Jb

74 7 15
                                    

Actually matagal na, siguro mga isang buwan na mula noong na-imagine ko 'to pero ip-push ko parin.

So eto na, simula kasi nung napanood ko yung Stop it ng GOT7, na-inlove na ko kay Jb kasi... basta, ewan ko!

Nung nag-debut kasi yung Got7 si Bambam naman talaga yung nap-pusuan ko na parang si Jackson, pero nangingibabaw talaga nung mga panahon na 'yon sa puso ko si Bambam, kasi ang cute cute nya, basta.

Yun na nga, e onetime naisipan kong mag audition sa SME, YGE, JYPE, Starship ent atsaka sa Cube ent, wala nagbabakasakali lang, baka swertehin. E, nung nasa website na ko ng JYPE, biglang sumulpot sa isip ko yung Dream Knight—web drama ng GOT7.

May nakita kasi ako sa Newsfeeds ko picture ni Jb ta's nakalagay sa baba, Dream Knight. Nakita ko yun siguro mga march? Ewan, nakalimutan ko na.

Teaser photo ata nila yun para dun, basta yun e na-curious ako yun sinearch ko tas may lumabas sa Dailymotion tapos yun, pinanood ko tas na pa "Ahh, web drama pala"

At dahil Intro palang pasabog na at nakakaselos na dahil dun sa... Basta panuorin n'yo nalang, ang ganda promise! Yun na nga, dahil dun nahulog ako kay Jb. Isang titig n'ya lang shet, nalulusaw na ko ng bonggang-bongga.

Ayun na nga eto na yung naimagine ko:

Trainee daw ako ng JYPE, tapos daw may monthly assessment/evaluation kami, di ako sure dun sa term, pero yun yung term na nasa imagination ko eh.

Tapos yun nga nandun daw lahat ng artist ng JYPE para maging judge. Tas may bestie ako na kapwa trainee ko, tapos nakatitig daw saking si Jb, ako naman 'tong "Ano ka ba, baka iba yung tinitignan nya, mahirap ng mag assume, masabihan pa kong Assume-era" Pero deep inside keleg much.

Tas one time daw nasa rooftop ako, kumakanta daw ako ng Forever Love ni JB. Ta's bigla daw sumulpot si Jb. Shock na shock daw ako kasi tinabihan n'ya ko sa upuan.

"Ang ganda pala ng boses mo" Sabi nya sa'kin ta's ngumiti sya.

Ta's napasabi daw ako ng "Shet" pero mahina lang naman.

Ta's yun syempre grinab ko na yung opportunity na makipag selfie sa kanya at tanungin sya ng kung anu-ano, ganun din s'ya sa'kin in-interview n'ya rin ako. ta's pagkatapos daw nung araw na yun naging close daw kami pati ng members ng Got7.

Super duper close daw kami ni Jackson. Ta's onetime daw, minessage daw ako ni Jb, pinapapunta n'ya ko sa rooftop ta's pagdating ko dun nakita ko syang nakatayo ang lalim daw nang iniisip nya, tas sabi ko daw

"Hoy, di ko na matanaw sa sobrang lalim nung iniisip mo" Pabirong sabi ko.

Tinitigan nya lang daw ako, tas hinawakan yung dalawang kamay ko, ta's kabado bente daw ako di ko daw alam kung bakit.

Mga ilang segundo lang nagsimula na daw syang magsalita, sabi nya daw "Hindi ko alam pero nahulog na ata talaga ako sayo, simula nung una kitang makita, lalo na nung narinig kitang kumakanta ng forever love. Ewan ko. di ko alam kung ano yung specific na dahilan kung bakit. Ewan ko kung dahil sa palangiti ka, very outgoing ka, wala kang pake sa sasabihin ng iba pag nakikita ka nilang tumawa. Hindi ko alam eh. Gusto na ata kita, hindi mahal na kita" Sinabi nya daw yun habang nakatitig sya sa kin. 

Tinanong daw nya ko kung pwede ba daw manligaw, pero sabi ko daw, "Manliligaw ka pa eh, matagal na kitang gusto. Pero sabagay mas maganda kung magpapakipot pa ko diba? tsaka para din may thrill, pero 'wag na" Sagot ko sakanya.

"So tayo na?" tanong nya daw.

"Aba e, gusto mo ba?" Pabirong sagot ko.

Niyakap nya daw ako at sinabi "Mahal na mahal na mahal na mahal kita"

"Mas mahal kita" Sabi ko naman daw.

Ang lupit talaga ng imahinasyon ko ano po? Biruin mo yun kami na ni JB.

A fangirl thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon