Chapter 13

206 16 0
                                    

"Mauna na ako mga tol may date pa ako" paalam ko, kakatapos lang namin mag training. ngayon ang 1st Anniversary namin ni Selene, sobrang excited ko nang makita at makasama siya. Ngayon napag desisyonan ko siyang dalhin sa isang mamahaling restaurant para maiba naman kasi palagi lang kaming sa loob ng paaralan nag dedate

"Welcome back to the philippines Cuz marunong ka paba magtagalog?" natatawang biro kay Patricia, pinsan ko siya sa mother side. Sa stage siya lumaki pero kahit hindi siya dito lumaki sa Pilipinas close parin kami hindi alam ni Selene na may pinsan akong babae sa mother side akala niya kasi puro lalaki lang

"Syempre naman kahit hindi tagalog ang first language ko marunong parin ako, sa galing ba naman ng tutor ko" Slang na pagkasabi niya na may accent pa kaya natawa nalang ako

"Balita ko may jowa kana daw, sino yan Kudi, gusto kong makilala" tukso niya habang naglalakad kami sa hallway, may narinig akong may tumatawag sakin, nilibot ko ang paningin ko nakita kong si Hanna pala ang tumatawag sakin nakita ko sa gilid niya si Selene kaya napangiti ako nilapitan ko siya agad at hinalikan sa pisngi ngumiti lang siya. lalo siyang gumaganda sa paningin ko

"hey Love, this is Patricia my schoolmate, transferee siya, Pat this is Hanna, and my one and only Love, Selene" ani ko

dumating ang umaga hindi ako nakisabay kila Selene kumain dahil may Klase pa ako hindi kasi kami pareho ng schedule

"Sorry Love hindi kita maihahatid, nandito ako ngayon sa condo ni Patricia inassign kasi ako ni Maam na tulungan si Pat sa mga lesson namin para makahabol siya" paghingi ko nang paumanhinn kay Selene, hindi ko kasi siya maihahatid. Hindi natuloy ang pagtulong ko kay Pat sa mga lesson namin dahil naabutan ko siyang umiiyak sa loob nang condo niya

Yun pala ay niloko siya nang boyriend niya.. Maaga akong pumunta kila Hanna para bumawi kay Selene sa hindi paghatid sakanya kahapon. i decided to take her to baguio as a peace offering. Habang nasa Baguio kami, isang araw tumawag si Mommy. ano na naman kaya kailangan nito

"Yes Mom?" bungad ko sakanya

"One of my friends saw you in the Baguio. but, not just only you.. kasama mo pa ang Selene na yun, ilang beses ko bang sabihin sayo Broke up with that girl and marry Jessie" galit na ani niya. si Jessie ay anak nang Business partner namin na gustong ipakasal sakin ni Mommy

"I love Selene Mom, and you know that"

"Broke up with her or i tell her that you already have a Fiancee" pagkatapos sabihin yun ni Mommy pinatay na niya ang tawag. Gusto ko manlumo sa sinabi niya ayaw kong iwan si Selene. 

Siya ang babaeng nagparamdamsakin na hindi ako nag iisa sa mundong ito. Siya lang ang nag paramdam sakin na kahit anong unos man ang dumating sa buhay natin merong paraan, wag lang mawalan nang pag-asa. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong mag aral nang mabuti para hindi kami mahirapan sa huli, kaya sabihin niyo paano ko iiwan ang babaeng naging ilaw sa madilim kong mundo. Pumunta kaming beach para manood nang sunset. She really love beaches

"If you miss me just look at the moon, and imagine that im with you" malungko na sabi niya. kapag namiss ko siya bakit pa ako titingin sa buwan kung pwede ko naman siyang halikan at yakapin nang mahigpit sa personal

"If you are the Moon, Then i'll be your Star, I stay with you no matter what happen" sabi ko sakanya. Kagaya nang mga bituin hindi ko din siya iiwan kahit ayaw sakanya ni Mommy ipaglalaban ko siya

Ilang araw ko nang hindi nakakasama si Selene kahit text o tawag man lang . pinagbawalan ako ni Mommy. Wala akong nagawa, ang duwag duwag ko. Sabi ko ipaglalaban ko siya pero hindi ko nagawa dahil sa kaduwagan ko

"makipag hiwalay kana sakanya anak kailangan mong pakasalan si Jessie para maisalba ang companya natin, Kahit ito nalang ang magagawa mo para samin nang Daddy mo" naiiyak na pakiusap sakin ni Mommy. Ayaw kong makitang ganito si Mommy kaya napag desisyonan kong sundin nalang siya. kahit masakit, kahit labag sa kalooban ko tinext ko si Selene na makipag kita siya sakin mamaya sa Garden. tataposin ko lang ang problema na 'to tapos babalikan ko siya, Sana hintayin niya ako

"Sure kana ba dito Cuz? are you really sure to broke up with her, to break her heart into pieces"alanganing saad ni Patricia

"Yes, I can't watch my parents suffer because of my selfishness" buntong hiningang ani ko sakanya

"May nagawa ba akong mali? sabihin mo lang itatama ko wag mo lang akong iwan.. gagawin ko lahat.. lahat lahat, mahal na mahal kita" desperadang pakikiusap niya sakin. umaagos na din ang mga luha niya, ang sakit sakit na makita siyang ganito

"Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal kailanman" kahit ako nasasaktan sa sarili kong salita, maraming masasakit na salita ang sinabi ko saknya. ginamit kopa si Pat para lang makipag break sakanya. Hindi kona kayang makita siyang nasasaktan kaya iniwan ko na siya habang umiiyak parin 

Pagdating ko sa Condo Unit ko, lumaklak agad ako nang alak. Mga alak nalang ang karamay ko sa ngayon, nilunod ko ang sarili ko sa alak. Ilang araw na akong balisa pumapasok nga ako pero wala naman akong naiintindihan sa mga lesson namin. si Selene lang ang laman nang utak ko ngayon, Kung kamusta na siya? umiiyak paba siya dahil sakin? 

"Tama na yan Cuz, papatayin mo ba ang sarili mo sa alak, Kung nandito lang si Selene hindi yun matutuwa" gusto kong umiyak nang marinig ko ang pangalan niya. magsasalita na sana ako nang may narinig kaming door bell, naguguluhang napatingin siya sakin

"May bisita kaba?" tanong niya, umiling lang ako, wala akong ganang magsalita. sino naman kayang bibisita sakin

"Titignan ko lang sandali"tumayo na siya at tinungo ang pinto, parang may kinakausap siya pero hindi ko marinig kung ano yun

"OhMyGash Kudi hindi ka talaga maniniwala sa sasabihin ko" walang gana ko siyang binalingan

"Selene is here, She is at the dining room" dahil sa sinabi niya napatayo agad ako, lalabas na sana ako nang pigilan niya ako

"Hep hep hep, lalabas ka nang ganyan ang mukha" taas kilay na sabi niya. kaya inayos ko muna ang mukha ko bago lumabas. tama nga si Pat nandito si Selene pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na sabi ko.

Nang sinabi niya sakin na gusto niya akong makasama kahit limang araw lang ay pumayag ako, kahit sa huling limang araw lang ay maiparamdam ko saknya kung gaano ko siya kamahal. mas lalo pa akong sumasaya nang sinabi niyang magkunwari kami na kami pa, pero lahat nang ipaparamdam ko sakanya ay purong katotohanan lamang. ngayong pagbibigyan ko muna ang sarili ko dahil alam kong ito na talaga ang huli naming pagsasama dahil ikakasal na ako sa babaeng di ko naman mahal

Lahat nang mga pangako, pangarap, at mga plano namin ay parang bula na biglang naglaho. wala na ang aking buwan na magsisilbing ilaw sa madilim kong mundo. paano ko pa makikita ang tamang daan kung wala na saaking tabi ang aking ilaw. dahil sa kaduwagan ko nawala ang buwan ko, ang taong mahal ko na pinangakuan ko nang lahat

Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon