Alfonso's POV
Unang araw ng agosto sa taong isang libo, siyam na raan at dalawampu
gumalaw ang aking kamay kasabay ng pagpintig ng aking puso
ang aking pluma ay unti unting gumagawa ng imahe gamit ang salitang pumapasok sa isip ko
Unang kabana ng unang libro
Librong para sa mahal ko
Isang letrang puno ng pag-ibig
isang librong puro paghihinagpis
at tila ang nakaraa'y nakakapit pa rin
patuloy ang pagsulat ng tadhanang malupit
iuukit sa murang puso ang purong sakit
maski ang espada ng oras ay walang laban
sa tandahang makapangyarihan, walang kalaban laban
Unti unti, isipin ang reyalidad
tayo'y itinadhanang magkita pero hindi ang magkatuluyan
hanggang sa muli, aking mahal
Kahit sa sunod na buhay, ika'y iingatan
~Alfonso Juanito Y. Elondra
Aking tiniklop ang librong aking sinusulatan habang unti unti kong nakikita ang aming nakaraan
Mahirap mang tanggapin ngunit ikaw ay wala na sa aking piling
Tadhana na naman ang nanalo sa laban na ito
hanggang sa muli, mahal ko
hintayin mo ako
Magkikita pa tayo
at sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang tadhana ang manalo

YOU ARE READING
My man from 1920
Narrativa StoricaHindi lahat ng taong mahal natin ay mapapasa atin. Itinadhana tayo sa tamang tao at tadhana mismo ang gagawa ng paraan para magkita kayo ~Alfonso Juanito Y. Alondra