#LAKASMAGSELOS #MEDYOBITTER

61 4 0
                                    

Alam ko namang wala akong karapatan na mag-selos kasi hindi naman kami, hindi naging kami, walang kami, ni hindi n'ya nga ko kilala eh pero kasi nakaka-putang inis 'tong feeling na 'to.

Ex na nya pero kasi pa'no kung may feelings pa sila sa isa't isa, di ba? Pa'no kung sila parin ta's sikreto lang yung relasyon nila? Parang 'kong eng-eng, ang lakas ko mag-selos e hindi nga sya bias ko, pero eto, para kong gagi nags-selos ako. Hay, ewan ko ba kung ba't ako nagkaka-ganito.

Anyways, nagkalimutan man na sila(I hope so ㅋㅋㅋ) or kung sila pa'rin until now, okay lang, maganda naman yung girl tsaka ang amo-amo ng mukha n'ya, sa sobrang amo ng mukha n'ya gustong-gusto ko ng sapak sapakin! Joke lang ang OA ko naman 'pag ganun, di ba?

Pero maganda talaga s'ya at maamo talaga yung mukha n'ya.

Wag kayong magagalit guys, baka sabihin n'yo immature fan ako or what. Gusto ko lang i-share yung nararamdaman ko. Ganito talaga ako. Yung kina ano nga hanggang ngayon bitter parin ako ng onti pero onti nalang naman, tsaka kung gusto nila talaga ang isa't isa di ba, bakit pa ko mamamagitan. TSAKA SINO BA NAMAN AKO PARA MAMAGITAN DI BA?

Haha, ciao!

A fangirl thingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon