kiss you, Pierce. I won't do it. You need to clean first, so you can hug me or kiss me!" Napatigil ako at napakurap.

So, it's like that, huh?

Umiwas ako ng tingin sa kanila kaya napabalik ang tingin ko kay Miss Katya at napansin ko na may namumuong ngisi sa labi niya habang nakatingin sa akin. I tilted my head to the right side pero mas lalo lang siyang ngumisi ng malaki na ikinapagtaka ko.

"Why would I kiss you or hug you?"

Parehas kaming napalingon ni Miss Katya noong marinig namin ang malamig na boses ng lalake. Nakita ko kung paano natigilan saglit ang babaeng nasa harap niya pero hindi ito nagpatinag at mas lalo lang ngumiti ng malaki.

Nilingon ko si Miss Katya noong kalabitin niya ako. Nagpapaalam siya sa akin para kumuha ng pagkain ko kaya tumango na lang ako. Mabilis din naman siyang nawala sa harap ko.

"Duh? I'm your Fiancée"

Natahimik ang paligid at napakunot noo ako noong may marinig akong parang nag crack at napaubo ng kaunti noong may alikabok na lumipad sa harap ko. Ngumisi ang babae sa kanya bago inilipat ang tingin sa akin, naglalahad ng kamay.

"I'm Ember Dysis Castamonte. I'm the one and only Princess of the Fire Kingdom and that guy over there, Pierce, is my Fiance"

Kinuha ko ang kamay niya at akmang magsasalita noong naunahan ako ng lalake na nakakunot ang noo at masama ang tingin sa babaeng nasa harap ko.

"Stop with the Fiancée shit. I don't want to marry you nor planning to marry you. It will never happen."

Naramdaman kong parang uminit ang paligid at biglang hindi ako makahinga. Napangiwi ako nang maramdaman kong napapaso ang kamay ko sa init ng kamay na may hawak sa akin

"Let her go, Ember"

"What?"

Mas lalo lang akong hindi nakahinga sa tensyon na namamagitan sa kanila. Maya-maya ay nakaramdam ako na parang may pumulupot sa akin at inilayo sa babae. Napansin ko na lang na ang nakapulupot sa akin ay mga baging at ang ilang mga dahon nito ay naging dahilan para bumalik sa normal ang paghinga ko.

SealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon