CHAPTER 1

4 3 0
                                    

Birthday ngayon ng boyfriend kong si Sidrick
at 8:00 pm gaganapin ang kaniyang birthday party. Hindi kami nakapag usap noong ilang mga araw at hindi ko maiwasang mapaisip. Ni hindi man lang niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Paano kung ayaw niya pala akong pumunta sa party niya? Wala kasi akong natanggap na imbitasyon galing sa kaniya.

Napabalik ako sa ulirat nang may magsalita sa aking harapan.

“Hoy, Lian! Para ka namang timang diyan! Tulala effect ang peg?” si Faye, ka-dorm mate ko na naging kaibigan ko na rin.

“Sira, may iniisip lang.”

“Ewan ko sayo, beh. Oh, mukhang bihis na bihis ka, ah? Sa’n lakad mo?”

“Ah, yung nabanggit ko sa ’yo kahapon, birthday ni Sidrick.”

“Ay, Oo nga pala! Beke nemen, bring house ka ng tsibogs!”

“Nakakahiya, baka pag tinginan nila ako ro’n, pero try ko.” sumimangot ako at napakamot sa buhok nang marahan.

Napahagalpak siya sa tawa.

“Hoy, beh, binibiro lang kita 'no!” tinampal niya ako nang mahina sa balikat.

“Hee! Pero baka gusto mong sumama, Faye?”

“Hindi na, may prelim kami bukas, e. Review muna ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo, beh. Sige na, gumora ka na baka nag start na party ng bebe mo. Wait, anong oras nga ba mag s-start?”

“8:00 pm”

Sumulyap siya sa kaniyang relo, ”Oh, 7:47 na!”

“Sige, lakad na ko, ah?”

“Mag lalakad lang, ’di sasakay?” sarkastikong tanong niya. “Char, bye! Ingat ka, ah! T’saka, woi, don't forget to text me when you arrive.” seryoso’t nakangiti nang wika ni Faye.

Tinanguan at nginitian ko siya bilang tugon. She's one of the best talaga.

Pumara ako ng taxi at buti na lamang ay nakasakay ako agad.

“Midose Village po.” sabi ko matapos isirado ang pintuan ng sasakyan. Nag abot agad ako ng bente singko pesos sa kaniya at inabot niya naman ito.

“Oh, exclusive village ’yon, ah? May kakilala ka ba roon?”

“Opo, manong.” maikling sagot ko at nagsimulang mag tipa para i-text ang boyfriend ko.

“Kaano ano mo, ma'am?”

“Boy—ah, kaibigan ko po.” Ayaw kasi ni Sidrick na pinagsasabi ang relasyon naming dalawa.

He only introduced me to his parents and to his friends as his girl bestfriend. At first, hindi ko maunawaan bakit ayaw niya akong ipakilala bilang nobya niya. Natanong ko na rin siya kung kinakahiya niya ba ako, but he keeps on saying that ipapakilala niya rin daw ako sa tamang panahon. As his girlfriend, I always remind myself to understand him that he has a strict parents and he doesn't want them to get mad  at him. Sana all ’di ba masunurin.

“Ma’am, andito na tayo sa gate ng Midose Village. Yung I.d mo raw po.”

“Ha? Wala akong dalang I.d, e.”

“Nako, ma'am, bawal daw magpapasok pag wala raw nun.”

“Pero kasi, manong, baka ma-late na ’ko. Hindi bali, kakausapin ko si kuyang guard.” bumaba ako sa sasakyan at lumapit sa guwardya.

“Kuya, birthday po kasi ni Sidrick Rosales. Baka p'wede niyo ’kong papasukin? I’m a f-friend of Sidrick po.”

“Pasensya na, ma'am, mahigpit na ipinagbawal po sa amin na huwag kaming magpapasok kapag walang i.d membership at visitor’s i.d.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHORT STORYWhere stories live. Discover now