KEN POV:
"Teka ano ba yang Gubat ng kamatayan at Gehanna na yan"saad ko.
"Ang lugar kung saan tayo natrap ngayon ay ang Gubat ng Kamatayan. Maraming namatay dito dahil sa mga alagad na mula sa Gehanna. Tinawag itong Gubat ng Kamatayan dahil sa isinumpa ito ng Dyosa ng kamatayan. Ang sinumang dadaanan sa lagusan ng kasinungalingan ay hinding hindi makakaalis hangga't sa may isang taong handang isakripisyo ang kanyang buhay at ialay nya ang kanyang sarili sa dyos ng Gehanna"saad ni Justin. Saan nya nakuha ang mga yan?
"Saan mo nakuha ang mga yan? Kung ngayon ka lang nakapunta dito?"saad ni Chloe. "Habang sinasapian ako ay lumalaban ako at kinakausap ko ang sumapi sakin sa pamamagitan ng isip ko. Sinabi nya ang lahat sakin..at kung paano tayo makakaalis dito"saad nya. "Ang solusyon ay ang may handang ialay ang sarili nya sa dyos ng Gehanna."saad ko. "Pero paano at sino ang gagawa?"saad ni Josh.
"Wag muna nating isipin yan ang kailangan nating gawin ay hanapin kung saan nag daang papuntang Gehanna."saad ni Chloe. "Alam ko kung saan"saad ni Tristan napatingin kaming lahat sakanya.
"Nakapunta na dito noon si lola..ang sabi nya sakin nung makausap ko sya sa panaginip ko..sundan lang ang tinig ng babaeng kumakanta simula sa ilog ng pag asa"saad nya. "Ha!?! gubat ng kamatayan,lagusan ng kasinungalingan,Gehanna,dyosa ng kamatayan,dyos ng Gehanna tapos ngayon ilog ng pag asa anong sunod??"tanong ni Stell. "ilog ng pag asa doon laging pumupunta ang dyosa ng kamatayan"gulat na saad ni Jah..
"Tapos kapag nakapunta tayo sa Gehanna anong sunod na gagawin natin?"tanong ko. "Ken lutang kaba malamang may isa satin na mag aalay ng buhay nya..Ken pati ba naman sa sitwasyon na mamamatay na tayo lutang ka pa rin"stress na saad ni Pablo. Aba tao lang ako.
"Magseryoso na tayo kailangan na nating makapunta sa Gehanna"saad ni Tristan.
"Teka asan si Chloe"saad ng usa nilang kasama. "Oo nga nandito lang sya kanina ah"saad nila. "Tara na baka nauna na sya"saad nung isang weird na babae. Si Lian ata.
"Sige"