Chapter 3

19 3 0
                                    

Zhariya's Point of View

"So, are you saying you found her outside the border of Water Kingdom?"

"Yes, Your Royal Highness"

"And.... she have a light attribute?"

"Yes, Your Royal Highness"

"Are you sure she have light attribute and not darkness attribute?"

"She can show you her power once she woke up, Your Royal Highness"

"And you're gonna adopt her as your sister?"

"Yes, Your Royal Highness"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa paligid ko. Napansin ko na may tatlong tao sa labas ng kamang kinahihigaan ko. Ang dalawang tao ay nakatayo samantalang ang isa ay nakaupo.

Napakurap ako saka sinubukang tumayo. Napansin kong napalingon sa akin ang isa sa kanila at naglakad patungo sa akin. Hinawi niya ang manipis na tela na nakaharang sa kama at maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa balikat ko.

"Careful"

Napakurap lalo ako at napaangat ng tingin. Namukhaan ko kung sino siya. Lumapit na rin sa amin ang dalawa at namukhaan ko rin si Miss Katya.

Namamangha naman akong napatingin sa katabi niya. Kulay pula ang buhok at pinaghalong pula at orange naman ang mga mata nito.

"Hi. I heard you have a light attribute? I'm the Crown Prince of the Fire Kingdom. My name is Phoenix Dale Castamonte"

Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig ko at sinubukan kong tumayo at yumuko para magbigay galang pero ang kamay ng lalakeng katabi ko ay pinigilan ako. Bago ko pa siya tanungin ay nakarinig na ako nang mahinang tawa

"It's alright. You don't have to do that. I'm just gonna check if you have light attribute just like the Crown Prince and Miss Katya said"

Mabilisan kong sinulyapan ang katabi ko bago ibinalik ang tingin sa nakangiting Crown Prince sa harap ko. Agad kong binuksan ang palad ko at pinalabas ang light attribute ko. Nakita ko naman itong tumango kaya agad kong sinara ang palad ko.

"Can you heal someone other than yourself?" Tumango naman

"Interesting. This is unique. I need to talk to my parents about this" Lumingon siya sa akin

"Is it okay for you to stay here until tomorrow? My parents will only be back tomorrow and I need you to meet them, so they can check you out"

Nilingon ko si Miss Katya at nakita ko naman siyang nag thumbs up kaya ibinalik ko ang tingin ko sa Crown Prince at tumango. Saka ko lang napagtanto na mali ang ginagawa ko.

"I... I-I'm sorry, Crown Prince if I'm being rude" Nakayuko kong sabi at narinig ko naman siyang tumawa ulit

"It's fine. No need to be serious about being rude. People will eventually find out about your power and they might treat you as a Royalty too. You know, you're the only one left who have light attribute"

Agad akong natahimik at napayuko na lang ulit. Naramdaman kong may pumatong na mainit na kamay sa ulo ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Eat and rest. We'll meet again tomorrow. Pierce, take care of her until Miss Katya is back"

Nakita kong naglakad na siya palabas ng kwarto at nakita kong sumunod din sa kanya si Miss Katya.

"See you later, littler sister and Keiji"

Nagtaka ako nang maramdaman kong parang umuga ang kama ko kaya napalingon ako sa katabi ko na masama ang tingin sa taong kalalabas lang. Napalingon siya sa akin nang mapansin ang tingin ko. Napatulala ako saglit sa mga mata niya kaya kumurap ako para mawala ang pagkatulala.

"You... you're a Crown Prince?" Mahina kong tanong at tumango siya.

"Earth Kingdom"

Tumango na lang ako at umiwas ng tingin kaya natahimik kami. Tumayo siya noong may kumatok na ikinasunod ko ng tingin at may pumasok na dalawang tao na may mga dala. Nagbigay galang sila sa lalake at sa akin bago lumabas ng kwarto.

Nilapit ng lalake ang mga dala ng dalawang tao kanina. Tinitigan ko lang ito ng ilang minuto bago ko inangat ang paningin ko sa lalakeng nakakunot ang noo sa akin habang pinagmamasdan ako.

"It's foods. Eat"

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinignan ulit ang hindi pamilyar na pagkain na nasa harap ko. Binuka ko ang bibig ko para magsalita.

"I only eat fruits" Mahina kong sabi

"What?"

"Fruits. That's the only food I eat and know"

Natahimik siya kaya napakagat ako ng labi. Maya-maya ay napansin kong umupo siya sa tabi ko at hinihiwa-hiwa niya ang pagkain na nasa harap ko.

"This is a steak. It's somehow healthy and delicious too. Try it first" He said while handing me the fork.

Nagaalinlangan kong kinuha ang tinidor sa kamay niya at sinubo ang pagkain. Kumunot ang noo ko sa lasang hindi pamilyar sa akin.

"Delicious, right?" Tanong niya pero umiling ako na ikinakunot ng noo niya.

Kinuha niya ang tinidor sa akin saka kumuha ng pagkain ko at sumubo. Nagtaka ako sa ginawa niya. Akala ko ba ako ang kakain?

"It's delicious. Don't you have a sense of taste?" Napakurap na lang ako sa tanong niya.

Kumuha ulit siya nong tinatawag niyang steak at nilagyan ito ng puting bagay na hindi ko rin alam kung ano.

"The white thing is rice. If you combine it with steak, you might like it"

Akmang kukunin ko sa kanya ang kutsara pero sinamaan lang niya ako ng tingin kaya huminto ako sa pagkilos at tinignan lang siya. Nilapit niya sa akin ang kutsara at tinaasan ako ng kilay. Binuka ko ang bibig ko at nginuya ang pagkain na sinubo niya.

Tinignan ko siya at tumango bago nginitian ng maliit. Nakita ko naman siyang napangisi kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"I told you, right? It's delicious" Ramdam ko ang yabang sa boses niya. Napanguso na lang ako at kumuha ulit ng pagkain.

Naramdaman kong lumapit lalo siya sa akin kaya napatingin ako. Maya-maya lang ay nakalapat na ang noo niya sa balikat ko at ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"You don't have to eat just fruits anymore. You can eat anything. You deserve everything" Mahina niyang sabi habang nakadikit pa rin siya sa akin.

Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita at hindi ko siya naiintindihan. Naramdaman kong humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko na ikipinagtaka ko. Tatanungin ko na sana siya ngunit naunahan niya ako.

"I'm sorry... I'm really sorry for not finding you, for not telling you and for not taking you. I'm sorry. I really hope you can forgive me. If I only know what happened to you, I... I'd used my power past my limit just to find you"

Agad akong nanigas sa kinauupuan ko at alam kong naramdaman niya iyon dahil mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"I thought you left me. I came back to your place, where you used to be, only to find no one. I'm such an idiot for thinking like that. I'm sorry. I got mad thinking that you left without saying anything, so I didn't try looking for you."

Napangiti na lang ako ng mapait nang maalala ko kung bakit kailangan kong umalis sa lugar na iyon at kung bakit naging ganito ang kinahantungan ko.

"I'm glad I found you alive. I'm glad you're back. Back to me"

SealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon