STELL POV:
Patuloy lang kami sa paglalakad at ang pinili naming daan ang sinabi ni Ken. "Guys may tao"
Narinig ata nila ako at napalingon sakin ang mga tao kaya napatayo silang lahat. Agad kaming lumapit sakanila.
"Natrap rin ba kayo dito?"saad ng isang lalaki. "Ah oo...kanina lang"saad ko. "Jah may problema ba?"tanong ko kay Jah ng mapansin na tulala sya. "M-may kaibigan ba kayong lalaki at babae na kambal?"tanong ni Jah sakanila. "Oo pano mo nalaman"saad nung babae. "Nasa tabi nyo sila"saad ni Jah at muntikan ng matumba mabuti na lang at nasalo sya ni Pablo. "Uy Jah ok lang ba?"saad ni Pablo.
"Kailangan na nating umalis mali ang dinaanan natin..papunta ito ng Gehanna"nabigla kami sa sinabi nya. Anong Gehanna?
"Gehanna?"saad ng babae. "Jah ano yun?"paninigurado ko. "Ang sabi ng matanda papunta ito ng Gehanna kailangan nating makalayo dito bago pa sila dumating"saad ni Jah.
"Sinong matanda?"saad nung lalaki kanina. "Lola mo"saad ni Jah at tumingin ng seryoso sa lalaki na ikinaatras namin. Nakakatakot ang mga tingin nya parang hindi sya si Jah na kilala naming mahinhin.
"Paano mo sya nakikita? Matagal ng patay si lola"gulat na saad ng lalaki.
"Mamaya ko na ipapaliwanag kailangan muna nating lumayo dito"saad ni Jah at biglang umamo ang kanyang mga mata. Bakit parang pakiramdam ko hindi sya si Justin?
"Huwag...huwag kayong sumama sakanya"saad ko ng akmang susunid sila sakanya. "Anong ibig mong sabihin?"saad ni Josh.
"Kung sino ka man na nasa katawan ni Jah..umalis ka..alam kong hindi sya ang nasa katawan ng kaibigan ko"saad ko na ikinagulat nila. "Stell anong pinagsasabi mo ako toh?"saad niya. Napangisi ako. "Sigurado ka ba..hindi ganyan ang isasagot ng kaibigan ko?"nakangisi kong saad maging sila Pablo ay lumayo na din.
Nagtaka kami ng napaluhod sya. "U-Umalis na ka-arghh kayo"nahihirapang saad ni Jah. Ngayon sigurado na akong sya si Jah. "Pero Jah paano ka?"saad ko. "U-umali na kayo arghh habang napipig-gilan k-ko pa sya"nahihirapang saad nya ayaw man naming iwan sya pero hinila na kami ng mga kaninang nahanap namin.
"Ano ba! Kailangan naming balikan si Jah doon"galit na saad ni Josh. "Kung hindi tayo aalis dun baka mapahamak pa tayong lahat."galit na saad ng babae. "Chloe tumigil kana"saad ng lalaki. "Ano b Tristan kita mo bang muntikan pa tayong mapahamak dahil sa kaibigan nila"saad nya. "Tumigil kayong dalawa"galit na saad nung isang babae.
"ARGGHHH"rinig namin ang sigaw ni Jah na anhihiraoan gusto kong balikan sya pero parang may pumipigil sakin. "AHHH TAMA NA"rinig ko ang paghihirap at pag iyak nya kaya di na ako nakatiis at bumalik doon naramdaman kong sumunod silang lahat sakin.
Nakarating kami doon sa pinagiwanan namin kay Jah at nakita namin na wala na syang malay.Agad ko syang nilapitan at ipinahiga ang ulo nya sa hita ko. "Jah gising..Jah"saad ni Pablo at tinatapik tapik ang mukha ni Jah.
"Jah gising..Hindi sya gumigising"natatarantang saad ko. "teka isuot nyo sakanya toh..para hindi sya masaniban..binigay sakin ni lola toh bago sya mamatay..ibibigay ko lang daw dapat yan sa taong unang masasaniban dito sa gubat ng kamatayan"saad ni Tristan. Pagkasuot ko ng kwintas kay Jah ay ang paggising nya rin. "Jah ayos ka lang"saad ni Ken. "A-Anong nangyari?"takang saad ni Justin. "Pagkatapos mong masapian nawalan ka ng malay"saad ni Pablo.
"Gehanna"tanging sambit nya na dahilan ng pagtindig ng mga balahibo namin.