Bangtan's teaser photo and concept reaction

72 6 2
                                    

So ayun nga, ngayon ko lang nakita yung teaser photo ng Bangtan. Sht ang gwapo talaga nila sa unang concept, hindi ko sila nakikita as bangtan member, ibang iba sila (sa tingin ko). Ewan ko, kasi diba ang parang image ng bangtan is badboys pero dun sa unang concept nila shet Flower boy next door yung datinggan nila. BTW, kdrama po yung Flowerboy next door, maganda po kaya panuorin nyo na.

Anyways, balik tayo sa teaser photo ng bangtan, yung pangalawang concept naman nila. Well, yung pangalawang concept nila yung pinaka gusto ko,why? Eh kasi ang hot nilang lahat,lalo na ni Suga, potek onti nalang malalaglag na yung obaryo ko. Shemays.

And last but not the least bangtan's third concept. Well, for me, taray umi-english akes ngeyen, sabi ko pahinga muna yung aking ingles ngayens.

Eneweys, balik tayo sa third concept nila, medyo weird para sakin yung third concept, ang fave photo dun is yung kay Jin pero nangingibabaw yung kay Suga.

Excited na talaga ako para sa nalalapit nilang Comeback. Sana makabili na ko ng album nila at may kasamang official poster, kaso dahil walang pasok walang pag asang makabili dahil walang baon. International-poorita fan problem.

Tsaka ngayon ko lang naalala, sa lahat ng concept sa teaser photos nila napansin ko na basang basa yung mga buhok nila, para silang naligo sa ulan. hindi naan sa ano, pero para tuloy barcode yung mga bangs nila, pero kahit ganun ang hot parin nila.

A fangirl thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon