1: Something Different

9 6 0
                                    

Carmine Lamonte

Nakakasilaw ang mga camera na patuloy akong kinukuhanan ng litrato sa paligid. Mahinhin akong naglalakad ngayon sa red carpet upang daluhan ang premiere night ng aking pelikula.

"This way, Ms. Carmine," ani ng aking escort nang makapasok na ako sa sinehan.

Umupo ako sa upuan na nakalaan sa akin at hinihintay ang pagdating ng iba pang mga artista.

Ilang sandali lang ay nagsimula na rin ang pelikula. Isa itong romance movie na may pagka-action rin. And yes, I'm the female lead at the movie.

I was so surprised to see that many people have attended the premiere night. The movie was a success at bukod sa pagiging bida ng pelikula ay isa rin ako sa mga producer nito.

"Congratulations for the success of the movie, Ms. Carmine," bati ng director nang matapos ang pelikula. Kaliwa't-kanan ang pagbati nila sa akin. At the age of 20, I'm already at the peak of my career.

That's my everyday life as a famous artist. Maraming camera ang nakapalibot sa akin. Pero di iyon naging hadlang para ipakita ko ang tunay na ako. Di ako tulad ng iba na pinepeke ang kanilang sarili tuwing nasa harap ng camera, mas pinili kong maging totoo sa lahat.

Isang araw na ang nakalipas mula noong premiere night ko. At sa kabutihang-palad ay maraming commercials, guestings, and movie proposals ang dumating.

It's already Sunday, and kakagising ko lang. I prepared myself and go down to eat breakfast with my family.

"Good morning, sweetie," bati ni Dad nang makita ako.

"Good morning, Dad," sagot ko saka lumapit sa kanya para yakapin.

"Ohh you're up already? Ang aga pa ah," ani naman ni Mom habang papalapit sa gawi namin.

"May assembly kasi kami para sa upcoming series ko," nakangiti kong aniya, "Where's Ate Carina, by the way?"

"She's off to work, maaga daw tumawag ang manager niya," nakangiting sabi ni Dad, "I'm just so glad that you two received a lot of success now, may paparating na pelikula ang ate mo samantalang ikaw ay isang series naman ang project," he looks so proud as he said those words. Masayang-masaya ako dahil nagiging proud sila sa akin.

"Thank you, Dad," I utter and give him a hug. Lumapit din si Mom sa amin.

"We're both proud of you, always remember that," aniya ni Mom saka hinalikan ako sa ulo.

After we eat breakfast ay nag-prepare na rin ako para sa assembly ng aking upcoming series. It was a rom-com series at ako ang bidang babae. Di ko pa alam kung sino ang makakatambal ko and kung ano ang characteristics ng role ko. Nagpamaneho ako ngayon sa driver namin para di na ako mahirapang mag-park.

Tinawagan ko ang aking personal assistant. "Hello, Kenny?"

[Yes, Ms. Carmine?]

"Papunta na ako sa assembly. Are you already there?"

[Opo nandito na po ako sa entrance,]

"Mabuti naman, I'll be there in minutes," I said before I drop the call.

I looked at the window of the car and I saw a couple walking. Mahirap para sa aming mga artista ang ma-inlove. Maraming controversy at bukod doon ay di mo pa malalaman kung tunay nga ang pagmamahal ng isang tao sayo o baka nakipagrelasyon lang siya sayo dahil nga sikat ka.

We arrived at the venue at hinihintay nga ako doon ni Kenny. As I stepped in at the room, marami ng mga artista ang nandoon. Ang iba ay kilala ko samantalang ang iba naman ay hindi pa, maybe they're beginners at this industry.

"Malapit na pong mag-umpisa ang assembly," saad ng assistant ko sa akin. Umupo ako sa katabing upuan ng kaibigan kong cast rin.

"Hi Carmine," bati niya sa akin.

"Hello Veyra," bati ko rin sa kanya.

"I heard that you're the main lead, congratulations!" di ko alam kung bakit but it sounded sarcastic to me.

"Thank you, what's your role by the way?"

"I'm just a co-lead. My role is to be your bestfriend in this series,"

"Ohh great,"

Natigil kami sa pag-uusap nang pumasok ang director sa room.

"Hello everyone! This assembly is for determining your roles and characters in the series. At kung mapapansin niyo ay may iba dito sa inyo na baguhan sa ganitong industry so please guide them, okay?" ipinakikilala ng director sa amin ang mga baguhan at ang iba sa kanila ay mukhang mababait naman, "And of course ang makakatambal ni Ms. Carmine sa series na ito. He's a newly discovered artist and a model, I would like you all to meet, Llyan Villamora," nagpalakpakan ang lahat at ilang sandali lang ay pumasok ang isang lalaki. And honestly, I was stunned by his looks.

He had a look that every girl wants. He's cute and charming. His wavy brown hair suits his face. And as he smiles to us, I felt that my heart just melted. Pero ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang mata niya. His eyes are so bewitching.

"He's so stunning," narinig kong bulong ni Veyra. And I agree to her, this guy was made by heaven. Parang napakaperpekto niya.

"Thank you everyone," he said and his voice also suits him.

"Mr. Llyan, I would like you to meet Ms. Carmine, your pair in this series," sabi ng director.

He held his hands in me at magalak ko naman iyong tinanggap. I never felt this feeling before. Kahit madami na akong nakatambal na gwapong artista ay di ko pa ito naramdaman noon. It was like having butterflies in my stomach.

Pilit kong tinago ang kilig na nararamdaman nang magtagpo ang kamay namin. Ilang sandali lang ay bumitaw na rin kami sa isa't-isa.

"You two should get along with each other, rom-com ang gagawin natin kaya dapat di kayo mailang lalong-lalo na't first time niyong makatambal ang isa't-isa," sambit ng direktor.

Nagpatuloy ang assembly at casting. Ang character ko sa series ay isang famous college student na nagkagusto sa isang nerd which is the role of Llyan. Suplada ang role ko at maarte which is ibang-iba sa totoong ako. Bestfriend ko si Veyra and she will be the one to dare me to make the nerd fell in love with me. Kung tutuusin ay ang astig ng story.

Habang binabasa ko ang script na binigay ng writer ay nagulat pa ako kasi may kissing scene, although di na bago sakin ito pero ibang-iba to sa mga past projects ko. And the guy whose playing the role of the leading man is different.

He makes feel something I didn't felt before kahit na kakakita ko lang at kakakilala sa kanya.

——————

Author's Note:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is also unedited so expect grammatical and spelling errors.

I hope you'll enjoy this story like how much I enjoyed writing it.

Love The Way You ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon